Hulyo otso

8 07 2008

Tandang-tanda ko pa July 08, 2005 ng ihatid ako ng mahal kong pamilya sa NAIA para lumipad papuntang Canada. Nung gabi bago ang araw na yun halos di ako nakatulog. Sari-sari ang pumasok sa isipan ko, eksayted ako pero mas malaki ang pangamba sa nararamdaman ko.

Hindi ako sanay na mawalay sa family ko ng matagal, buong buhay ko nakadepende ako sa kanila. Kaya nung dumating ako sa punto na iiwan ko muna sila pansamantala sobrang sama ng loob ko. Halos durugin ang puso ko nung oras na para magpaalam. Hindi ko napigilan ang pag-iyak lalo na nung makita ko sa unang pagkakataon na tumulo luha ng papsy ko. Parang ayaw ko na nun umalis, ayaw ko na bumitaw sa mga mahal ko. Lahat ng naghatid sa akin sa airport naiyak. Iiwan sila ng babaeng medyo baliw na adik, hehe!

Alam ko magtatagal bago ko sila makita muli kaya ganun na lang ang lungkot ko pero sa lahat ng iyon may pag-asang namuo sa akin, na sandali lang ang paghihiwalay na yun at kailangan maging matatag ako kasi sila ang isa sa rason kung bakit ako umalis.

Malaki ang pagbabago ng nagpunta ako dito, una na dun ang pagtanggap na hindi lang pinoy ang makikita ko at makakasalamuha. Sobrang nanibago ako ng una kong dating dito, halos mabali leeg ko sa kakatingin sa iba’t-ibang lahing nakikita ko. Plus ang iba’t-ibang pag-uugali ng mga nakakasalamuha mo at ang presyo ng mga bilihin, na sa una eh di ko magawang makabili ng gusto ko kasi converted agad sya sa peso, hehehe!

Naglaon ang panahon, nasanay na ako sa buhay dito. Unti-unti nabawasan ang homesick ko sa mahal kong pamilya. Napansin ko na nagbago din ang iba kong gawi, natuto at patuloy pa din akong nagiging matatag. Ang dating iyakin at mahinang loob na si Misyel eh nagiging strong na din at palaban. Nalalabanan ko na ang pagiging iyakin ko at sensitive.

Parang kailan lang, halos mabaliw ako sa lungkot na mawalay sa mga mahal ko. Parang kailan lang ang payat ko pa, hehe! Parang kailan lang, halos di ko makaya ang ginaw kapag winter. Parang kailan lang, takot at nangangamba ako sa magiging buhay ko dito sa Toronto. Parang kailan lang, magulo pa isip ko…

Alam ko marami pa kong pagdadaanan pero sigurado akong mas matibay na ako kasi ito ang gusto Niya para sa akin. Mahiwalay (for the meantime) sa mga taong dinedependehan ko para tumayo sa sarili kong desisyon sa buhay at maging malakas at buo ang loob.

Salamat po Lord. Tatlong taon na pala ako dito. Please guide me still.🙂


Mga Tugon

Information

13 responses

9 07 2008
mang BADoy

happy anniversary!!! ako nung umalis ako sinabihan ko sila mama at papa na dapat iiyak pag aalis ako kaya nung nag last look ako natawa sila kasi ineexpek ko na iiyak sila pero tinawanan lang ako!!! funny, pero alam ko na deep inside their lungs umiiyak sila😦 lalo na nung pasko kasi first christmas na wala ako kaya si madir e super iyak nung umuwi ako before mag pasko…

9 07 2008
Aling Baby

talagang mabilis ang panahon pag hindi mo ito napupuna sa sobrang kabisihan. after pala ng burpdey mo saka ka umalis.🙂 ang mahirap na part talaga pag maghihiwalay na kayu, yung ihahatid ka na sa airport. dun mo na mararamdaman na eto na, totoo na to, malalayo ka na talaga at wala ng atrasan to. congrats sa ikatlong taun mo dyan! GOd Bless!!

9 07 2008
Salve

cheers to you, sister!
and may God bless you and guide you always.🙂

crumbs
i-view

9 07 2008
angel

awww.. prang kagaya lang din ng naramdaman ko nung umali ang mama ko at nito lang yung papa ko..😦

9 07 2008
karmi

wow. 3 yrs ka na pala dyan ate.. pareho lang tau..

parang ang hirap ngang mahiwalay sa pamilya.. grabe, ung ilang araw nga lang na di ko sila makasama eh nakakamiss na..

pero oo nga, madami ka pang mae-experience dyan na magpapatibay sau.😀 goodluck ate.. ^_^

9 07 2008
kengkay

3 years ka na dyan? ang tagal na rin pala ano? at least dyan mas maraming inglis salita, dito minsan sa mga packaging hirap hanapin ng inglis kahit na sampung languages na yung nakalagay hindi man lang maisingit yung inglis, waaa🙂 ako until now nagugulat pa rin kung bakit naiitindihan ko na yung salita nila, hehe

10 07 2008
kulot

nakakarelate naman ako ng husto dito, sooner mararamdaman ko ang mga naramdaman mo sa oras na yun. pero sa tingin ko mas mahirap sa parte ko kasi may pamilya na akong iiwan

10 07 2008
Kiko Matsing

wow congrats!

13 07 2008
AZRAEL

biruin mo nga naman ano. 3 yrs ka na pala dyan, at ang bilis ng panahon. before u know it, naka-sampung taon ka na pala.

talagang tiis lang yan sa simula. pero kapag nasanay ka na, unti-unti mong mare-realize na ang dating pagkamiss sa pamilya ay may kapalit na maganda kapag ang intensyon mo ay mangibang bayan at doon magtrabaho para sa ikauunlad ng sarili at ng mga mahal sa buhay.

here’s to another 3 years misyel! kampaaaaaaaaaaai!!

p.s: nakuha ko na pic na send mo. ty ty. napangiti mo ako ng todo😛

14 07 2008
Kevin Paquet

Hello,

Blogghopping!

I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better.
Looking forward for a mutual blogging friendship^^,)

Ingat,
pinoy teens org CEO

ps: you may also add my ym: i.believe_11

15 07 2008
taps

good luck!

17 07 2008
repah

belated happy bertdey sis…. uy 3 yrs. ka na pla dyan.. sana ay dumami pa ang powers mo pra mkayang mamuhay dyan.. ganyan tlga ang mgaganda lhat nakakaya.. adja!

25 08 2008
mumusakanto

ayos yan ah, 3 yrs, tagal na din.. mahirap ma home sick pero mas mahirap yung hindi ka makatulong sa family,. good luck! more successful yrs to come😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: