Hulyo otso

8 07 2008

Tandang-tanda ko pa July 08, 2005 ng ihatid ako ng mahal kong pamilya sa NAIA para lumipad papuntang Canada. Nung gabi bago ang araw na yun halos di ako nakatulog. Sari-sari ang pumasok sa isipan ko, eksayted ako pero mas malaki ang pangamba sa nararamdaman ko.

Hindi ako sanay na mawalay sa family ko ng matagal, buong buhay ko nakadepende ako sa kanila. Kaya nung dumating ako sa punto na iiwan ko muna sila pansamantala sobrang sama ng loob ko. Halos durugin ang puso ko nung oras na para magpaalam. Hindi ko napigilan ang pag-iyak lalo na nung makita ko sa unang pagkakataon na tumulo luha ng papsy ko. Parang ayaw ko na nun umalis, ayaw ko na bumitaw sa mga mahal ko. Lahat ng naghatid sa akin sa airport naiyak. Iiwan sila ng babaeng medyo baliw na adik, hehe!

Alam ko magtatagal bago ko sila makita muli kaya ganun na lang ang lungkot ko pero sa lahat ng iyon may pag-asang namuo sa akin, na sandali lang ang paghihiwalay na yun at kailangan maging matatag ako kasi sila ang isa sa rason kung bakit ako umalis.

Malaki ang pagbabago ng nagpunta ako dito, una na dun ang pagtanggap na hindi lang pinoy ang makikita ko at makakasalamuha. Sobrang nanibago ako ng una kong dating dito, halos mabali leeg ko sa kakatingin sa iba’t-ibang lahing nakikita ko. Plus ang iba’t-ibang pag-uugali ng mga nakakasalamuha mo at ang presyo ng mga bilihin, na sa una eh di ko magawang makabili ng gusto ko kasi converted agad sya sa peso, hehehe!

Naglaon ang panahon, nasanay na ako sa buhay dito. Unti-unti nabawasan ang homesick ko sa mahal kong pamilya. Napansin ko na nagbago din ang iba kong gawi, natuto at patuloy pa din akong nagiging matatag. Ang dating iyakin at mahinang loob na si Misyel eh nagiging strong na din at palaban. Nalalabanan ko na ang pagiging iyakin ko at sensitive.

Parang kailan lang, halos mabaliw ako sa lungkot na mawalay sa mga mahal ko. Parang kailan lang ang payat ko pa, hehe! Parang kailan lang, halos di ko makaya ang ginaw kapag winter. Parang kailan lang, takot at nangangamba ako sa magiging buhay ko dito sa Toronto. Parang kailan lang, magulo pa isip ko…

Alam ko marami pa kong pagdadaanan pero sigurado akong mas matibay na ako kasi ito ang gusto Niya para sa akin. Mahiwalay (for the meantime) sa mga taong dinedependehan ko para tumayo sa sarili kong desisyon sa buhay at maging malakas at buo ang loob.

Salamat po Lord. Tatlong taon na pala ako dito. Please guide me still. 🙂

Advertisements




Jabee!

7 06 2008

Kung ako tatanungin mo Jollibee or Mcdo, syempre ang sagot ko dyan eh Jabeee! Kung sana may Jollibee dito sa Toronto, hindi sana ako naglalaway ngayon sa chickenjoy at ang gustong-gusto ko na gravy nila!

Noong huling uwi ko sa atin hulaan mo kung anong una kong kinainan? Eh di syempre KFC, hahaha! Joke lang po, sensya na korni ako eh syemps sa Jollibee, diba ang sowsi ko talaga?!? Eh sa yan ang namiss ko eh, wag ka ng umapila! 😛 Nung tanungin ako ng family ko san ko gusto kumain, dyan ko agad sila niyaya hehehe! Kahit na kandahilo pa din ako dahil sa jetlag, namnam ko pa din ang sarap ng manok nila at ang gravy na ginawa kong sabaw, lols!

Miss ko na ang mascot nito na giant bubuyog at nung umuwi ako sinamantala ko ang pagpapakuha sa kanya para may souvenir atsaka maipagmalaki ko sa mga kaibigan ko dito na nagbonding kami ni Jabee kahit sandali lang na panahon, ehehe!

Natuwa ako sa shinare ng pinsan kong si Kuya KIKO nung isang linggo kaya naisipan kong i-kumpara ito sa naging kuha namin ng buddy ko. 🙂

Si OLD Jollibee:

After niyang mag glutathione 😀

Ayos ba ang pagpapaputing ginawa niya? 😆

Maalala ko noon kapag tamad kami lumabas magkakapatid, tatawag lang kami presto may yummy food na kaming lalantakan. Kaso dito puro pizza na lang pwede kong orderin, di pa naman ako mahilig dyan. Mas gugustuhin ko pa kumain ng tuyo at dilis! Nun ngang una kong kain ng Mcdo dito naghanap ako ng manok or spaghetti kaso sawi ako kasi puro burger lang meron sila tsk tsk! Kaya minsan lang talaga akong kumain sa kanila kasi sobrang pinoy ako eh, kanin at ulam ang hanap ko.

Hayyy, kailan kaya magkakaroon ng Jollibee dito sa amin? Sigurado ako kapag meron na nito, dudumugin siya ng mga Noypi dito. Ikaw peyborit mo din ba ang Jabee? 🙂





Niagara Adventure

23 05 2008

Ilang araw din akong hindi nakapagblog hindi dahil sa tinatamad na ako or ayaw ko na, kundi busy lang talaga si ako. Whew, for the first time ilang araw akong hindi naglibot sa mga blog ninyo, pasensya na po. Parang dami ko ng namiss tuloy na kwento. Masyado kasi akong na-okupa sa ganda ng pinuntahan ko nung weekend.

Sunday morning, kasama mga pinsan ko at kaibigan layas na agad kami ng Toronto para mamasyal sa Niagara at dahil sa holiday dito ng Monday (Victoria Day) napag desisyunan naming mag-overnight na din. Ilang beses na akong nakapunta doon pero pers taym ko na mag-i-stay ng matagal.

Kahit na puyat ako ng Sabado, pinilit kong hindi matulog sa sasakyan patungo sa Niagara. Aba, ayoko ata mamiss ang view na dadaanan namin. Kahit saan kami magpunta may dala akong camera para naman may souvenir ako sa mga makikita naming magagandang view at para din ma-ishare ko sa inyo. Sightseeing agad kami pagdating namin doon. Nung mapagod na naghanap na kami ng tutuluyan. Tapos idlip lang ng konti then go na naman kami sa paglibot, hehe!

Eto po sample ng main attraction sa Niagara:

Isa pa:

Syempre di ako papayag na wala akong souvenir na kuha 🙂 :

Heaven talaga kapag nakita mo ito ng personal. Sa tuwing masisilayan ko ang Niagara Falls hindi ko maalis sa sarili ko ang mamangha at siyempre ang pasalamatan si Lord sa ganda ng Kanyang likha.

Magandang mamasyal sa Niagara, ayos para sa pamilya at barkada. Sobrang nag-enjoy kaming lahat, pasyal dito pasyal doon ang ginawa namin. Hindi naging sagabal ang lamig ng panahon sa lakwatsa namin kahit na tulo sipon at naninigas na katawan namin go pa din, walang makakapigil sa adventure naming yon, hehe!

Nung gabi may concert at fireworks pa sa may falls kaya lumabas pa din kami at nanood.

At night, may nakatutok na iba’t-ibang kulay ng ilaw sa falls kaya ang ganda din nitong pagmasdan.

Ang saya talaga ng escapade naming ito. Unang pasyal ko this spring at magandang simulain diba? My best long weekend ever, weeee!





Dear Mamsy

10 05 2008

Paano ko ba malilimutan ang mga panahong magkasama tayo?

Mula sa paggising sa umaga hanggang sa pumatak ang kinagabihan nandun ka para asikasuhin ang mga mahal mo sa buhay. Kahit na sobrang pagod ka na wala ka pa din tigil sa pag-aaruga sa mga mahal mo. Maski nga may sakit ka na super alala ka pa din sa amin, kung anong kakainin or maayos ba mga susuotin naming damit. Kapag nasasaktan kami, alam ko isa ka sa unang nag-aalala. Sa lahat ata ng mga heartaches ko karamay kita at dama ko ang suporta mo.

Naging maliwanag ang pagsasamahan ng pamilya kasi napakabuti ng ilaw ng tahanan. Alam ko po Mamsy hindi kayang suklian ng pasasalamat lang ang lahat ng naibigay, napadama at ipinapadama mo pa sa akin pero gusto ko lang pong ipahayag how much you are loved and appreciated.

Sana magustuhan niyo itong munting video na ginawa ko para sa inyo. I miss you so much!

Love,





chichachenes

6 05 2008

Mahilig ka ba sa chicha? Mga pagkaing sabi nila eh, “its not good for our health” kaso malakas ang hatak nito sa iba kaya hindi kayang pigilin kainin or bilhin. Ako, oo mahilig ako sa mga yun. Yummy kasi tsaka pang-alis din ng gutom huh! 😀

Nung sabado napadpad ako sa isang Filipino store, napag-isipan kasi namin ng friend ko na mag ulam ng pagkaing pinoy. Pagpasok ko sa tindahan para akong na hipnotismo sa loob, sari-saring chicha ang nakita ko. Kuha dito, kuha doon na nanginginig-nginig pa habang pumipili ako ng bibilhin.

Nandun ang mga fave kong chips, syempre mahuhuli ba naman sa choices ko ang fave kong Vcut potato chips at Pik-Nik. Feeling ko nasa Pinas lang ako habang nasa loob, kung malapit nga lang sa bahay yung store at hindi ako magko-commute lang pa uwi eh bibilhin ko lahat ng gusto ko dun.

I’m so happy na nakakain ulit ako ng mga paborito kong chicha, kahit na napagsabihan ako ng tita ng friend ko na di maganda para sa akin ang mga yun eh may ngiti pa din sa mukha ko, hehe!

——————-

Last Sunday naman sinundo namin sa airport yung asawa ng pinsan ko, bigla naisip ko tuloy na magbakasyon sa atin. Sana malapit lang talaga ang Pinas sa Canada, pwede lang magbus or taxi kaso hindi eh, milya milya ang layo nito. Kaya hindi naman ganun kadali madalaw ang mga mahal ko sa buhay na nasa Pinas. Miss ko na sila, kailan ko kaya sila ulit mayayakap at makikita?

Teka, bakit biglang drama na ang dating ng sinasabi ko??? Hahaha! Dapat magsaya ako kasi bumalik na sa blogging ang sanpit kong matsing, kahit na alam kong malungkot pa din ito dala ng homesick, hehe! Kuya, tulad ng sabi mo noon sa akin i-blog mo na lang iyan! 😆

Sige po, lantakan ko muna itong pasalubong sa akin….





I wonder

16 04 2008

Nagtataka ako sa mga magulang na nakakayang iwanan ang anak nila at tiising lumaki ito sa ibang tao. Sabagay minsan hindi mo din sila masisisi, sa sobrang kahirapan o di kaya sa mga hindi maiiwasang hagupit ng tadhana, nilulunok na lang yung sakit na mawala sa kanila yung batang kanilang nilabas sa mundong ibabaw.

Kaso may ilan talaga na para lang mga nanganganak ng hayop, iiwanan na lang basta at pagkatapos wala ng pakialam. May ilan naman na pagkatapos ng maraming taon, nagdalaga/binata na anak nila tsaka susulpot at animo’y parang anghel na magpaparamdam ulit.

Kaya ako sobrang pasalamat kasi busog ako sa pagmamahal, napalaki ako ng parents ko at inalagaan hanggang magkaroon ng wastong pagiisip. I’m blessed to have them, kaya supah labs ko si papsy at mamsy.

Hmmm, bakit ba ito tema ng post ko? Oh well, gusto ko lang po kasing i-share tong vid galing sa youtube na nagpaantig ng puso ko (naks ang lalim nun ahh, Misyel is dat yu?). Actually napanood ko ito sa t.v. noon, naiyak ako after ko mapanood itong performance ni Kellie Pickler. Yung song kasi para sa mom niya.

Panoorin mo kung may time ka pa…





Our Keng

13 03 2008

Akala ko noon di na kami madaragdagan pa ni Charunggati, ngunit makalipas ang siyam na taon nagwakas din ang pagiging bunso ni Charung.

Saya ng naidulot mo sa amin lalo na kila papsy at mamsy, biruin mo may unico hijo na sila. Dahil sa kaisa-isang lalaki sa pamilya saksi ako kung paano kang alagaan nila mama at hanggang ngayon ganun pa din sila sa’yo. Mapalad talaga tayo sa mga magulang, tenk yu po Lord! Sana lang wag masyadong matigas ang ulo at makinig sa matatanda, toinks!

Di ko na halos maalala pa kung pano kita inalagaan nung mga panahon na yun o inalagaan nga ba kita? Kasi naman puro paglalaro sa kalsada ang inaatupag ko nun.

Basta ang naaalala ko lang naging makulay ang paligid ng pamilya nung dumating ka sa amin… Maraming beses din na sobrang naging proud ako sa mga achievements mo at sa mga sinalihan mong talent show. Ilang ngiti at palakpak din ang naisukli ko sa mga iyon. Hanggang ngayon proud pa din ako sa mga ilang balita na natatanggap ko mula kina mama.

Hindi ko malilimutan yung matagal na panahon na pagsi-share natin sa iisang kwarto at gusto kong malaman mo na hinahanap-hanap ko yung bonding moment natin nung mga unang taon ko dito sa Toronto. Yung amoy mo at landian natin paminsan-minsan bago matulog. Ang sandamukal mong kalat at no choice ako kundi ligpitin yun. Ang mga kolorete at gamit mo sa katawan. Yung pangangalikot mo sa mga gamit ko, aba nami-miss ko din yan! Ang mga sikreto ko at sikreto mo na binabahagi natin sa isa’t-isa.

Kaya sobrang saya ko talaga nung unang gabi na nakatabi kita nung umuwi ako nung isang taon. Kahit na sobrang antok na ako nun, pinilit kong makinig sa mga kwento mo na pinanabikan kong marinig at malaman. Kailan kaya yun mauulit? *I wish malapit na!

Salamat at nasasabi mo sa akin ang halos lahat-lahat ng nangyayari sa buhay mo. Lalo na ang pinaka sikreto mo na sa akin mo unang nasabi, ang pagiging brader to impaktitang dyosa, hahaha! Di ko na i-elaborate pa yan dito, bahala na kayong mga nakakabasa kung ano pagkakaintindi nyo dyan. 😛

Sana lang masaya ka sa mga ginagawa mo at panalangin ko na lagi kang safe sa bawat labas mo. Kahit na ano pang sabihin ng iba, saludo ako sa’yo! I’m so grateful having you in my life!

Isang mainit na yakap para sa’yo at gusto kong malaman mo na labs na labs ka ni ate…

Happy Birthday KENG!