Summer na naman!

25 06 2008

Simula na ng summer dito sa lugar na may apat na season at lubha akong natutuwa kasi isa ito sa mga paborito kong panahon. Mainit na din pero kaya pa naman ng powers ko, ewan ko lang sa susunod na buwan kung tagaktak na si pawis.

Sa wakas naitago ko na din mga damit ko na panlamig. Nagulat lang ako nung isukat ko yung iba kong pang summer, anak ng pating karamihan sa kanila hindi na kasya waaahh! Ibig sabihin nadagdagan talaga ang mga taba ko sa katawan, huhu. Mahirap pa naman magdiet sa ngayon lalo na’t summer, daming kainan na pupuntahan, tsk!

Noong Sabado ang unang araw ng summer kaya pasyal agad kami ng mga berks sa downtown, libot-libot lang at pa-araw sa labas. Wuhuu, sarap talaga gumala kapag ganito ang panahon. Daming tao at madami ding sale sa mall, hehe! Hindi ko maiwasang tumingin eh at makabili maski isang item lang.πŸ˜€

Tapos may store kaming nadaanan, daming taong nakapila sa labas. So, si ako naman na curious kung anong meron at nakipagsiksikan sa mga naguumpukang pipol, yun pala nandun si Batista isang professional wrestler, endorser sya ng isang product (dunno kung ano eh, hehe). Nakigaya ako sa mga katabi ko na kuha ng kuha ng picture, sabi ko sa sarili ko, “dapat makuhanan ko din siya!” So ilang click ang ginawa ko sa cam phone ko.. At eto po ang sa tingin ko eh, magandang shot na nakuha ko:

Ayos ba sa kuha? Galing kong photographer ano? Nyahaha! Nakipagsiksikan pa ako dyan ha tapos ulo lang pala makukuha ko, hahaha!

Oh well, sigurado ako madaming adventure na magaganap nito, ilang picture na naman ang makukuhanan ko at maidadagdag sa flickr, iitim na naman ako ng husto at makakasakay ng mga rides na makakapanyanig sa kalamnan ko, marami na namang party na mapupuntahan at higit sa lahat madadagdagan na naman ang edad ko, wuhuuu! Lapit na pala ilang araw na lang. Punta ka ha?!πŸ™‚


Mga Tugon

Information

7 responses

26 06 2008
mang BADdoy

uu ba cross link kita… tuloy tuloy sa pag dalawa sa bahay ni mang badoy… ayus sa kuha… next time yung paa nman kuna mo… aheheheh!

Misyel: Paa? hehe! Sige kung makita ko pa ulit.

26 06 2008
Aling Baby

uyy, summer! buti pa ang summer dyan keri mo pa. dito ang summer, masusunog ka ng buhay! subukan mo lang mag sun bathe at siguradong sa dilim imbisibol ka na haha!!

ang saya naman dyan! teka, burpday ba kamo? kelan yaaan??!

Misyel: Narinig ko nga sobra ang init dyan sa inyo, ingat na lang sa inyo. Ngayon na kakaya ko pa, ewan ko lang sa mga susunod na linggo. Later burpday ko na, yahu!πŸ˜€

26 06 2008
emoboyblue

Kainggit naman summer na jan.. Dito maghihintay pa kami ng next year para mag summer.. hehehe! Ingat ka kay batista ang laki ng balikat niyan at baka ma special ka ng wala sa oras..πŸ™‚ .. Ingat enjoy your summer there. tc..:P

Misyel: After ng summer niyo kami naman. Sun bathing na ito hahaha! Ni hindi ko nga nadikitan si Batista eh, tsk!

26 06 2008
Geisha

hay naku.. hindi ko na feel ang summer ng pinas! leche!
ate pwede ba tumira sa inyo para ma experience ko ang summer… hehehheπŸ˜†

oi malaki ang ano.. yung ano ni batista!πŸ˜†

Misyel: Bakit hindi mo man lang na-feel? Lagi kasing naka AC ano? Sige hintayin ko pagtuloy mo dito sa amin, nanginginig pa yan.πŸ™‚

26 06 2008
Wengskie

wow propeysyunal photographer ha! =P Advance happy birthday misyeL!!!!! miss you…..

Misyel: Hayyy, wish ko lang maging propeysyunal talaga. Salamat sa greetings sistah. Kita-kitz tayo ha?! miss you too!

27 06 2008
apollo

advance happy birthday po! Ü

Misyel: Maraming salamat! Ano na nga yung blog site mo? Para mapasyalan ko naman. Teka meron nga ba?

7 07 2008
ultimabrian

Hi Misyel kumusta! ok na ok! IDOL ko yang si BATISTA sa totoo lang gusto kong gayahin ang katawan nya kaso masyado na raw nakakatakot hehehe naalala kopa nung time na nagtatrabaho ako sa Airport sa pinas nakuhanan ko sya ng upclose and personal noong bumisita sila para mag-perform, yung 2006 yata yun, oo nga pala happy b-day.. pasensya kana at hindi kagad kita nabati ayan tuloy late na.. naging busy ako nitong mga nakaraang araw sana sa susunod mga hollywood naman makita mo yey!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: