Hay Salamat!

17 06 2008

Kanina pa akong umaga nagiisip kung ano ang pwede kong i-kwento sa inyo pero parang puro na lang lumot ang laman ng utak ko ngayon at wala man lang maipiga kahit na ano. Matutulog na sana ako pero feeling ko dami ko ng utang sa blog ko kaya dapat eh mag-update naman ako kahit papaano.

Pansin ko June 11 pa yung last post ko, aba matagal-tagal na din yun ahh! Anak ng tipaklong, tsk ganun na pala ako katagal di nakapaglibot-libot sa mga blog ninyo. Paumanhin po! I’m bad, dami ko ng namiss na mga kwento at happenings.

Thank God umalis na din at nagsawa ang mga virus na nakituloy sa aking katawan. Salamat po ng marami sa mga nagalala at nagbigay ng advices. Sinunod ko naman po, dahil dun eh nakapunta ako ng party ng Sabado at nakapagsimba nung Sunday, yippeee!

As usual lamon na naman ang ginawa ko nung party at dahil sa isang pinoy na okasyon puro pagkain natin ang nakahain. Hayy, sarap ng kain ko talaga! Plus nameet ko din ang future husband ko daw, bwahaha! Welkam party kasi iyon ng isang Pinoy na dumating dito 6mos ago pa (oh wag kana magtanong bakit late na yung pagwelkam sa kanya, hahaha!), since binata syempre hinahanapan ng pakner at ako ang maswerteng (nga ba?) napagtripan hehe! Ayos lang naman sa akin, kasi game naman ako sa mga ganyan-ganyan at di pikon. Full smile pa nga ako sa litrato naming dalawa.πŸ˜€

Masaya din ako kasi lagi ko ng nakakausap mga mahal ko sa Pinas. May internet connection na kasi sila, pati yung mga cousins ko kaya madalas kachat ko sila at kalandian sa cam, hehe! Ayos, ngayon kasi tipid ako sa tawag plus nakikita ko pa sila na parang kaharap ko lang talaga, yun nga lang wala munang touch at beso pero okay pa din. Kaya minsan din hindi ko na magawang magblog kasi nagiging abala ako kaulayaw sila sa net. Agawin daw ba ang oras ko para sa blog? Hayyz…πŸ™‚

Ni-hindi ko nagawang gumawa din ng entry para sa Father’s Day, tsk sobra na talaga ako ahh! Ngayon na lang po ako babawi, pagbigyan nyo na ako. Sa mga daddy po dyan, isang mainit na pagbati po ang hatid ko sa inyo. Nawa’y pagpalain pa kayo ni God sa pagtaguyod niyo sa inyong mahal na pamilya. Mabuhay po kayong lahat na mga tatay!

Thumbs up ako sa inyo!πŸ˜‰

Sa mga susunod na araw, pasyalan ko po ang mga blog niyo para naman makacatch-up ako sa inyong mga kwento. Thanks for reading! Mwahugz!

Update: Pasensya na po wala akong picture na maipapakita kasi camera nila yung pinangkuha at sa kasamaang palad eh empty batt ang cam ko nun. Sinabi ko din dito na husband to be daw (kasi kuro-kuro lang nila yunπŸ˜† ) , kaya I’m still single and available pa din, nyahahaha!


Mga Tugon

Information

17 responses

17 06 2008
apollo

ay sayang… nipost mo sana ang picture nyo ng future husband mo.. hehe

17 06 2008
kengkay

ibig sabihin di ka na abeylabel, huh?

18 06 2008
neex

salamat sa pagbisita ate misyel!πŸ™‚

sana ako din matagpuan ko na future wife ko. hehehe

18 06 2008
koreanmine

may hubby-2-b na?!!! pix pleaseπŸ˜€

18 06 2008
Callcentergal

ayos! pix naman jan! yihee!

18 06 2008
Aling Baby

tenks sa pagbisita hehehe….πŸ˜€ mamili ka na sa 900 OPM songs koπŸ˜€

uu nga, san ang pruweba ng magiging husband to be mo?? post mo naman para makilatis natin hehehe…

18 06 2008
watson

Share mo naman yung photo para makita namin kung bagay kayoπŸ™‚

18 06 2008
AZRAEL

hmmmm.. may future husband na.. oh nooooooooooo! post mo pics ng makilatis bilis!πŸ˜›

18 06 2008
kulot

YUN oh, may future ka na, ilagay mo na yung pix dito

19 06 2008
Marman

Nakakatuwa ka naman down to earth, parang katsokaran ang approach sa mga readers mo. Sige sasali na rin ako at makikigulo dito.

20 06 2008
ayyzzz

napasilip lang po…

pakita ng pichur ni future husband mo…

hahaha…πŸ˜€

nakkigaya na rin ako sa mga ibang komentador (tama bang term itech..) dito

20 06 2008
wei vines

naks! mukang masyaa ah! sana makita ka namin with your love:D

23 06 2008
BADoy

uu nga… padaan lang po,,, na astigan ako sa pag gwa mo ng blog e madaming pictures at makulay ang buhay sa gitaang gulay!!! ahihihihi!

apir!

> mang BADoy

23 06 2008
emoboyblue

Wow may future hubby na siya.. Invite mo ba buong blogosphere sa kasal? Wahaha!! Kelangan ipasara mo buong edsa kung ganun..πŸ™‚.. Welcome back.

24 06 2008
ann

Update dapat sa lovelife ni Misyel…hehehe.

24 06 2008
kengkay

aray, kaya pala naman wala ng panahon mag blog e dahil nagkaron na ng jowawits!

25 06 2008
peach07

ayus, pagkatapos magkasakit may sukli agad na magandang biyayaπŸ™‚ sana may pix.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: