Niagara Adventure

23 05 2008

Ilang araw din akong hindi nakapagblog hindi dahil sa tinatamad na ako or ayaw ko na, kundi busy lang talaga si ako. Whew, for the first time ilang araw akong hindi naglibot sa mga blog ninyo, pasensya na po. Parang dami ko ng namiss tuloy na kwento. Masyado kasi akong na-okupa sa ganda ng pinuntahan ko nung weekend.

Sunday morning, kasama mga pinsan ko at kaibigan layas na agad kami ng Toronto para mamasyal sa Niagara at dahil sa holiday dito ng Monday (Victoria Day) napag desisyunan naming mag-overnight na din. Ilang beses na akong nakapunta doon pero pers taym ko na mag-i-stay ng matagal.

Kahit na puyat ako ng Sabado, pinilit kong hindi matulog sa sasakyan patungo sa Niagara. Aba, ayoko ata mamiss ang view na dadaanan namin. Kahit saan kami magpunta may dala akong camera para naman may souvenir ako sa mga makikita naming magagandang view at para din ma-ishare ko sa inyo. Sightseeing agad kami pagdating namin doon. Nung mapagod na naghanap na kami ng tutuluyan. Tapos idlip lang ng konti then go na naman kami sa paglibot, hehe!

Eto po sample ng main attraction sa Niagara:

Isa pa:

Syempre di ako papayag na wala akong souvenir na kuha๐Ÿ™‚ :

Heaven talaga kapag nakita mo ito ng personal. Sa tuwing masisilayan ko ang Niagara Falls hindi ko maalis sa sarili ko ang mamangha at siyempre ang pasalamatan si Lord sa ganda ng Kanyang likha.

Magandang mamasyal sa Niagara, ayos para sa pamilya at barkada. Sobrang nag-enjoy kaming lahat, pasyal dito pasyal doon ang ginawa namin. Hindi naging sagabal ang lamig ng panahon sa lakwatsa namin kahit na tulo sipon at naninigas na katawan namin go pa din, walang makakapigil sa adventure naming yon, hehe!

Nung gabi may concert at fireworks pa sa may falls kaya lumabas pa din kami at nanood.

At night, may nakatutok na iba’t-ibang kulay ng ilaw sa falls kaya ang ganda din nitong pagmasdan.

Ang saya talaga ng escapade naming ito. Unang pasyal ko this spring at magandang simulain diba? My best long weekend ever, weeee!


Mga Tugon

Information

20 responses

23 05 2008
karmi

huwaw.๐Ÿ˜€ nice ate misyel.. gala galore ka pala.. ^_^

gusto ko ring pumunta dyan… puntahan ko kayo nina ate melai dyan sa canada ha.. ^_^ ewan ko lang kung kelan un.. hehehehe…

Misyel: Naku sige pretty, hintayin ka namin! Pasyal tayo sa Niagara.๐Ÿ™‚

23 05 2008
eloiski

waaaaw! as in woooww!!! nakakainggit!!! at ate ang ganda ng mga shots mo! as in! napasaya mo ako sa post mo na to! at at the same time, nainggit kasi naman hindi man lanng ako nakakalagalag tapos wala pa akong matinong cam. awtz!
nagdramaa!

~stay happy ang pretty ate~

Misyel: Naku salamat at kahit papano napasaya pala kita, tenk yu din sa compliment! Wala din naman akong matinong cam, daanin na lang sa background ehehe!

24 05 2008
ubehalaya

Ang laki talaga ng Niagra. Ang ganda. Gusto ko na rin pumunta dyan!

Misyel: Sige punta ka dito, teka nandito ka din ba sa Canada? May blog ka ba para mapuntahan ko din.๐Ÿ™‚ Salamat sa pagdaan!

24 05 2008
nanay belen

ang ganda naman. salamat sa photos. feeling ko nakarating na naman ako sa ibang bansa.

Misyel: Salamat po at nagustuhan niyo, bisita kayo dito sa amin!๐Ÿ™‚

24 05 2008
koreanmine

uuyy, naalala ko tuloy yung scene sa superman movie jan na niagara.. sarap maging lois lane kung laging may superman na sasagip๐Ÿ˜€

Misyel: Kaso kung wala naman sasagip? Waaaahhhh! lols!

24 05 2008
camilleeee

ay ang ganda..
sarap naman ng gala mo, hayy kakainggit.๐Ÿ˜ฆ
tama ka sis, da best nga ang weekend mo na yan.๐Ÿ˜‰

Misyel: Kaw din naman sis, panay ata pasyal mo eh kahit na I know busy ka sa work. Musta na?

24 05 2008
lilmiz

ang ganda nga! tas parang may rainbow pa yung unang picture ahehe.. nice nice๐Ÿ˜€ sana marating kung din yan, balang araw๐Ÿ˜€ .. gala lang ng gala sis, habang bata pa at single lolz๐Ÿ˜›

Misyel: May rainbow nga dyan sis, pasulpot-sulpot kaya talagang pinagmasdan ko sya eh nung makita ko. Punta ka dito para naman magkita na tayo.

26 05 2008
emoboyblue

Wala ako masabi kundi wow!!! Kelan kaya ako makakapunta jan?๐Ÿ™‚

Misyel:๐Ÿ™‚ Soon makakarating ka din dito!

26 05 2008
linglingbells

wow! ang ganda naman! kelan kaya ako makakapunta jan??

habang tina-type ko to, napansin kong magkapareho pala kami ng comment ni emoboyblue! di ko sinasadya, eto din kasi ang naisip kong i-comment.. hehe!

Misyel: Soon makakapunta ka din dito! -yan pareho din sagot ko sa inyo, hahahaha!

26 05 2008
Geisha

i wanna be there now na!

darna!!!!!

Misyel: Noh bah, ang bato di mo pa nalunok! hehehe!

26 05 2008
kulot

wow ganda naman dyan, pooters! natawa ako dun sa sea vehicle oh! di kaya lumubog yun

Misyel: Di naman siguro yun lulubog, hehehe! Gusto ko nga sana namin i-try eh kaso haba ng pila para makasakay ka at hindi din syempre libre ang sakay ahahah!

27 05 2008
taroogs

miss misyel, sabi nila may mga nagti-trip dyan sa niagara… papasok sa barrel at nagpapahulog sa falls! totoo ba yun? may na-tyempuhan ba kayong baliw na ganito? hehe

Misyel: May nagtrip na nga tumalon dyan, sa awa ng Diyos naka survive naman sya. Wala naman na sigurong siraulong gagawa nyan ngayon, hahaha!

27 05 2008
peach07

mahilig ako sa falls, at eto pa lang ang napa wow sken ng sobra! ganda eh eh!๐Ÿ™‚ sana makapunta rin ako jan. ..
go girl! enjoy life๐Ÿ™‚

Misyel: Next na bansang pupuntahan mo dito naman Peach para magkita tayo, hehe! Pasyal kita dyan, gala to the max.

28 05 2008
repah

hindi ko lam kung sino b tlga ang nagdala s pic ikaw o yung falls… hehehe.. bsta ang ganda ng falls kelan kya ako mkapunta dyan..

Misyel: Naku sigurado ako yung falls, hahaha! Pagtapos mo mag-aral makakapunta ka din dito. Abangan ko yun ha?๐Ÿ™‚

28 05 2008
batopik

huwaw! ang ganda! may rainbow pa..๐Ÿ™‚
ipackage mu ako papuntang niagara falls…
hahaha! XP

Misyel: Sige ba, kaso baka di umabot ng Niagara ahh! lols! Salamat sa pagdaan!๐Ÿ˜‰

29 05 2008
eyna

bigla kong naririnig ang Boyzone na kumakanta ng ehhh yeee yoooo ehhh yeee yoooo… hahaha. kasama yang niagara sa wish list ko na gusto puntahan one of these years. ang ganda talaga picture pa lang. naiimagine ko siguro nakanganga ako the whole day pag nakita ko yan sa totoong buhay.

thanks for sharing๐Ÿ™‚

31 05 2008
NJ

hi Misyel,
Niagara is one of my fave places in the world… especially waking up in the morning na sa bintana mo makikita mo ang falls…

“Heaven talaga kapag nakita mo ito ng personal. Sa tuwing masisilayan ko ang Niagara Falls hindi ko maalis sa sarili ko ang mamangha at siyempre ang pasalamatan si Lord sa ganda ng Kanyang likha”. I agree with you, gurl!

have a good weekend,
NJ

3 06 2008
Salve

Ay, sarap naman ng pasyal na yan sis. wish ko din makapunta dyan someday. parang ang ganda nya talaga.๐Ÿ™‚

may tag pala ko sayo.

8 06 2008
dakilang islander

wahhhhhhhhhhhhh…mas lalong akong naiingit sa mga pics mo dito! ang housemate ko kasi galing lang dyan nagbkasyon sa Canada at super painggit sa pics nya sa niagara

18 06 2008
Gillian

Somehow i missed the point. Probably lost in translation๐Ÿ™‚ Anyway … nice blog to visit.

cheers, Gillian.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: