Nakapaglinis din…

21 07 2008

Magulo ako ngayon. Busy sa mga bagay-bagay sa buhay ko.

Nasa part ako ngayon ng paghahanap ng bagong career. Mahirap pala magsimula at pumasok sa gusto mong maging karera talaga kapag nasa ibang bansa ka. Kailangan may natapos, specialization at Canadian experience ka para mapasok mo ang gusto mong pasukan. Kailangan kong magtiyaga at magsipag para sa goal ko. Ayos lang magsimula sa baba hanggang makamit ang gusto. Sana lang makahanap ako ng bagong career para naman sumaya na ng husto si Misyel at mga mahal ko sa buhay. Help me Lord.🙂 Bait naman po akong bata eh.

Nga pala kahit na magulo ako ngayon masaya din ako kasi pinana ulit ako ni Cupid. Hindi man ito hinog pa ng husto pero masarap pa din sa panlasa. Sana nga handa na talaga ako at wala akong masasaktang tao. Aba, matagal-tagal na din since nung huli akong nagkaroon ng relasyon. Kaya dapat maging matino ito kasi ayaw ko ng maramdaman yung mga bugbog na naranasan ko dahil sa lupit ng pag-ibig.

Miss ko na sobra ang blogging. Hindi ko na maharap magpost ng tulad ng dati. Yung pagbisita ko madalas sa mga blog na tuwang-tuwa akong pasyalan di ko na din magawa ngayon. Minsan kapag may chance sinisilip ko pa din naman yung iba at pinapasyalan ang dashboard ko para tignan ang mga nasa top entry. Nagbabasa pa din ako ng mga kwento ng mga fave blogger ko, yun nga lang madalas hindi ako makapagiwan ng bakas man lang… pasensya po! 

Salamat pala sa mga bumati nung kaarawan ko at sa mga nag-iiwan ng komento. I appreciate it a lot, pinapatunayan niyo lang na kahit papano eh may nadalaw pa din pala sa inaagiw kong bahay. Muchos gracias po!

Hindi ko magagawang magpaalam at kalimutan ang mundong ito kasi napamahal na ito sa akin. Alam ko naman isang araw babalik pa din ako sa dati, mangulit sa mga blogmates at gumawa ng entry tulad noon, na kahit madalas eh walang sense sige pa din ako sa kwento.

Ngayon di ko matiis na hindi man lang magparamdam sa blog ko. Feeling ko kasi ang dami ng agiw at kailangan ng linisin. Di man malinis ng husto, masaya ako na nakapag paramdam din ako at napatunayan kong di pala ako mumu hehe!


Mga Tugon

Information

44 responses

21 07 2008
reyna elena

Isabay mo nga ako sa mga dalangin mo dyan! Unemployed ang lola! Hmpt! Pag wa pa ako work neks week, pramis, magpapakapokpok ako! (home ekeke builder) hehehe

21 04 2010
jonathan

lola wag po… hehehehe. pagppray ko na rin po kayo.

22 07 2008
BADoy

gud luck sa bagong career at lab lyf! heheheh naway maganda ang resulta ng pareho mong karera…😛

23 07 2008
Salve

oi, gusto kong sundan ang progress ng muling pagpana sayo ni Kupido, sis. *kilig*

yung tag ko sayo, gawin mo na lang pag di ka na gaanong busyness.😀

crumbs
i-view

23 07 2008
emoboyblue

Huwaw! Lovelife..
Kwento! Kwento! Kwento!
Goodluck po sa career at Godbless..

23 07 2008
kulot

lovelife at career, ayos na ayos

23 07 2008
Leah

Naku, sino naman ang bagong lab layp mo?
Sana nga makahanap ka ng ok na trabaho. Doon sa work ko, gusto mo?

Tinag pala uli kita.

24 07 2008
Kiko Matsing

Yan apply ka kina ate leah para magkaroon ka ng canadian experience, at least matutulungan ka niya pumasok sa company niya. Tapos pag nagwowork ka na dun, ano ba naman yung padalhan mo ko ng sapatos dito! Hehe!

25 07 2008
eli

hi…nakita ko ang link mo kay kulot. enjoy ako sa kwento. tama ka..nakakamiss din ang blogging ako rin minsan ang tagal bago ko masundan ang post ko..minsan, nakakasira kase ang trabaho sa blogging..hehe Godbless!

25 07 2008
lilmiz

bahay ko din sis, ina-agiw na, kunwari decoration kahit la pa halloween aheheh.. congratz naman sa bagong lablayp😀 at am sure makahanap ka ng bagong career dyan😉

26 07 2008
angel

God Bless ATe Misyel..

26 07 2008
cielo

goodluck sa jobhunting at sa lovelife…buti nakapagpost ka kahit paano, sabi nga once a blogger always a blogger….magkakaruon at magkakaruon ng kahit konting lusot sa oras

28 07 2008
caryn

ang hirap naman nyan, mukhang sobrang busy ka ah. i hope you get your groove back😉 just dropping by

1 08 2008
joy

But the good thing about being in another country is that there are so many routes you can explore when you want to switch careers. There is also plenty of support available. So keep going for your dream!

Habang naghahahanap ka ng trabaho, listen naman to Usapang Pinoy tuwing Sabado at 2pm British Summer Time. Go to http://www.futureradio.co.uk. Nag-iisang Pinoy show yan dito! Pwede ka pang mag request ng kanta😀

joy
A Pinay In England
Norwich Daily Photo

2 08 2008
gmacomics

lovelife – pinakamadalas dalawin ng mga tao. magandang subaybayan ito. just dropping by po.

4 08 2008
kengkay

huy, may lablayp ka na talaga ha! minsan ganyan daw… kapag may ganon, walang ganon. ay ewan ko kung anong pinagsasabi ko, basta good luck!

11 08 2008
ELIment

mahalaga dyan yong lablayf…may you live happily ever after.

12 08 2008
Rhapsody

sino kaya ang lucky guy??? it adds inspiration kaya sana magtuluy tuloy yan at gudluck din sa iyo sana mahanap mo na ang career na makakapagpasaya sa iyo.

14 08 2008
cielo

Goodluck sa iyong endeavors dyan sis

16 08 2008
winkii

hello.🙂
bloghopping.:))

20 08 2008
petitay

link ko po ikaw sa blog ko ha.. thanks..🙂 me too.. pa link na rin po salamat po marami..:)

21 08 2008
repah

babatiin ulit kita happy bertdey at isasama ko sa wishes mo ay sana mkahanap ka na ng magandang career.. pero sbi nila pag maganda dw lovelife wla daw career.. pero syo magiging mganda ang karir mo ayon s aking bolang krystal.. yakang-yaka mo yan.. go go go

25 08 2008
mumusakanto

uyyy mabango ito. new career at lab layp?😳

26 08 2008
nanaybelen

helo missy. napadaan ulit ako . enjoy ako sa kwento mo. sana makamit mo na ang gusto mong trabaho. ganyan talaga sa umpisa. kahit ano, basta magka-experience lang muna. Good Luck and God Bless

28 08 2008
umleo23

matagal akong hindi nagparamdam rin!
Kala ko nung una mumu na nga rin ako!!!

Sige tama yan pagbutihan ang career! At karirin mo na rin yang lalakeng yan…
bwahahahaha

28 08 2008
Ylaine

Bagong salta ako sa blog mo. Nakakatuwa ka magkwento.🙂

28 08 2008
eyna

good luck!!

mahirap nga talaga pag sa ibang bansa. kahit ako nagsisimula ulit ngaun sa baba hoping na matupad eventually ang dream ng bagong career.

but the good thing is, my paraan. basta wag lang mag-gigive up. sugod ng sugod. kapag napagod magpahinga, pero tuloy ang laban.😀

good luck din sa lablyf hehehe. magandang kombinasyon yan, career at lablyf. hihihi

10 11 2008
AZRAEL

Misyel update ka na ng blog! ano ba naman yung sabihin mo sa entry na ‘okei! bukas rest day ko from my new career at may date kami ni fafa! bye’.. yan parang ganyan lol

12 11 2008
foobarph

oi misyel. how are yah? miss yah. sinong bagong fafa mo? ^_^

22 11 2008
dodong flores

Hi, Misyel!

Kumusta ka na?🙂

23 12 2008
kengkay

musta na misyel?

maligayang pasko!

23 12 2008
reyna elena

misyel! just here wishing you the best of the holidays! merry christmas gurl!!!

23 12 2008
watson

Merry Christmas to you and your family! – Nick, Tina, and Jo-Lo

24 12 2008
aKDa

merry krismas! ^_^ salamat sa pakikipagkwentuhan… nawa’y pagpalain tayong lahat ni Batman, este ni Papa Jesus.

hanggang sa muling pagbubungguan!

~Ang May-aKDa…

2 01 2009
eloiski

happy new year ate!
welcome natin ang 2009!

weeheee!
ang tagal ng walang post ah!

21 01 2009
kneeko

o asan ka na dyan? happy new year hehe

14 02 2009
rHo

belated happy bertday sa iyo at syempre pa… happy puso na rin!! hehehe!

5 03 2009
Prinsipe ng Pangarap!

hainaku buti ka pa nasa ibang bansa ka na. ah ewan ko ba kung bakit naiinggit ako kapag naiisip kong nandito pa rin ako sa PINAS at patuloy na naghihirap.

6 04 2009
Voli Dublino

Voli Dublino thinks you are right!

11 06 2009
Prinsipe ng Pangarap!

wer na u dito na me.

15 09 2009
The Lady in Green Ruffles

ahaha..first time here..and i enjoy reading..good luck on your journey there in canada.il be praying for you! Mahal tayo ni Lord.

9 03 2010
dodong flores

Hi, Misyel. Now I can see what keeps you busy nowadays. But then, I saw your comment in my blog and was a bit surprised. Thank you. Pareho na pala tayo ng bagong carreer – parenting🙂

22 10 2010
phils

Sana panain din ako ni Cupid.😀

22 10 2010
Noypi

Goodluck sa career and lovelife! :d

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: