Jabee!

7 06 2008

Kung ako tatanungin mo Jollibee or Mcdo, syempre ang sagot ko dyan eh Jabeee! Kung sana may Jollibee dito sa Toronto, hindi sana ako naglalaway ngayon sa chickenjoy at ang gustong-gusto ko na gravy nila!

Noong huling uwi ko sa atin hulaan mo kung anong una kong kinainan? Eh di syempre KFC, hahaha! Joke lang po, sensya na korni ako eh syemps sa Jollibee, diba ang sowsi ko talaga?!? Eh sa yan ang namiss ko eh, wag ka ng umapila!πŸ˜› Nung tanungin ako ng family ko san ko gusto kumain, dyan ko agad sila niyaya hehehe! Kahit na kandahilo pa din ako dahil sa jetlag, namnam ko pa din ang sarap ng manok nila at ang gravy na ginawa kong sabaw, lols!

Miss ko na ang mascot nito na giant bubuyog at nung umuwi ako sinamantala ko ang pagpapakuha sa kanya para may souvenir atsaka maipagmalaki ko sa mga kaibigan ko dito na nagbonding kami ni Jabee kahit sandali lang na panahon, ehehe!

Natuwa ako sa shinare ng pinsan kong si Kuya KIKO nung isang linggo kaya naisipan kong i-kumpara ito sa naging kuha namin ng buddy ko.πŸ™‚

Si OLD Jollibee:

After niyang mag glutathioneπŸ˜€

Ayos ba ang pagpapaputing ginawa niya?πŸ˜†

Maalala ko noon kapag tamad kami lumabas magkakapatid, tatawag lang kami presto may yummy food na kaming lalantakan. Kaso dito puro pizza na lang pwede kong orderin, di pa naman ako mahilig dyan. Mas gugustuhin ko pa kumain ng tuyo at dilis! Nun ngang una kong kain ng Mcdo dito naghanap ako ng manok or spaghetti kaso sawi ako kasi puro burger lang meron sila tsk tsk! Kaya minsan lang talaga akong kumain sa kanila kasi sobrang pinoy ako eh, kanin at ulam ang hanap ko.

Hayyy, kailan kaya magkakaroon ng Jollibee dito sa amin? Sigurado ako kapag meron na nito, dudumugin siya ng mga Noypi dito. Ikaw peyborit mo din ba ang Jabee?πŸ™‚


Mga Tugon

Information

19 responses

7 06 2008
wifeybee

hahaha, nakakamiss talaga si jollibee, nung umuwi kami last month for our wedding, dyan din kami kumain agad, iba talaga ang lasang pinoy… kung ako lang sa jollibee dapat ang reception namin eh…πŸ˜‰

7 06 2008
bluep

haha nag gluta ang pucha haha. astig.

ako din gawain ko yan. pag tamad ako lumabas, order lang ako ng order. kilala ko nga lahat ng rider at crew sa mcdo eh haha

pero ako mas gusto ko ang mcdo at KFC. nasusuka ako sa lasa ng jollibee, ewan, basta may lasa sya na di kaya ng sikmura ko.

8 06 2008
dakilang islander

methathion ata ang gamit nyan! heheh

tama ka ang sarap ng gravy sa atin…at saka yung serving ng chickenjoy with rice heheh pagkumakain kc ako ng chicken dito sa kfc w/out rice parang wala lang di complete meal

8 06 2008
mangyan ako

isa pa! isa pang chicken joy!!!

going global na rin ang jabee ah.. paborits ko syempre chicken joy, burger steak, at stapegi…

dito, meron nang jabee, kaso lagi nalang “next week” ang opening eh…papa-pichure din ako kay jabeee, kala mo ‘kaw lang ha.. he he he

8 06 2008
eloiski

ekshelli, mas peborit ko anng mcdo eh.
pero natuwa ako sa make over na nangyari kay jabee. hahaha!
pumuti!

8 06 2008
madbong

yumm, chicken joy manok at palabok…..

8 06 2008
wei vines

mukang adik lang before si jolibee ahhh

8 06 2008
kengkay

natawa ako sa comment ni wei, ahahaha . ang laki kasi ng mata e pero mga little kengkays mas type nila si bee din

9 06 2008
MARU

masarap talaga ang pagkain sa jollibee…lalo na pag libre. kelan ba uwi mo? samahan kita sa jollibee.

Misyel: Next year baka makauwi ako, sige samahan mo ako ms maru pati na din sa chowking.πŸ˜€

9 06 2008
batopik

hahaha! masaap ang jabeeeeee!!! haha. sa skul namin yan lang ang pagkaen. hakhak..πŸ˜› honga… parang adik si jabee noon. wahahahaha! ang paya pa niya.. haha!

10 06 2008
Salve

aba’y ampayat naman ni jollibee dyan! siguro di pa sya nakakakain ng mraming yum burger w/ TLC nun.πŸ˜€

10 06 2008
apollo

isa ngang jabee palabok fiesta saka extra rice. lols!

10 06 2008
linglingbells

oo naman! peyborit ko yang si jabi!!!πŸ˜€

effective pala talaga yan glutathione..πŸ˜€

10 06 2008
repah

ang alam ko magkakaroon rin dyan ata sa canada.. kc yung dti kong manger jan magwowork… hehehe.. grabe pati si jabee.. concious rin sa kanyan skin…

11 06 2008
Callcentergal

ang kulit nung pic ni jabee! parang maputla at di pa gaanong hapee! buti inayos nila hitsura ngayon hehehe

11 06 2008
eyna

ako din ginagawa kong sabaw ang gravy!! hehe

kailan ko lang din na-realize na iba iba pala ang menu ng McDo at KFC kapag nasa ibang bansa. kasi dati naghanap din ako ng spaghetti at chicken combi sa mcdo, tsaka chicken n rice combi at na weirdohan sila sa kin kasi daw burger lang binebenta nila at fries na kung saan pati ketchup at mayonnaise (at gravy sa kfc) ay may bayad.

nung umuwi ako sa tin, goldilocks at dampa ata una kong pinatulan. hehe.

27 06 2008
jhamy woops

cute pic… jalibee happy!!
πŸ™‚

1 07 2008
Prinsipe ng Pangarap!

nak nang! ayos ah nagbloom pa siya ngayon at lalong nagmukhang bata! hahaha! nauso ba naman kasi ang glutathione eh. o baka naman nagbelo yan hahahaha! yah know mayaman na siya ngayon… at sempre kung ako rin ang papipiliin Jabee din pipiliin ko. !!!!

21 10 2008
taroogs

wehehehe… parang magkaibang species ng bubuyog si jalibee. sa unang foto, para siyang pukyutan… sa pangalawang foto… parang nagpapakyutan! heheheπŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: