Nakapaglinis din…

21 07 2008

Magulo ako ngayon. Busy sa mga bagay-bagay sa buhay ko.

Nasa part ako ngayon ng paghahanap ng bagong career. Mahirap pala magsimula at pumasok sa gusto mong maging karera talaga kapag nasa ibang bansa ka. Kailangan may natapos, specialization at Canadian experience ka para mapasok mo ang gusto mong pasukan. Kailangan kong magtiyaga at magsipag para sa goal ko. Ayos lang magsimula sa baba hanggang makamit ang gusto. Sana lang makahanap ako ng bagong career para naman sumaya na ng husto si Misyel at mga mahal ko sa buhay. Help me Lord. 🙂 Bait naman po akong bata eh.

Nga pala kahit na magulo ako ngayon masaya din ako kasi pinana ulit ako ni Cupid. Hindi man ito hinog pa ng husto pero masarap pa din sa panlasa. Sana nga handa na talaga ako at wala akong masasaktang tao. Aba, matagal-tagal na din since nung huli akong nagkaroon ng relasyon. Kaya dapat maging matino ito kasi ayaw ko ng maramdaman yung mga bugbog na naranasan ko dahil sa lupit ng pag-ibig.

Miss ko na sobra ang blogging. Hindi ko na maharap magpost ng tulad ng dati. Yung pagbisita ko madalas sa mga blog na tuwang-tuwa akong pasyalan di ko na din magawa ngayon. Minsan kapag may chance sinisilip ko pa din naman yung iba at pinapasyalan ang dashboard ko para tignan ang mga nasa top entry. Nagbabasa pa din ako ng mga kwento ng mga fave blogger ko, yun nga lang madalas hindi ako makapagiwan ng bakas man lang… pasensya po! 

Salamat pala sa mga bumati nung kaarawan ko at sa mga nag-iiwan ng komento. I appreciate it a lot, pinapatunayan niyo lang na kahit papano eh may nadalaw pa din pala sa inaagiw kong bahay. Muchos gracias po!

Hindi ko magagawang magpaalam at kalimutan ang mundong ito kasi napamahal na ito sa akin. Alam ko naman isang araw babalik pa din ako sa dati, mangulit sa mga blogmates at gumawa ng entry tulad noon, na kahit madalas eh walang sense sige pa din ako sa kwento.

Ngayon di ko matiis na hindi man lang magparamdam sa blog ko. Feeling ko kasi ang dami ng agiw at kailangan ng linisin. Di man malinis ng husto, masaya ako na nakapag paramdam din ako at napatunayan kong di pala ako mumu hehe!

Advertisements