Si kulit!

18 05 2008

Bago pa lang labas ang mga cellphone noon may caller na ako, wala pa kong unitΒ at tanda ko pa malaking selpon ang gamit ni Kulit noon. Tinatawagan niya ako sa landline at matagal din bago niya mapansin na ang haba na pala ng nakukunsumo niyang oras sa paguusap namin, hahaha! Sosyal ang lolo mo pero wag ka kasi sa daddy niya naman yung mobile na yun.πŸ˜†

Hindi ko alam bakit naging malapit kami ni Kulit, siguro kasi makulit din ako? Hmmm, di siguro! Dahil magaling din akong maglaro ng basketball? Hmm, lalong hindi! Ahh, kasi magkasing tangkad kami at pareho kami ng mga hilig… Ngeks malabo, tsk! Hindi pa din! Oh, baka kasi friendly daw ako at laging naka smile kahit na may mga time na badtrip sa school, ah ewan hula ko lang itong huli!πŸ™‚

Gusto ko barkada nila kasi kwela, athletic at friendly. Kaya naman naging kasundo din ng barkada namin noon. Madalas kaming tambay sa park before or after ng class, kwentuhan, kulitan at asaran. Kapag may game ang BSCS nun lagi kaming nasa gym at syempre pa para panoorin ko din si Kulit. Naging madalas ang usap namin noon sa phone, kaya naging malapit ako sa kanya kahit na kapag na sa classroom na eh hindi naman sya ganun kadaldal sa akin. Buti na lang alam kong may gf siya noon kaya napigilan kong huwag mahulog sa kanya, kung hindi baka nakasira or nakagulo pa ako ng relasyon na gawa ni kupido.

After graduation bihira na din kaming magkausap at ilang beses ko na lang siyang nakita, hanggang sa mawalan na talaga ng communication. Recently lang, dahil kay yahoo messenger nagkausap kami ulit hehe! Dami naming napagkwentuhan, buhay namin ngayon at yung noon. Syempre naungkat yung special relationship namin noon at kahit na matagal ng panahon eh may kilig pa din pala kapag binalikan yun.

Makulit pa din si Kulit at hanggang ngayon napapa smile niya pa din ako sa mga banat niya. Sa tingin ko walang nagbago sa kanya, maliban na lang sa cellphone na gamit niya ngayon, lolz! Hindi man kami naging magkarelasyon noon, masaya pa din ako na naging malapit kami sa isa’t-isa at sapat ng malaman ko na naging crush ako ni Kulit at ganun din ako sa kanya.

Ikaw po ba, may ganyan ka din bang kakaibang kuwento noon?πŸ˜‰


Mga Tugon

Information

20 responses

18 05 2008
Mix

Hahaha! naaalala ko tuloy yung mga sinaunang cellphone na hindi kasya sa bulsa sa sobrang laki! hahaha! at ngayon naman ay nauso yung wireless landline . hehehe! pasensya misyel ngayon lang ulit ako nag comment, medyo busy kasi ako these past few weeks. Ingats!πŸ™‚

Misyel: Hi Mix, thanks sa bisita. Ako din tagal na di nakadalaw sa site mo, busy kasi nitong mga nakaraang araw pero bawi ako pwamis!πŸ™‚

18 05 2008
rhapsody

hehehe oo meron akong mga kilig kwento… ung tipong may kras sa yo ang kras mo.. ang saya noh.. ang nakakapanghinayang lang ung hindi naging kayo… pero oks lang enuf na un dibah…

Misyel: Minsan sarap balikan ng mga yun diba? hehe.

18 05 2008
cielo

friendship nga lang tlg kayo n kulit, buti hindi ka nadaan sa humor, kasi ako nadaan ni hubby ko hehhehe

Misyel: Isa pa nga yun sa nagustuhan ko sa kanya, kaso lang nga di talaga pwede maging kami hahaha!

18 05 2008
kengkay

baka kayo magkatuluyan ni kulit? marami akong ganyang kaibigan, until now kakulitan ko pa rin kahit na nakakalat na kami sa ibang bayan; at meron din namang iba na pinagtataguan ko na, ahahaha

Misyel: Hindi na ate, kasi asawa na niya ngayon si gf dati.πŸ˜€

18 05 2008
MIA

madami akong ganyang kilig kwentos.. hahahaπŸ™‚

malay mo in the near future kayo ang magkatuluyan ni kulit!πŸ™‚

Misyel: Malabo na po, may asawa na siya hahaha! Salamat sa pagdaan ulit ha!πŸ˜‰

19 05 2008
taroogs

wow… pwedeng maging plot ng isang pelikula aπŸ™‚ kung matuloy, sino po gusto mong gumanap sa papel ninyo ni kulit?

Misyel: Pwede kayang si Piolo at si Angel? hahaha! Kafal diba?

19 05 2008
Bri

Hay naalala kopa dati yung mga fon na malalaki na parang wokitoki hahaha nagkaroon din ako dati ng ganyan si kulit, kaso lumipad na si kulit sa ubang bansa at tuluyan ng naglaho an komunikasyon namin.. sayang hindi bale alam ko naman na masya na sya ngayun. ayan ….. bumabalik ang ala-ala hahaha

Misyel: Uyy, reminiscing hahaha! Thanks for sharing Bri!πŸ™‚

19 05 2008
sommer

..uuuy, kinikilig sya.;p baka kayo ni kulit magkakatuluyan.
hmmm, parang nung isang araw ganyan ang palabas sa tfc e…si bea alonso, john lloyd at sam milby ang bida. magkaibigan nuon sina bea at sam, nagkalayo tas bigla nung nagkita ulit after maraming years ago..nainlove sa isat isa. (sorry wala na iba palabas sa tfc e.hehehe)

Misyel: Uyy anong palabas yan? Di ko ata yan napanood. Sissy, malabo na kami magkatuluyan kasi unavailable na sya haha!

19 05 2008
emoboyblue

Wow! ang ganda ng lola mo!! hehe.. Ang sweet naman balikan ng nakaraan? baka naman may future kayo.. Sa tingin mo??πŸ™‚

Misyel: Ayoko tignan, haha! Hindi na mangyayari yung tuluyun blues kasi may asawa na siya.πŸ™‚

19 05 2008
koreanmine

yan ang masasarap na lab story, yung tipong laging may hadlang hehe

.. may asawa na b c kulit????πŸ˜€

Misyel: Meron na Sissy, dehins na pwede.πŸ™‚

19 05 2008
peach07

napadaan po ako sa blog nyo. at natuwa ako sa post mong ito. kasi naalala ko rin ang mga kilig moments ko tulad nito. baka meant to be kayo ni kulit? hehe. btw, add po kita kung ok lang.πŸ™‚

Misyel: Naku, hindi na talaga pwede. Salamat Peach sa pagdaan, pasensya na ngayon lang ako nagkatime mag blog ulit. Sure you can add me, sama din kita sa blogroll ko ha?πŸ™‚

19 05 2008
camilleeee

uu nga naman. malay mo sis, πŸ˜‰ *kiligggg

Misyel: Hey Sis, salamat napasyal ka. Musta kana?

19 05 2008
dakilang islander

so sa ym na naman kayo nagkukulitan ngayon…,hehhh

Misyel: Bakit alam mo? hahaha!πŸ˜›

20 05 2008
rio

huwaw! ang sweeetttttt ni kulit!! hehehe=)
kakatuwa tlga ang ganyang mga kwento…nakakakilig=)

Misyel: Sarap balikan.πŸ™‚

21 05 2008
madbong

sayang di natuloy pero at least may communication pa rin

Misyel: Kaya nga po, ayos na yun sa akin.πŸ™‚

21 05 2008
eyna

uu nga, tulad ng sabi ni rhapsody ..kras mo kras ka pero di kayo naging kayo.

meron ako kras ko nung elem tas nagkita kami sa friendster tas sa ym at nagkaaminan ahahahah. kilig!! pero hanggang dun na lang un.

anu kaya magkatuluyan kayo ni kulit. yiheeeeee…

Misyel: Naku, pareho mo hanggang dun lang din kami kasi nga may wifey na si Kulit.

22 05 2008
nanay belen

baka kayo na ang magkatuloyan nyan. hello’

Misyel: Hi po, naku hindi na po talaga!πŸ™‚

22 05 2008
NJ

oyyy sis… kayo ha… hahahaha… malay natin!!! enjoy sa pakipag YM ke Kulit!

Misyel: Sis, walang malisya na yung kulitan sa YM hehehe!

22 05 2008
linglingbells

iba talaga ang mga relasyong nabubuo sa isang klasrum!πŸ˜€

Misyel: Hay, sinabi mo pa. Madami kong story abt dyan. Ikaw din I’m sure meron.πŸ™‚

23 05 2008
Geisha

sarap ng feelingπŸ˜€ nasa cloud 9.
tanging ako lang yata may alam na crush ko si santino ko… ni hindi man lang ako napapansin ng unggoy!

papagayuma ko na nga langπŸ˜€ heheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: