Summer na naman!

25 06 2008

Simula na ng summer dito sa lugar na may apat na season at lubha akong natutuwa kasi isa ito sa mga paborito kong panahon. Mainit na din pero kaya pa naman ng powers ko, ewan ko lang sa susunod na buwan kung tagaktak na si pawis.

Sa wakas naitago ko na din mga damit ko na panlamig. Nagulat lang ako nung isukat ko yung iba kong pang summer, anak ng pating karamihan sa kanila hindi na kasya waaahh! Ibig sabihin nadagdagan talaga ang mga taba ko sa katawan, huhu. Mahirap pa naman magdiet sa ngayon lalo na’t summer, daming kainan na pupuntahan, tsk!

Noong Sabado ang unang araw ng summer kaya pasyal agad kami ng mga berks sa downtown, libot-libot lang at pa-araw sa labas. Wuhuu, sarap talaga gumala kapag ganito ang panahon. Daming tao at madami ding sale sa mall, hehe! Hindi ko maiwasang tumingin eh at makabili maski isang item lang. 😀

Tapos may store kaming nadaanan, daming taong nakapila sa labas. So, si ako naman na curious kung anong meron at nakipagsiksikan sa mga naguumpukang pipol, yun pala nandun si Batista isang professional wrestler, endorser sya ng isang product (dunno kung ano eh, hehe). Nakigaya ako sa mga katabi ko na kuha ng kuha ng picture, sabi ko sa sarili ko, “dapat makuhanan ko din siya!” So ilang click ang ginawa ko sa cam phone ko.. At eto po ang sa tingin ko eh, magandang shot na nakuha ko:

Ayos ba sa kuha? Galing kong photographer ano? Nyahaha! Nakipagsiksikan pa ako dyan ha tapos ulo lang pala makukuha ko, hahaha!

Oh well, sigurado ako madaming adventure na magaganap nito, ilang picture na naman ang makukuhanan ko at maidadagdag sa flickr, iitim na naman ako ng husto at makakasakay ng mga rides na makakapanyanig sa kalamnan ko, marami na namang party na mapupuntahan at higit sa lahat madadagdagan na naman ang edad ko, wuhuuu! Lapit na pala ilang araw na lang. Punta ka ha?! 🙂