Jabee!

7 06 2008

Kung ako tatanungin mo Jollibee or Mcdo, syempre ang sagot ko dyan eh Jabeee! Kung sana may Jollibee dito sa Toronto, hindi sana ako naglalaway ngayon sa chickenjoy at ang gustong-gusto ko na gravy nila!

Noong huling uwi ko sa atin hulaan mo kung anong una kong kinainan? Eh di syempre KFC, hahaha! Joke lang po, sensya na korni ako eh syemps sa Jollibee, diba ang sowsi ko talaga?!? Eh sa yan ang namiss ko eh, wag ka ng umapila! 😛 Nung tanungin ako ng family ko san ko gusto kumain, dyan ko agad sila niyaya hehehe! Kahit na kandahilo pa din ako dahil sa jetlag, namnam ko pa din ang sarap ng manok nila at ang gravy na ginawa kong sabaw, lols!

Miss ko na ang mascot nito na giant bubuyog at nung umuwi ako sinamantala ko ang pagpapakuha sa kanya para may souvenir atsaka maipagmalaki ko sa mga kaibigan ko dito na nagbonding kami ni Jabee kahit sandali lang na panahon, ehehe!

Natuwa ako sa shinare ng pinsan kong si Kuya KIKO nung isang linggo kaya naisipan kong i-kumpara ito sa naging kuha namin ng buddy ko. 🙂

Si OLD Jollibee:

After niyang mag glutathione 😀

Ayos ba ang pagpapaputing ginawa niya? 😆

Maalala ko noon kapag tamad kami lumabas magkakapatid, tatawag lang kami presto may yummy food na kaming lalantakan. Kaso dito puro pizza na lang pwede kong orderin, di pa naman ako mahilig dyan. Mas gugustuhin ko pa kumain ng tuyo at dilis! Nun ngang una kong kain ng Mcdo dito naghanap ako ng manok or spaghetti kaso sawi ako kasi puro burger lang meron sila tsk tsk! Kaya minsan lang talaga akong kumain sa kanila kasi sobrang pinoy ako eh, kanin at ulam ang hanap ko.

Hayyy, kailan kaya magkakaroon ng Jollibee dito sa amin? Sigurado ako kapag meron na nito, dudumugin siya ng mga Noypi dito. Ikaw peyborit mo din ba ang Jabee? 🙂

Advertisements




Parteeh

3 06 2008

Hindi na ako nakakapag-update sa mahal kong blog lately, dami kasing ginagawa eh… Nagiging busy si ako sa ibang bagay pero aaminin ko na pers lab ko pa din ang blogging, maaring nawawala lang ako ng ilang araw pero di ko pa din kayang isara o di kaya’y iwananan ang mundong ito na nagsilbi ng buhusan ko ng halos lahat ng nangyayari sa buhay ko pero syempre sala pa din yung iba huh, hahaha!

Kaya kung hindi man ako nakakabisita sa mga bahay nyo paumanhin po, kapag may pagkakataon naman makagamit ng pc nagba-bloghopping ako at sa totoo lang miss ko na ‘yan! Kaya gagawin ko yan, now na! Lols! Teka, pagtapos pala ng maikli kong kwento. 🙂

————-

Last Saturday may party kaming dinaluhan ng kaibigan ko, surprised party para kay Tito Tom. Dito kasi uso ang mga ganito, 50th birthday or 70th or kahit ano basta naisipan nila mag party konting asikaso dito, imbita doon, voilà party to the max na!

Nag-ayos ako ng araw na iyon para naman hindi ako mapagiwanan sa getup ng mga nanduon. Salamat din sa info na bigay ni Ms Anie, kahit papano eh napinturahan este naging maayos ang make up ko, pinanood ko yung make up tutorial na shinare nya at nagmukha akong tao dahil dito, hikhikhik!

Hindi ko alam kung bakit sa dami naman ng table eh napasama kami sa grupo ng mga may edad na pero ayos lang kasi mababait naman sila tsaka okay kakwentuhan. Syempre sogbu ang Misyel kasi yummy yung mga food na sinerved at may wine pang kasama pero di naman ito tequila kaya di ako lashing ng umuwi. 😀 May games pa that time at isa ako sa mapalad na napasama, alam niyo ba yung “hep hep, hooray” ng wowowee? Ginaya nila yun at syempre ang galing ko ata, kaya sa 13 contestant ako yung unang naalis, nyahahaha! May price pa din naman akong natanggap kaya it’s not bad at all. 😀

Another weekend passed at super na-enjoy ko ito.

Hayyy, sigurado sunod-sunod na ang party dito kasi June na at palapit na ng palapit ang summer, yeheyyy! Tapos twenty-five days to go, madadagdagan na naman ang edad ko nyay! Parang kailan lang, wala pa kong kamuwang-muwang sa mundo ika nga nila, may gatas pa sa labi.. Eh ngayon? May gatas pa din naman sa labi kaso may halo ng kape, nyahaha!

Gip ko ha, hintayin ko po. 🙂





chichachenes

6 05 2008

Mahilig ka ba sa chicha? Mga pagkaing sabi nila eh, “its not good for our health” kaso malakas ang hatak nito sa iba kaya hindi kayang pigilin kainin or bilhin. Ako, oo mahilig ako sa mga yun. Yummy kasi tsaka pang-alis din ng gutom huh! 😀

Nung sabado napadpad ako sa isang Filipino store, napag-isipan kasi namin ng friend ko na mag ulam ng pagkaing pinoy. Pagpasok ko sa tindahan para akong na hipnotismo sa loob, sari-saring chicha ang nakita ko. Kuha dito, kuha doon na nanginginig-nginig pa habang pumipili ako ng bibilhin.

Nandun ang mga fave kong chips, syempre mahuhuli ba naman sa choices ko ang fave kong Vcut potato chips at Pik-Nik. Feeling ko nasa Pinas lang ako habang nasa loob, kung malapit nga lang sa bahay yung store at hindi ako magko-commute lang pa uwi eh bibilhin ko lahat ng gusto ko dun.

I’m so happy na nakakain ulit ako ng mga paborito kong chicha, kahit na napagsabihan ako ng tita ng friend ko na di maganda para sa akin ang mga yun eh may ngiti pa din sa mukha ko, hehe!

——————-

Last Sunday naman sinundo namin sa airport yung asawa ng pinsan ko, bigla naisip ko tuloy na magbakasyon sa atin. Sana malapit lang talaga ang Pinas sa Canada, pwede lang magbus or taxi kaso hindi eh, milya milya ang layo nito. Kaya hindi naman ganun kadali madalaw ang mga mahal ko sa buhay na nasa Pinas. Miss ko na sila, kailan ko kaya sila ulit mayayakap at makikita?

Teka, bakit biglang drama na ang dating ng sinasabi ko??? Hahaha! Dapat magsaya ako kasi bumalik na sa blogging ang sanpit kong matsing, kahit na alam kong malungkot pa din ito dala ng homesick, hehe! Kuya, tulad ng sabi mo noon sa akin i-blog mo na lang iyan! 😆

Sige po, lantakan ko muna itong pasalubong sa akin….





puyatera no more!?

2 05 2008

Ilang linggo na din akong natutulog ng maaga. Dati rati kasi umaga na ko kung matulog, inaabot ako ng madaling araw. Kaya naman yung eye bag ko eh pwede ng taniman ng halaman, lolz! Naalala ko pa nga noon dahil sa kakapuyat ko eh pinutakte ako ng mga pimples, nyay!

Gustuhin ko man magpuyat tulad ng dati, gumamit ng internet hanggang sumakit na mata ko at dumoble na tingin ko sa mga nababasa ko, manood ng telenovela hanggang alas kwatro (oo, baduy na. wala kang pakialam!), magbasa ng kung anik-anik, wantusawang makinig ng musika, tumunganga sa kwarto at tumingin sa kisame, maghalungkat ng gamit at magsukat ng trip na damit, humarap sa salamin at mag-astang model, magtelebabad sa telepono hanggang sumakit ang tenga o di kaya’y magtext hanggang mapuno ang inbox, kuhanan ang sarili gamit ang timer ng camera, kumain ng chicha hanggang tamarin ng magtutbras at kung ano-ano pa…

Ngayon di ko na yan magawa. Bakit kamo? Di ko actually alam eh, hahaha! Para kasing may napigil sa akin at nag-uutos na matulog na ako. Basta pagpatak ng alas dies y medya ng gabi para na akong hilong talilong at kailangan eh nasa higaan na ako sa ayaw ko man at sa ayaw. 😀

Sabagay, maganda din matulog ng maaga. Mas lumalakas ang katawan, bawas na si eye bag, kumikinis ang mukha at walang sakit ng ulo pag gising. Yun nga lang madami akong namimiss, tulad na lang ng pakikipagchat ko sa mga kaibigan ko na sa gabi ko lang natatagpuan at paggawa ng entry sa blog (ewan ko kasi parang mas ayos sa akin magisip sa gabi kasi tahimik). May ilan na nga akong friend na nagsabing hindi na nila ako nakikita at nakakausap, nagtatago daw ako hehehe. See? Hindi sila sanay na hindi ako nakikitang naka online hanggang madaling araw, ibig sabihin 1st runner-up ako sa pagpupuyat.

Teka lang, bakit parang may nakikita akong mga stars sa paligid??? Naku, hala umabot ako ng 11pm! Hinihila na ako papunta sa bed, ayan na po, sige bukas na lang ulit mga pips. Salamat sa pagbabasa! 😉





eighteen

27 03 2008

Kanina after kong maligo tsinek ko kung gaano na ako kabigat. Bigla akong napaisip….. Parang kailan lang na sa 112lbs ang timbang ko, ngayon 130lbs na.

eighteen.jpg

Whaat?!? Ganun ang bigat na nadagdag sa akin? Ang OA ko ahh, hehe at talagang mega lagay pa ng computation ano? hahaha! Oh well, panong hindi mananaba kain dito kain doon ang ginagawa ko. Alam ko matakaw akong tao at lalo ko pang napatunayan yan nung makarating ako dito sa bansa na may apat na season. Madalas akong sumabay sa papsy ko noon kapag kainan kasi malakas din syang kumain at sa tingin ko sa kanya ko yun na mana. 🙂

Pansin ko lately lagi akong naghahanap ng makakain, ilang minuto lang pagkatapos ko mag-almusal, lunch or dinner hahanap na agad ako ng mangangata. Waahhh! Abnormal na ba ako? Juice ko poh! Wag naman sana akong matulad dito. From size 8 naging size 10 na ako ngayon, pwede ko pa naman isuot yung mga pants ko dati kaso para na akong suman at kailangan ko pang alisin sa pagkakabutones yung pants ko kapag nakaupo ako. Waaaahh ulit! Eto pa, nung umuwi ako last year tawag sa akin ng mga pinsan ko sa Pinas tabachingching, palibhasa sanay sila makita ako na payatot.

Sabagay madali lang naman akong pumayat eh kaso mahirap alisin yung mga bilbil na naipon sa may belly. Dati without the effort may nakikita akong abs na nakaporma sa tyan ko pero ngayon kailangan ko pang piliting huwag huminga para lang may makita akong singliit ng kasoy. lolz! Bakit kasi kailangan pang tumaba kapag masarap kang kumain?

Naglipana pa naman ang pwedeng makainan dito, iba’t-ibang klaseng buffet restaurant ang makikita mo Chinese, Thai food, Filipino, Indian, at marami pang iba… Sa lahat ng resto na napuntahan ko Japanese food ang the best para sa akin, tignan mo naman kasi:

jap-food.jpg

eto pa….

yummy.jpg

Yummy davah?!? Ngayon tanong ko paano ko iiwasan huwag kumain ng madami?