Nakapaglinis din…

21 07 2008

Magulo ako ngayon. Busy sa mga bagay-bagay sa buhay ko.

Nasa part ako ngayon ng paghahanap ng bagong career. Mahirap pala magsimula at pumasok sa gusto mong maging karera talaga kapag nasa ibang bansa ka. Kailangan may natapos, specialization atย Canadian experience ka para mapasok mo ang gusto mong pasukan. Kailangan kong magtiyagaย at magsipag para sa goal ko. Ayos lang magsimula sa baba hanggang makamit ang gusto. Sana lang makahanap ako ng bagong career para naman sumaya na ng husto si Misyel at mga mahal ko sa buhay. Help me Lord. ๐Ÿ™‚ Bait naman po akong bata eh.

Nga pala kahit na magulo ako ngayon masaya din ako kasi pinana ulit ako ni Cupid. Hindi man ito hinog pa ng husto pero masarap pa din sa panlasa. Sana nga handa na talaga ako at wala akong masasaktang tao. Aba, matagal-tagal na din since nung huli akong nagkaroon ng relasyon. Kaya dapat maging matino ito kasi ayaw ko ng maramdaman yung mga bugbog na naranasan ko dahil sa lupit ng pag-ibig.

Miss ko na sobra ang blogging. Hindi ko na maharap magpost ng tulad ng dati. Yung pagbisita ko madalas sa mga blog na tuwang-tuwa akong pasyalan di ko na din magawa ngayon. Minsan kapag may chance sinisilip ko pa din naman yung iba at pinapasyalan ang dashboard ko para tignan ang mga nasa top entry. Nagbabasa pa din ako ng mga kwento ng mga fave blogger ko, yun nga lang madalas hindi ako makapagiwan ng bakas man lang… pasensya po!ย 

Salamat pala sa mga bumati nung kaarawan ko at sa mga nag-iiwan ng komento. I appreciate it a lot, pinapatunayan niyo lang na kahit papano eh may nadalaw pa din pala sa inaagiw kong bahay. Muchos gracias po!

Hindi ko magagawang magpaalam at kalimutanย ang mundong ito kasi napamahal na ito sa akin. Alam ko naman isang araw babalik pa din ako sa dati, mangulit sa mga blogmates at gumawa ng entry tulad noon, na kahit madalas eh walang sense sige pa din ako sa kwento.

Ngayon di ko matiis na hindi man lang magparamdam sa blog ko. Feeling ko kasi ang dami ng agiw at kailangan ng linisin. Di man malinis ng husto, masaya ako na nakapag paramdam din ako at napatunayan kong di pala ako mumu hehe!





Hulyo otso

8 07 2008

Tandang-tanda ko pa July 08, 2005 ng ihatid ako ng mahal kong pamilya sa NAIA para lumipad papuntang Canada. Nung gabi bago ang araw na yun halos di ako nakatulog. Sari-sari ang pumasok sa isipan ko, eksayted ako pero mas malaki ang pangamba sa nararamdaman ko.

Hindi ako sanay na mawalay sa family ko ng matagal, buong buhay ko nakadepende ako sa kanila. Kaya nung dumating ako sa punto na iiwan ko muna sila pansamantala sobrang sama ng loob ko. Halos durugin ang puso ko nung oras na para magpaalam. Hindi ko napigilan ang pag-iyak lalo na nung makita ko sa unang pagkakataon na tumulo luha ng papsy ko. Parang ayaw ko na nun umalis, ayaw ko na bumitaw sa mga mahal ko. Lahat ng naghatid sa akin sa airport naiyak. Iiwan sila ng babaeng medyo baliw na adik, hehe!

Alam ko magtatagal bago ko sila makita muli kaya ganun na lang ang lungkot ko pero sa lahat ng iyon may pag-asang namuo sa akin, na sandali lang ang paghihiwalay na yun at kailangan maging matatag ako kasi sila ang isa sa rason kung bakit ako umalis.

Malaki ang pagbabago ng nagpunta ako dito, una na dun ang pagtanggap na hindi lang pinoy ang makikita ko at makakasalamuha. Sobrang nanibago ako ng una kong dating dito, halos mabali leeg ko sa kakatingin sa iba’t-ibang lahing nakikita ko. Plus ang iba’t-ibang pag-uugali ng mga nakakasalamuha mo at ang presyo ng mga bilihin, na sa una eh di ko magawang makabili ng gusto ko kasi converted agad sya sa peso, hehehe!

Naglaon ang panahon, nasanay na ako sa buhay dito. Unti-unti nabawasan ang homesick ko sa mahal kong pamilya. Napansin ko na nagbago din ang iba kong gawi, natuto at patuloy pa din akong nagiging matatag. Ang dating iyakin at mahinang loob na si Misyel eh nagiging strong na din at palaban. Nalalabanan ko na ang pagiging iyakin ko at sensitive.

Parang kailan lang, halos mabaliw ako sa lungkot na mawalay sa mga mahal ko. Parang kailan lang ang payat ko pa, hehe! Parang kailan lang, halos di ko makaya ang ginaw kapag winter. Parang kailan lang, takot at nangangamba ako sa magiging buhay ko dito sa Toronto. Parang kailan lang, magulo pa isip ko…

Alam ko marami pa kong pagdadaanan pero sigurado akong mas matibay na ako kasi ito ang gusto Niya para sa akin. Mahiwalay (for the meantime) sa mga taong dinedependehan ko para tumayo sa sarili kong desisyon sa buhay at maging malakas at buo ang loob.

Salamat po Lord. Tatlong taon na pala ako dito. Please guide me still. ๐Ÿ™‚





haberdey to me

28 06 2008

Masaya ako today….

Ito yung araw na lagi kong hinihintay…

Basta pumatak ang twenty-eight ng Hunyo abot tenga na ang ngiti ko…

Hindi dahil sa adik ako kundi ito kasi yung araw na binigyan ako ng chance na mabuhay dito sa mundong ibabaw (awww, drama ito!)…

Sa nakaraang mga taon na binigay sa akin ni God masasabi kong hindi Niya ko pinabayaan, dama ko at kita ko yung pagmamahal Niya kahit na madalas pasaway akong nilalang…

He’s so good to me and sa loved ones ko as well. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa Kanya. I owe everything to Him and He is everything to me… Labs you po! ๐Ÿ™‚

Nag-uumapaw din ang pasasalamat ko sa mahal kong pamilya, they’re my inspiration. Pangatlong taon ko ng hindi sila kasama para magcelebrate sa taon na nadagdag sa akin ๐Ÿ˜€ , pero sa tatlong taon na iyon patuloy pa din ang pagluto ni mamsy ng pansit at pag party nila without the celebrant. How sweet?!

God blessed me too for giving me lots of insans and friends. Glad meron akong tulad nila, sarap kaya ng feeling na maging special ka lagi at ganun din sila sa akin.

And lastly, kayong mga bloggie friends ko. Simpleng comment and makita ko lang na nabisita niyo ako sobrang saya ko na nun. Tapos makakabasa ka pa ng pambihirang mga kwento, hayy panalo! Pampasaya na ng araw.

So sa lahat ng iyan, hindi pa ba sapat para magsaya ako ngayon? Wuhu, life is really this awesome and wonderful!!!

Aberdey to ME!!!






Summer na naman!

25 06 2008

Simula na ng summer dito sa lugar na may apat na season at lubha akong natutuwa kasi isa ito sa mga paborito kong panahon. Mainit na din pero kaya pa naman ng powers ko, ewan ko lang sa susunod na buwan kung tagaktak na si pawis.

Sa wakas naitago ko na din mga damit ko na panlamig. Nagulat lang ako nung isukat ko yung iba kong pang summer, anak ng pating karamihan sa kanila hindi na kasya waaahh! Ibig sabihin nadagdagan talaga ang mga taba ko sa katawan, huhu. Mahirap pa naman magdiet sa ngayon lalo na’t summer, daming kainan na pupuntahan, tsk!

Noong Sabado ang unang araw ng summer kaya pasyal agad kami ng mga berks sa downtown, libot-libot lang at pa-araw sa labas. Wuhuu, sarap talaga gumala kapag ganito ang panahon. Daming tao at madami ding sale sa mall, hehe! Hindi ko maiwasang tumingin eh at makabili maski isang item lang. ๐Ÿ˜€

Tapos may store kaming nadaanan, daming taong nakapila sa labas. So, si ako naman na curious kung anong meron at nakipagsiksikan sa mga naguumpukang pipol, yun pala nandun si Batista isang professional wrestler, endorser sya ng isang product (dunno kung ano eh, hehe). Nakigaya ako sa mga katabi ko na kuha ng kuha ng picture, sabi ko sa sarili ko, “dapat makuhanan ko din siya!” So ilang click ang ginawa ko sa cam phone ko.. At eto po ang sa tingin ko eh, magandang shot na nakuha ko:

Ayos ba sa kuha? Galing kong photographer ano? Nyahaha! Nakipagsiksikan pa ako dyan ha tapos ulo lang pala makukuha ko, hahaha!

Oh well, sigurado ako madaming adventure na magaganap nito, ilang picture na naman ang makukuhanan ko at maidadagdag sa flickr, iitim na naman ako ng husto at makakasakay ng mga rides na makakapanyanig sa kalamnan ko, marami na namang party na mapupuntahan at higit sa lahat madadagdagan na naman ang edad ko, wuhuuu! Lapit na pala ilang araw na lang. Punta ka ha?! ๐Ÿ™‚





Hay Salamat!

17 06 2008

Kanina pa akong umaga nagiisip kung ano ang pwede kong i-kwento sa inyo pero parang puro na lang lumot ang laman ng utak ko ngayon at wala man lang maipiga kahit na ano. Matutulog na sana ako pero feeling ko dami ko ng utang sa blog ko kaya dapat eh mag-update naman ako kahit papaano.

Pansin ko June 11 pa yung last post ko, aba matagal-tagal na din yun ahh! Anak ng tipaklong, tsk ganun na pala ako katagal di nakapaglibot-libot sa mga blog ninyo. Paumanhin po! I’m bad, dami ko ng namiss na mga kwento at happenings.

Thank God umalis na din at nagsawa ang mga virus na nakituloy sa aking katawan. Salamat po ng marami sa mga nagalala at nagbigay ng advices. Sinunod ko naman po, dahil dun eh nakapunta ako ng party ng Sabado at nakapagsimba nung Sunday, yippeee!

As usual lamon na naman ang ginawa ko nung party at dahil sa isang pinoy na okasyon puro pagkain natin ang nakahain. Hayy, sarap ng kain ko talaga! Plus nameet ko din ang future husband ko daw, bwahaha! Welkam party kasi iyon ng isang Pinoy na dumating dito 6mos ago pa (oh wag kana magtanong bakit late na yung pagwelkam sa kanya, hahaha!), since binata syempre hinahanapan ng pakner at ako ang maswerteng (nga ba?) napagtripan hehe! Ayos lang naman sa akin, kasi game naman ako sa mga ganyan-ganyan at di pikon. Full smile pa nga ako sa litrato naming dalawa. ๐Ÿ˜€

Masaya din ako kasi lagi ko ng nakakausap mga mahal ko sa Pinas. May internet connection na kasi sila, pati yung mga cousins ko kaya madalas kachat ko sila at kalandian sa cam, hehe! Ayos, ngayon kasi tipid ako sa tawag plus nakikita ko pa sila na parang kaharap ko lang talaga, yun nga lang wala munang touch at beso pero okay pa din. Kaya minsan din hindi ko na magawang magblog kasi nagiging abala ako kaulayaw sila sa net. Agawin daw ba ang oras ko para sa blog? Hayyz… ๐Ÿ™‚

Ni-hindi ko nagawang gumawa din ng entry para sa Father’s Day, tsk sobra na talaga ako ahh! Ngayon na lang po ako babawi, pagbigyan nyo na ako. Sa mga daddy po dyan, isang mainit na pagbati po ang hatid ko sa inyo. Nawa’y pagpalain pa kayo ni God sa pagtaguyod niyo sa inyong mahal na pamilya. Mabuhay po kayong lahat na mga tatay!

Thumbs up ako sa inyo! ๐Ÿ˜‰

Sa mga susunod na araw, pasyalan ko po ang mga blog niyo para naman makacatch-up ako sa inyong mga kwento. Thanks for reading! Mwahugz!

Update: Pasensya na po wala akong picture na maipapakita kasi camera nila yung pinangkuha at sa kasamaang palad eh empty batt ang cam ko nun. Sinabi ko din dito na husband to be daw (kasi kuro-kuro lang nila yun ๐Ÿ˜† ) , kaya I’m still single and available pa din, nyahahaha!





sik-sikan

11 06 2008

Linggo ng umaga nagsimula ng sumakit lalamunan ko. Ahh wala lang ito, sabi ng isip ko… Vitamin C lang katapat nito, maya lang okay na ulit.

So kinahapunan punta kami sa may lake na naman, sobrang init na kasi ngayon naabot na ng 30ยฐC ang weather kaya masarap atang magpahangin sa tabi ng dagat-dagatan. Iba ang simoy ng hangin, presko hindi na kailangan ng aircon or electric fan. Enjoy ang Misyel habang nakaupo sa malaking tipak ng bato at nagpapakasasa sa tirik ng araw, ayos naman kahit na mabilad kasi walang init na mararamdaman.

Paguwi namin ng bahay pagod ang lola kaya nakatulog ako ng maaga. Paggising ko anak ng pating, sakit pa din si throat ahh! Siguro kulang lang ako ng tubig at vitamin pa ulit. Sobrang init na talaga, kailangan lakasan na ang AC sa bahay.

Nung gabi na hala, feeling ko tinapalan ng Vulcaseal ang butas ng ilong ko. Ang hirap huminga as in! Singhot, singa parang adik na, nakow wala pa ding bisa ang ilang bote ng tubig na naiinom ko. At dahil sa may tapal ang butas ng aking big nose ginamit ko na ang bibig ko para lang makahinga, waaah bakit po ganito?! Mabait naman po ako eh, kailangan pa bang pahirapan ako ng ganire?

Ganun ang hirap ko nung gabing iyon kaya uminom na ako ng neozep para paggising ko wala na ang leecchh na virus! So ayun nakatulog naman ako at paggising ko medyo ayos na nga ang ilong ko pero ang langyang virus nandun pa din! Ubo naman ang hatid nito sa akin, tsk tsk! Tapos sasabayan ka pa ng lagnat, oh diba halatang namiss ako ng sakit?

Aba, matagal na din akong hindi tinatablan ng kahit na anong virus kaya sige hayaan ko namang magpakasasa ang lintek sa katawan ko. Sa tagal na kasing hindi ako nagkasakit eh nalimutan kong hindi nga pala ako sanay sa mga hamog hamog na yan kasi ang baga ko naka stapler lang talaga.

Hayyy, kailan kaya sila magsasawa sa akin? Sana bukas lang lumayas na para makapag lamyerda ako sa Sabado.





Jabee!

7 06 2008

Kung ako tatanungin mo Jollibee or Mcdo, syempre ang sagot ko dyan eh Jabeee! Kung sana may Jollibee dito sa Toronto, hindi sana ako naglalaway ngayon sa chickenjoy at ang gustong-gusto ko na gravy nila!

Noong huling uwi ko sa atin hulaan mo kung anong una kong kinainan? Eh di syempre KFC, hahaha! Joke lang po, sensya na korni ako eh syemps sa Jollibee, diba ang sowsi ko talaga?!? Eh sa yan ang namiss ko eh, wag ka ng umapila! ๐Ÿ˜› Nung tanungin ako ng family ko san ko gusto kumain, dyan ko agad sila niyaya hehehe! Kahit na kandahilo pa din ako dahil sa jetlag, namnam ko pa din ang sarap ng manok nila at ang gravy na ginawa kong sabaw, lols!

Miss ko na ang mascot nito na giant bubuyog at nung umuwi ako sinamantala ko ang pagpapakuha sa kanya para may souvenir atsaka maipagmalaki ko sa mga kaibigan ko dito na nagbonding kami ni Jabee kahit sandali lang na panahon, ehehe!

Natuwa ako sa shinare ng pinsan kong si Kuya KIKO nung isang linggo kaya naisipan kong i-kumpara ito sa naging kuha namin ng buddy ko. ๐Ÿ™‚

Si OLD Jollibee:

After niyang mag glutathione ๐Ÿ˜€

Ayos ba ang pagpapaputing ginawa niya? ๐Ÿ˜†

Maalala ko noon kapag tamad kami lumabas magkakapatid, tatawag lang kami presto may yummy food na kaming lalantakan. Kaso dito puro pizza na lang pwede kong orderin, di pa naman ako mahilig dyan. Mas gugustuhin ko pa kumain ng tuyo at dilis! Nun ngang una kong kain ng Mcdo dito naghanap ako ng manok or spaghetti kaso sawi ako kasi puro burger lang meron sila tsk tsk! Kaya minsan lang talaga akong kumain sa kanila kasi sobrang pinoy ako eh, kanin at ulam ang hanap ko.

Hayyy, kailan kaya magkakaroon ng Jollibee dito sa amin? Sigurado ako kapag meron na nito, dudumugin siya ng mga Noypi dito. Ikaw peyborit mo din ba ang Jabee? ๐Ÿ™‚





Parteeh

3 06 2008

Hindi na ako nakakapag-update sa mahal kong blog lately, dami kasing ginagawa eh… Nagiging busy si ako sa ibang bagay pero aaminin ko na pers lab ko pa din ang blogging, maaring nawawala lang ako ng ilang araw pero di ko pa din kayang isara o di kaya’y iwananan ang mundong ito na nagsilbi ng buhusan ko ng halos lahat ng nangyayari sa buhay ko pero syempre sala pa din yung iba huh, hahaha!

Kaya kung hindi man ako nakakabisita sa mga bahay nyo paumanhin po, kapag may pagkakataon naman makagamit ng pc nagba-bloghopping ako at sa totoo lang miss ko na ‘yan! Kaya gagawin ko yan, now na! Lols! Teka, pagtapos pala ng maikli kong kwento. ๐Ÿ™‚

————-

Last Saturday may party kaming dinaluhan ng kaibigan ko, surprised party para kay Tito Tom. Dito kasi uso ang mga ganito, 50th birthday or 70th or kahit ano basta naisipan nila mag party konting asikaso dito, imbita doon, voilร  party to the max na!

Nag-ayos ako ng araw na iyon para naman hindi ako mapagiwanan sa getup ng mga nanduon. Salamat din sa info na bigay ni Ms Anie, kahit papano eh napinturahan este naging maayos ang make up ko, pinanood ko yung make up tutorial na shinare nya at nagmukha akong tao dahil dito, hikhikhik!

Hindi ko alam kung bakit sa dami naman ng table eh napasama kami sa grupo ng mga may edad na pero ayos lang kasi mababait naman sila tsaka okay kakwentuhan. Syempre sogbu ang Misyel kasi yummy yung mga food na sinerved at may wine pang kasama pero di naman ito tequila kaya di ako lashing ng umuwi. ๐Ÿ˜€ May games pa that time at isa ako sa mapalad na napasama, alam niyo ba yung “hep hep, hooray” ng wowowee? Ginaya nila yun at syempre ang galing ko ata, kaya sa 13 contestant ako yung unang naalis, nyahahaha! May price pa din naman akong natanggap kaya it’s not bad at all. ๐Ÿ˜€

Another weekend passed at super na-enjoy ko ito.

Hayyy, sigurado sunod-sunod na ang party dito kasi June na at palapit na ng palapit ang summer, yeheyyy! Tapos twenty-five days to go, madadagdagan na naman ang edad ko nyay! Parang kailan lang, wala pa kong kamuwang-muwang sa mundo ika nga nila, may gatas pa sa labi.. Eh ngayon? May gatas pa din naman sa labi kaso may halo ng kape, nyahaha!

Gip ko ha, hintayin ko po. ๐Ÿ™‚





kulitan

28 05 2008

Kiko *****: like ko song n to...
mitch: alin?

Kiko *****: is it ok if i call you mine.. just for a time.. and i will be just fine..

mitch: sure why not
mitch:
hahahahha
mitch: yan na ba title nyan?

Kiko *****: hahaha! :*
Kiko *****: oo.. is it ok if i call you mine..

mitch: oo nga
mitch: kulit naman
mitch: lols

Kiko *****: ows? hahaha!

mitch: hahaha

Ang sarap talaga makipag kulitan minsan sa mga friends, lalo na kapag di pikon ehehe! Nakakaganda ng araw eh. Pano na lang kung walang kaibigan? Siguro laging gusot mukha ko. Tulad nito…. ๐Ÿ˜€

———————————–

* tenk yu nga pala miloves sa header. ๐Ÿ˜‰





Niagara Adventure

23 05 2008

Ilang araw din akong hindi nakapagblog hindi dahil sa tinatamad na ako or ayaw ko na, kundi busy lang talaga si ako. Whew, for the first time ilang araw akong hindi naglibot sa mga blog ninyo, pasensya na po. Parang dami ko ng namiss tuloy na kwento. Masyado kasi akong na-okupa sa ganda ng pinuntahan ko nung weekend.

Sunday morning, kasama mga pinsan ko at kaibigan layas na agad kami ng Toronto para mamasyal sa Niagara at dahil sa holiday dito ng Monday (Victoria Day) napag desisyunan naming mag-overnight na din. Ilang beses na akong nakapunta doon pero pers taym ko na mag-i-stay ng matagal.

Kahit na puyat ako ng Sabado, pinilit kong hindi matulog sa sasakyan patungo sa Niagara. Aba, ayoko ata mamiss ang view na dadaanan namin. Kahit saan kami magpunta may dala akong camera para naman may souvenir ako sa mga makikita naming magagandang view at para din ma-ishare ko sa inyo. Sightseeing agad kami pagdating namin doon. Nung mapagod na naghanap na kami ng tutuluyan. Tapos idlip lang ng konti then go na naman kami sa paglibot, hehe!

Eto po sample ng main attraction sa Niagara:

Isa pa:

Syempre di ako papayag na wala akong souvenir na kuha ๐Ÿ™‚ :

Heaven talaga kapag nakita mo ito ng personal. Sa tuwing masisilayan ko ang Niagara Falls hindi ko maalis sa sarili ko ang mamangha at siyempre ang pasalamatan si Lord sa ganda ng Kanyang likha.

Magandang mamasyal sa Niagara, ayos para sa pamilya at barkada. Sobrang nag-enjoy kaming lahat, pasyal dito pasyal doon ang ginawa namin. Hindi naging sagabal ang lamig ng panahon sa lakwatsa namin kahit na tulo sipon at naninigas na katawan namin go pa din, walang makakapigil sa adventure naming yon, hehe!

Nung gabi may concert at fireworks pa sa may falls kaya lumabas pa din kami at nanood.

At night, may nakatutok na iba’t-ibang kulay ng ilaw sa falls kaya ang ganda din nitong pagmasdan.

Ang saya talaga ng escapade naming ito. Unang pasyal ko this spring at magandang simulain diba? My best long weekend ever, weeee!