Panaginip

15 05 2008

Sa isang barko, pasahero ako kasama ng ilang mahal sa buhay.

Laking gulat ko, isa ka pala sa nagtatrabaho dun sa loob.

Pero ang nakakagulat isang babaeng may dating at katrabaho mo din sa loob ng barko.

Pansin ko iba ang relasyon ninyong dalawa, espeyal…

Mas higit pa sa magkaibigan at magkatrabaho lang.

Hindi mo ako binigyan ng magandang atensyon, bagkus nagmukha lang akong basura sa iyo sa harap ng mga mahal ko sa buhay.

Ang sama ng loob ko, sobra.

… dun ako nagising at ang tagal bago ako nakabalik muli sa pagkakatulog.

First time ko siyang napanaginipan na kitang-kita ko mukha niya. Kaya siguro tumanim sa isipan ko ang mga eksenang yun sa panaginip ko. Dati madalas ko sabihin sa kanya, “oo naman, napaginipan kita kagabi kaya ang saya ko”, pero isa lang palabas yun hehehe! Para lang masabi na pareho kami pati sa panaginip.

Hindi ko sana iku-kwento pa ang tungkol dyan sa kanya kaso hindi maalis sa isip ko eh kaya tinext ko siya nung isang gabi. Natawa lang siya. Pero ako hanggang ngayon nag-iisip pa din. Paano kung pagdating ng araw magkatotoo ang napaginipan ko?

Oh well, tama na nga ako. Gotta see it to believe it, sabi nga ng iba, kaya abangan ko na lang yung tamang panahon na magkita kami ng personal.


Mga Tugon

Information

11 responses

15 05 2008
dakilang islander

sabi nila kung ano panaginip mo kabaligtaran daw ang mangyari…totoo kaya?
sino si siya? heheh nakiusyoso

Misyel: Hmmm, aabangan ko kung magkakatotoo nga. Sino sya? Ahm, basta hahaha! Nahiya daw akong sabihin kung sino.😳

15 05 2008
emotheraphy

tama sya kabaliktaran yun..
kuya visit my web blog naman plsss tapos comment ka po..
http://www.emotheraphy.wordpress.com
yan po url thanks kung pupunta ka..

Misyel: Sinong kuya? Waaah, ako ba tinutukoy mo? Hehehe!

15 05 2008
koreanmine

naiiba na status ng pumupuyat sau ah :D… na iinvade na panaginip moπŸ˜€

sissy, try mo isearch yung song na panaginip by wake up ur seatm8…

Missy: Kaya nga sis, maaga ngang matulog pero sa panaginip ka naman pupuyatin, hehehe! Thanks for sharing that song nga pala, hanapin ko later.πŸ™‚

16 05 2008
rio

minsan ang panaginip ay isang babala…hehe=)
dati nanaginip din ako ng isang girl na kasama ang boyfren ko..
and in my dream , i asked her name..her name is Bless…
the following day i asked my boyfren if he knows someone name “Bless”….si bless pala ay dating ultimate crush ni boyfren…
weird noh?..hehe

Misyel: Hindi kaya talagang may new gurl ngayon si Buddy ko? Nag-isip na naman si Misyel….πŸ˜€

16 05 2008
eyna

hello!

baka may ibang nais isimbolo ung babae na lumabas sa panaginip.
tsaka mukhang significant din ung barko lalo na nagsasail kayo sa dream kasama ng mahal mo sa buhay.

ako naman dati madalas mapanaginipan 3 iba’t ibang mukha ng lalake na napangasawa ko daw. ahahaha. pero sayang, guwapo nung isa dun. kaso di ko sila kilala.

Misyel: Hi Eyna! Astig naman ng panaginip mo, para kang Dyosa nun ahh 3 asawa mo hahaha!

16 05 2008
karmi

hmm. parang nakapanaginip na din ako ng ganyan. nakita ko rin ung mahal ko “dati” at ung bago nya. grabe. ang hirap ng feeling. panaginip pa lang un ha..

tama si ate rio. warning ang panaginip.πŸ™‚ parang pinagreredi ka sa pwedeng mangyari.. pero pwede ring di mangyari yan.. wag masyadong maparanoid ate misyel..πŸ™‚

Misyel: Oo nga eh, di dapat maparanoid.. Salamat sa komento ganda.πŸ™‚

16 05 2008
jeniffer

napakasawi naman yan misyel.. nakakalungkot na panaginip.. pero minsan ang panaginip ay kabaliktaran sa tunay na magaganap sa ating buhay.. perO ingatz parin..πŸ™‚

Misyel: Sana nga kabaliktaran talaga. Salamat sa dalaw.

16 05 2008
nanay belen

ipag pray mo na laNG, PARA HINDI MAGKATOTO0

HELLO PO.

Misyel: Hi Nanay Belen! Tama po, pray na lang. Tenk yu po sa dalaw!πŸ™‚

17 05 2008
linglingbells

hmm.. di yan magkakatotoo.. kabaligtaran ang mangyayari: ikaw ang babaeng katrabaho niya at may espesyal na relasyon sa kanya.. at may isa pang babaeng na masama ang loob dahil sa relasyon ninyo..

Misyel: Kinilig naman ako sa comment mo Ling, pero yang huling sinabi mo naku nangyari na yan noon eh.πŸ˜€

17 05 2008
Hachi

sabi ng mga kaklase ko, kabaliktaran daw ng panaginip ang totoong mangyayari. sana nga..

Misyel: Sana nga… Salamat sa pagbisita ha. I appreciate it!πŸ˜‰

18 05 2008
nanaginip na mangyan

A boy had a cancer and had only a month to live. He liked a girl working in a CD shop very much, but never did he tell her about his feeling to her. Everyday he’s on the CD shop and bought a CD just to talk to her. After a month he died.

When the girl went to his place and asked about him, her mother told her that he already expired and took her to his room. The girl saw the CDs the boy bought to her unopened, the girl cried, and cried. You know why the girl cried? Because she had kept her own love letters inside the CD packs, she also loved him….

The moral of the story if you love someone, tell him/her directly, don’t wait for the destiny to play the role – for destiny/fate sometimes is a tricky player. Diba sabi nga mapagbiro raw ang tadhana, at kung magbiro kung minsan eh hindi naman nakakatawa…minsan nakakaiyak.

ngapala, cross-linked na kita ha…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: