Hay Salamat!

17 06 2008

Kanina pa akong umaga nagiisip kung ano ang pwede kong i-kwento sa inyo pero parang puro na lang lumot ang laman ng utak ko ngayon at wala man lang maipiga kahit na ano. Matutulog na sana ako pero feeling ko dami ko ng utang sa blog ko kaya dapat eh mag-update naman ako kahit papaano.

Pansin ko June 11 pa yung last post ko, aba matagal-tagal na din yun ahh! Anak ng tipaklong, tsk ganun na pala ako katagal di nakapaglibot-libot sa mga blog ninyo. Paumanhin po! I’m bad, dami ko ng namiss na mga kwento at happenings.

Thank God umalis na din at nagsawa ang mga virus na nakituloy sa aking katawan. Salamat po ng marami sa mga nagalala at nagbigay ng advices. Sinunod ko naman po, dahil dun eh nakapunta ako ng party ng Sabado at nakapagsimba nung Sunday, yippeee!

As usual lamon na naman ang ginawa ko nung party at dahil sa isang pinoy na okasyon puro pagkain natin ang nakahain. Hayy, sarap ng kain ko talaga! Plus nameet ko din ang future husband ko daw, bwahaha! Welkam party kasi iyon ng isang Pinoy na dumating dito 6mos ago pa (oh wag kana magtanong bakit late na yung pagwelkam sa kanya, hahaha!), since binata syempre hinahanapan ng pakner at ako ang maswerteng (nga ba?) napagtripan hehe! Ayos lang naman sa akin, kasi game naman ako sa mga ganyan-ganyan at di pikon. Full smile pa nga ako sa litrato naming dalawa. 😀

Masaya din ako kasi lagi ko ng nakakausap mga mahal ko sa Pinas. May internet connection na kasi sila, pati yung mga cousins ko kaya madalas kachat ko sila at kalandian sa cam, hehe! Ayos, ngayon kasi tipid ako sa tawag plus nakikita ko pa sila na parang kaharap ko lang talaga, yun nga lang wala munang touch at beso pero okay pa din. Kaya minsan din hindi ko na magawang magblog kasi nagiging abala ako kaulayaw sila sa net. Agawin daw ba ang oras ko para sa blog? Hayyz… 🙂

Ni-hindi ko nagawang gumawa din ng entry para sa Father’s Day, tsk sobra na talaga ako ahh! Ngayon na lang po ako babawi, pagbigyan nyo na ako. Sa mga daddy po dyan, isang mainit na pagbati po ang hatid ko sa inyo. Nawa’y pagpalain pa kayo ni God sa pagtaguyod niyo sa inyong mahal na pamilya. Mabuhay po kayong lahat na mga tatay!

Thumbs up ako sa inyo! 😉

Sa mga susunod na araw, pasyalan ko po ang mga blog niyo para naman makacatch-up ako sa inyong mga kwento. Thanks for reading! Mwahugz!

Update: Pasensya na po wala akong picture na maipapakita kasi camera nila yung pinangkuha at sa kasamaang palad eh empty batt ang cam ko nun. Sinabi ko din dito na husband to be daw (kasi kuro-kuro lang nila yun 😆 ) , kaya I’m still single and available pa din, nyahahaha!