sik-sikan

11 06 2008

Linggo ng umaga nagsimula ng sumakit lalamunan ko. Ahh wala lang ito, sabi ng isip ko… Vitamin C lang katapat nito, maya lang okay na ulit.

So kinahapunan punta kami sa may lake na naman, sobrang init na kasi ngayon naabot na ng 30°C ang weather kaya masarap atang magpahangin sa tabi ng dagat-dagatan. Iba ang simoy ng hangin, presko hindi na kailangan ng aircon or electric fan. Enjoy ang Misyel habang nakaupo sa malaking tipak ng bato at nagpapakasasa sa tirik ng araw, ayos naman kahit na mabilad kasi walang init na mararamdaman.

Paguwi namin ng bahay pagod ang lola kaya nakatulog ako ng maaga. Paggising ko anak ng pating, sakit pa din si throat ahh! Siguro kulang lang ako ng tubig at vitamin pa ulit. Sobrang init na talaga, kailangan lakasan na ang AC sa bahay.

Nung gabi na hala, feeling ko tinapalan ng Vulcaseal ang butas ng ilong ko. Ang hirap huminga as in! Singhot, singa parang adik na, nakow wala pa ding bisa ang ilang bote ng tubig na naiinom ko. At dahil sa may tapal ang butas ng aking big nose ginamit ko na ang bibig ko para lang makahinga, waaah bakit po ganito?! Mabait naman po ako eh, kailangan pa bang pahirapan ako ng ganire?

Ganun ang hirap ko nung gabing iyon kaya uminom na ako ng neozep para paggising ko wala na ang leecchh na virus! So ayun nakatulog naman ako at paggising ko medyo ayos na nga ang ilong ko pero ang langyang virus nandun pa din! Ubo naman ang hatid nito sa akin, tsk tsk! Tapos sasabayan ka pa ng lagnat, oh diba halatang namiss ako ng sakit?

Aba, matagal na din akong hindi tinatablan ng kahit na anong virus kaya sige hayaan ko namang magpakasasa ang lintek sa katawan ko. Sa tagal na kasing hindi ako nagkasakit eh nalimutan kong hindi nga pala ako sanay sa mga hamog hamog na yan kasi ang baga ko naka stapler lang talaga.

Hayyy, kailan kaya sila magsasawa sa akin? Sana bukas lang lumayas na para makapag lamyerda ako sa Sabado.


Mga Tugon

Information

13 responses

11 06 2008
koreanmine

same here sissy, gus2 ko na nga tapyasin ang ilong ko😦 ,, hakalain mo, ang virus sabay p tayong dinale sa magkabilang mundo😀

Misyel: Nakow tinamaan ka din pala, tsk bakit tayo pa! hahaha! Ahh alam ko na, para daw pumayat tayo kahit konti lang ayy teka baka ako na lang pala ang bilbilin ngayon tsk! Pagaling ka sis!🙂

12 06 2008
kulot

nakow! 3 blogger na ang alam kong may mga karamdaman, mukhang may virus sa blogosphere

Misyel: Naku tama na sana kaming 3, teka sino-sino po ba yun?

12 06 2008
apollo

get well soon! Ü

Misyel: Thanks po! May blog ka ba? Pwede malaman url mo para naman mabisita din kita.🙂

12 06 2008
Leah

pagaling ka Mitch! Wag mo hahawaan yun prinsesa ko.

Misyel: Hindi po, hindi po! hehe!

12 06 2008
Salve

nung summer dito sa Pinas, ganyan din nangyari sakin. galing aircon sa office, paglabas ang init. pag sipon pa naman, hirap ako. buong sistema ko affected.

ingat lang, sis.

12 06 2008
Aling Baby

haayy, talaga nga namang dapat bigyan ng deadline ang sakit na magpakasasa sa katawan dahil malaki itong istorbo sa ating activities hehe.. ang hirap ng may ubo ah, shempre nakakahiya naman na magtatahol ka in public diba? tapos kung tatablan ka ng hiya, mamumula ka na kakapigil sa pag-ubo hehehe…kaya kailangan talaga magpagaling ka muna…get well soon.🙂

12 06 2008
tapsiboy

ang sarap ng may sipon.

lalo na yung para kang goldfish na inalis sa tubig… hinahabol mo yung hininga mo…

tapos magpapakabangag ka sa mga syrup…

ayos na ayos yun.

tamang tulog trip ka after.

13 06 2008
repah

naku sis kung ganyan yung itsura mo malala na tlga yan… .. sarap naman buhay mo dyan pagala-gala na lng.. sana gumaling na you.. ng mkalamyerda ka uli.

13 06 2008
rHo

aynaku… magpahinga ka ng maayos sis!! get well soon sa’yo… mwuaaahuggz! hoy, na-miz kita ha! di ako masyadong busy ngayon kaya nakapamasyal ako sa mga blogs! hihihihi…

God bless sa’yo!

14 06 2008
no one

hello po..sana gumaling ka na=)
pwede po b ex links?thank u

14 06 2008
nanay belen

Fruit juices, increase fluid intake, rest , Vitamin c ;;;;; ang katapat yan.

15 06 2008
madbong

pagaling ka kaagad misyel ha. may tag nga pala ako para sayo

16 06 2008
eloiski

achuuuu!!!
tapos na ako sa sakit na yan!
weeheee!

ganun din sa akin parang may vulcaseal ang aking ilong at bunganga na ang aking ginagamit sa paghinga!
ang hirap nun!

hayyyyyy!

atlis tapos na

pagaling ka ate!

ako naglaklak lang ng vitamins!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: