chichachenes

6 05 2008

Mahilig ka ba sa chicha? Mga pagkaing sabi nila eh, “its not good for our health” kaso malakas ang hatak nito sa iba kaya hindi kayang pigilin kainin or bilhin. Ako, oo mahilig ako sa mga yun. Yummy kasi tsaka pang-alis din ng gutom huh!πŸ˜€

Nung sabado napadpad ako sa isang Filipino store, napag-isipan kasi namin ng friend ko na mag ulam ng pagkaing pinoy. Pagpasok ko sa tindahan para akong na hipnotismo sa loob, sari-saring chicha ang nakita ko. Kuha dito, kuha doon na nanginginig-nginig pa habang pumipili ako ng bibilhin.

Nandun ang mga fave kong chips, syempre mahuhuli ba naman sa choices ko ang fave kong Vcut potato chips at Pik-Nik. Feeling ko nasa Pinas lang ako habang nasa loob, kung malapit nga lang sa bahay yung store at hindi ako magko-commute lang pa uwi eh bibilhin ko lahat ng gusto ko dun.

I’m so happy na nakakain ulit ako ng mga paborito kong chicha, kahit na napagsabihan ako ng tita ng friend ko na di maganda para sa akin ang mga yun eh may ngiti pa din sa mukha ko, hehe!

——————-

Last Sunday naman sinundo namin sa airport yung asawa ng pinsan ko, bigla naisip ko tuloy na magbakasyon sa atin. Sana malapit lang talaga ang Pinas sa Canada, pwede lang magbus or taxi kaso hindi eh, milya milya ang layo nito. Kaya hindi naman ganun kadali madalaw ang mga mahal ko sa buhay na nasa Pinas. Miss ko na sila, kailan ko kaya sila ulit mayayakap at makikita?

Teka, bakit biglang drama na ang dating ng sinasabi ko??? Hahaha! Dapat magsaya ako kasi bumalik na sa blogging ang sanpit kong matsing, kahit na alam kong malungkot pa din ito dala ng homesick, hehe! Kuya, tulad ng sabi mo noon sa akin i-blog mo na lang iyan!πŸ˜†

Sige po, lantakan ko muna itong pasalubong sa akin….


Mga Tugon

Information

13 responses

6 05 2008
karmi

hainaku, kaya ayoko ring pumupunta ng Filipino store, dahil madami kaming nabibiling kung anu-ano! hahaha..πŸ˜›

uwi ka na rin ate!!πŸ˜€ kita tau sa June.. ^_^

7 05 2008
Salve

kaka-excite talaga pag nasa ibang bansa ka at pagpunta mo sa Filipino store e andun ang mga kukutin na miss na miss mo na. gusto mo talaga pakyawin!πŸ˜€

7 05 2008
Leah

Uy penge! Meron ba para sa kin?

btw, i tagged you here Hope you can participate.

7 05 2008
sommer

…nyahaha, halos lahat ganyan ang feeling noh? marerealize natin yung tinetake for granted natin nuon pag wala na. haaayyy!! ang lagi ko pinapakyaw yung cheese ring (yung me picture ni astroboy) the best.

7 05 2008
kengkay

uy, ganyan yung pasalubong sa akin ni chona, hahaha. sarap! homesick ka uwi ka pinas, homesick ka rin pag-alis mo ng pinas, waaaah. hay know the feeling.

7 05 2008
Maldito

tsarap naman yan..pang mayaman talaga ang food niyo..lols

7 05 2008
wei vines

huwawww!!! nakakagutomm

7 05 2008
foobarph

hi guys! plug lng po ulit
– available na po yung chapter 13 ng walang paglagyan sa tagalog online pocketbook
http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/05/07/kabanata-13-walang-paglagyan/
– need ko lang po tlaga ng suggestion pra sa last two chapters kasi lately na ba-blanko isipan ko, pasensya na.

8 05 2008
koreanmine

sampalok ba yun???

masarap na partner na lokal na chicha eh yung fake na chippy taz hannyπŸ˜€

8 05 2008
dakilang islander

at talagang nanginginig pa hah…lol….nung sa Pinas pa ako di ko pinansin yung boy bawang at dingdong pero dito lagi na akong bumibili..heh

9 05 2008
NJ

hi Misyel,
coconut ba yan… na nilalagyan ng brown sugar? LOL… ganun kse sa probinsya namin eh.. we call it “bukayo”. parang ginutom mo naman ako! enjoy your weekend pala!

NJ

10 05 2008
Kiko Matsing

Magpapadala ulit ako niyan pag pumunta sila mama mo dito! Hehehe! Saka buro ng talangka! πŸ™‚

14 05 2008
rhapsody

waw sampalok! hagis ka dito kahit 2 lang hehehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: