Parteeh

3 06 2008

Hindi na ako nakakapag-update sa mahal kong blog lately, dami kasing ginagawa eh… Nagiging busy si ako sa ibang bagay pero aaminin ko na pers lab ko pa din ang blogging, maaring nawawala lang ako ng ilang araw pero di ko pa din kayang isara o di kaya’y iwananan ang mundong ito na nagsilbi ng buhusan ko ng halos lahat ng nangyayari sa buhay ko pero syempre sala pa din yung iba huh, hahaha!

Kaya kung hindi man ako nakakabisita sa mga bahay nyo paumanhin po, kapag may pagkakataon naman makagamit ng pc nagba-bloghopping ako at sa totoo lang miss ko na ‘yan! Kaya gagawin ko yan, now na! Lols! Teka, pagtapos pala ng maikli kong kwento. πŸ™‚

————-

Last Saturday may party kaming dinaluhan ng kaibigan ko, surprised party para kay Tito Tom. Dito kasi uso ang mga ganito, 50th birthday or 70th or kahit ano basta naisipan nila mag party konting asikaso dito, imbita doon, voilΓ  party to the max na!

Nag-ayos ako ng araw na iyon para naman hindi ako mapagiwanan sa getup ng mga nanduon. Salamat din sa info na bigay ni Ms Anie, kahit papano eh napinturahan este naging maayos ang make up ko, pinanood ko yung make up tutorial na shinare nya at nagmukha akong tao dahil dito, hikhikhik!

Hindi ko alam kung bakit sa dami naman ng table eh napasama kami sa grupo ng mga may edad na pero ayos lang kasi mababait naman sila tsaka okay kakwentuhan. Syempre sogbu ang Misyel kasi yummy yung mga food na sinerved at may wine pang kasama pero di naman ito tequila kaya di ako lashing ng umuwi. πŸ˜€ May games pa that time at isa ako sa mapalad na napasama, alam niyo ba yung “hep hep, hooray” ng wowowee? Ginaya nila yun at syempre ang galing ko ata, kaya sa 13 contestant ako yung unang naalis, nyahahaha! May price pa din naman akong natanggap kaya it’s not bad at all. πŸ˜€

Another weekend passed at super na-enjoy ko ito.

Hayyy, sigurado sunod-sunod na ang party dito kasi June na at palapit na ng palapit ang summer, yeheyyy! Tapos twenty-five days to go, madadagdagan na naman ang edad ko nyay! Parang kailan lang, wala pa kong kamuwang-muwang sa mundo ika nga nila, may gatas pa sa labi.. Eh ngayon? May gatas pa din naman sa labi kaso may halo ng kape, nyahaha!

Gip ko ha, hintayin ko po. πŸ™‚

Advertisements




kulitan

28 05 2008

Kiko *****: like ko song n to...
mitch: alin?

Kiko *****: is it ok if i call you mine.. just for a time.. and i will be just fine..

mitch: sure why not
mitch:
hahahahha
mitch: yan na ba title nyan?

Kiko *****: hahaha! :*
Kiko *****: oo.. is it ok if i call you mine..

mitch: oo nga
mitch: kulit naman
mitch: lols

Kiko *****: ows? hahaha!

mitch: hahaha

Ang sarap talaga makipag kulitan minsan sa mga friends, lalo na kapag di pikon ehehe! Nakakaganda ng araw eh. Pano na lang kung walang kaibigan? Siguro laging gusot mukha ko. Tulad nito…. πŸ˜€

———————————–

* tenk yu nga pala miloves sa header. πŸ˜‰





Niagara Adventure

23 05 2008

Ilang araw din akong hindi nakapagblog hindi dahil sa tinatamad na ako or ayaw ko na, kundi busy lang talaga si ako. Whew, for the first time ilang araw akong hindi naglibot sa mga blog ninyo, pasensya na po. Parang dami ko ng namiss tuloy na kwento. Masyado kasi akong na-okupa sa ganda ng pinuntahan ko nung weekend.

Sunday morning, kasama mga pinsan ko at kaibigan layas na agad kami ng Toronto para mamasyal sa Niagara at dahil sa holiday dito ng Monday (Victoria Day) napag desisyunan naming mag-overnight na din. Ilang beses na akong nakapunta doon pero pers taym ko na mag-i-stay ng matagal.

Kahit na puyat ako ng Sabado, pinilit kong hindi matulog sa sasakyan patungo sa Niagara. Aba, ayoko ata mamiss ang view na dadaanan namin. Kahit saan kami magpunta may dala akong camera para naman may souvenir ako sa mga makikita naming magagandang view at para din ma-ishare ko sa inyo. Sightseeing agad kami pagdating namin doon. Nung mapagod na naghanap na kami ng tutuluyan. Tapos idlip lang ng konti then go na naman kami sa paglibot, hehe!

Eto po sample ng main attraction sa Niagara:

Isa pa:

Syempre di ako papayag na wala akong souvenir na kuha πŸ™‚ :

Heaven talaga kapag nakita mo ito ng personal. Sa tuwing masisilayan ko ang Niagara Falls hindi ko maalis sa sarili ko ang mamangha at siyempre ang pasalamatan si Lord sa ganda ng Kanyang likha.

Magandang mamasyal sa Niagara, ayos para sa pamilya at barkada. Sobrang nag-enjoy kaming lahat, pasyal dito pasyal doon ang ginawa namin. Hindi naging sagabal ang lamig ng panahon sa lakwatsa namin kahit na tulo sipon at naninigas na katawan namin go pa din, walang makakapigil sa adventure naming yon, hehe!

Nung gabi may concert at fireworks pa sa may falls kaya lumabas pa din kami at nanood.

At night, may nakatutok na iba’t-ibang kulay ng ilaw sa falls kaya ang ganda din nitong pagmasdan.

Ang saya talaga ng escapade naming ito. Unang pasyal ko this spring at magandang simulain diba? My best long weekend ever, weeee!





Si kulit!

18 05 2008

Bago pa lang labas ang mga cellphone noon may caller na ako, wala pa kong unitΒ at tanda ko pa malaking selpon ang gamit ni Kulit noon. Tinatawagan niya ako sa landline at matagal din bago niya mapansin na ang haba na pala ng nakukunsumo niyang oras sa paguusap namin, hahaha! Sosyal ang lolo mo pero wag ka kasi sa daddy niya naman yung mobile na yun. πŸ˜†

Hindi ko alam bakit naging malapit kami ni Kulit, siguro kasi makulit din ako? Hmmm, di siguro! Dahil magaling din akong maglaro ng basketball? Hmm, lalong hindi! Ahh, kasi magkasing tangkad kami at pareho kami ng mga hilig… Ngeks malabo, tsk! Hindi pa din! Oh, baka kasi friendly daw ako at laging naka smile kahit na may mga time na badtrip sa school, ah ewan hula ko lang itong huli! πŸ™‚

Gusto ko barkada nila kasi kwela, athletic at friendly. Kaya naman naging kasundo din ng barkada namin noon. Madalas kaming tambay sa park before or after ng class, kwentuhan, kulitan at asaran. Kapag may game ang BSCS nun lagi kaming nasa gym at syempre pa para panoorin ko din si Kulit. Naging madalas ang usap namin noon sa phone, kaya naging malapit ako sa kanya kahit na kapag na sa classroom na eh hindi naman sya ganun kadaldal sa akin. Buti na lang alam kong may gf siya noon kaya napigilan kong huwag mahulog sa kanya, kung hindi baka nakasira or nakagulo pa ako ng relasyon na gawa ni kupido.

After graduation bihira na din kaming magkausap at ilang beses ko na lang siyang nakita, hanggang sa mawalan na talaga ng communication. Recently lang, dahil kay yahoo messenger nagkausap kami ulit hehe! Dami naming napagkwentuhan, buhay namin ngayon at yung noon. Syempre naungkat yung special relationship namin noon at kahit na matagal ng panahon eh may kilig pa din pala kapag binalikan yun.

Makulit pa din si Kulit at hanggang ngayon napapa smile niya pa din ako sa mga banat niya. Sa tingin ko walang nagbago sa kanya, maliban na lang sa cellphone na gamit niya ngayon, lolz! Hindi man kami naging magkarelasyon noon, masaya pa din ako na naging malapit kami sa isa’t-isa at sapat ng malaman ko na naging crush ako ni Kulit at ganun din ako sa kanya.

Ikaw po ba, may ganyan ka din bang kakaibang kuwento noon? πŸ˜‰





Panaginip

15 05 2008

Sa isang barko, pasahero ako kasama ng ilang mahal sa buhay.

Laking gulat ko, isa ka pala sa nagtatrabaho dun sa loob.

Pero ang nakakagulat isang babaeng may dating at katrabaho mo din sa loob ng barko.

Pansin ko iba ang relasyon ninyong dalawa, espeyal…

Mas higit pa sa magkaibigan at magkatrabaho lang.

Hindi mo ako binigyan ng magandang atensyon, bagkus nagmukha lang akong basura sa iyo sa harap ng mga mahal ko sa buhay.

Ang sama ng loob ko, sobra.

… dun ako nagising at ang tagal bago ako nakabalik muli sa pagkakatulog.

First time ko siyang napanaginipan na kitang-kita ko mukha niya. Kaya siguro tumanim sa isipan ko ang mga eksenang yun sa panaginip ko. Dati madalas ko sabihin sa kanya, “oo naman, napaginipan kita kagabi kaya ang saya ko”, pero isa lang palabas yun hehehe! Para lang masabi na pareho kami pati sa panaginip.

Hindi ko sana iku-kwento pa ang tungkol dyan sa kanya kaso hindi maalis sa isip ko eh kaya tinext ko siya nung isang gabi. Natawa lang siya. Pero ako hanggang ngayon nag-iisip pa din. Paano kung pagdating ng araw magkatotoo ang napaginipan ko?

Oh well, tama na nga ako. Gotta see it to believe it, sabi nga ng iba, kaya abangan ko na lang yung tamang panahon na magkita kami ng personal.





Wow, galing!

12 05 2008

Wanna have some goosebumps?

Watch and listen to one of the world’s smartest kid that was featured on The Oprah Winfrey show today, May 12th.

Galing di ba? Once again, I was wowed by Charice Pempengco’s strong performance. You’re sooo amazing!





Dear Mamsy

10 05 2008

Paano ko ba malilimutan ang mga panahong magkasama tayo?

Mula sa paggising sa umaga hanggang sa pumatak ang kinagabihan nandun ka para asikasuhin ang mga mahal mo sa buhay. Kahit na sobrang pagod ka na wala ka pa din tigil sa pag-aaruga sa mga mahal mo. Maski nga may sakit ka na super alala ka pa din sa amin, kung anong kakainin or maayos ba mga susuotin naming damit. Kapag nasasaktan kami, alam ko isa ka sa unang nag-aalala. Sa lahat ata ng mga heartaches ko karamay kita at dama ko ang suporta mo.

Naging maliwanag ang pagsasamahan ng pamilya kasi napakabuti ng ilaw ng tahanan. Alam ko po Mamsy hindi kayang suklian ng pasasalamat lang ang lahat ng naibigay, napadama at ipinapadama mo pa sa akin pero gusto ko lang pong ipahayag how much you are loved and appreciated.

Sana magustuhan niyo itong munting video na ginawa ko para sa inyo. I miss you so much!

Love,