puyatera no more!?

2 05 2008

Ilang linggo na din akong natutulog ng maaga. Dati rati kasi umaga na ko kung matulog, inaabot ako ng madaling araw. Kaya naman yung eye bag ko eh pwede ng taniman ng halaman, lolz! Naalala ko pa nga noon dahil sa kakapuyat ko eh pinutakte ako ng mga pimples, nyay!

Gustuhin ko man magpuyat tulad ng dati, gumamit ng internet hanggang sumakit na mata ko at dumoble na tingin ko sa mga nababasa ko, manood ng telenovela hanggang alas kwatro (oo, baduy na. wala kang pakialam!), magbasa ng kung anik-anik, wantusawang makinig ng musika, tumunganga sa kwarto at tumingin sa kisame, maghalungkat ng gamit at magsukat ng trip na damit, humarap sa salamin at mag-astang model, magtelebabad sa telepono hanggang sumakit ang tenga o di kaya’y magtext hanggang mapuno ang inbox, kuhanan ang sarili gamit ang timer ng camera, kumain ng chicha hanggang tamarin ng magtutbras at kung ano-ano pa…

Ngayon di ko na yan magawa. Bakit kamo? Di ko actually alam eh, hahaha! Para kasing may napigil sa akin at nag-uutos na matulog na ako. Basta pagpatak ng alas dies y medya ng gabi para na akong hilong talilong at kailangan eh nasa higaan na ako sa ayaw ko man at sa ayaw.😀

Sabagay, maganda din matulog ng maaga. Mas lumalakas ang katawan, bawas na si eye bag, kumikinis ang mukha at walang sakit ng ulo pag gising. Yun nga lang madami akong namimiss, tulad na lang ng pakikipagchat ko sa mga kaibigan ko na sa gabi ko lang natatagpuan at paggawa ng entry sa blog (ewan ko kasi parang mas ayos sa akin magisip sa gabi kasi tahimik). May ilan na nga akong friend na nagsabing hindi na nila ako nakikita at nakakausap, nagtatago daw ako hehehe. See? Hindi sila sanay na hindi ako nakikitang naka online hanggang madaling araw, ibig sabihin 1st runner-up ako sa pagpupuyat.

Teka lang, bakit parang may nakikita akong mga stars sa paligid??? Naku, hala umabot ako ng 11pm! Hinihila na ako papunta sa bed, ayan na po, sige bukas na lang ulit mga pips. Salamat sa pagbabasa! 😉


Mga Tugon

Information

18 responses

3 05 2008
repah

naku! yan nga problema ko! dmi kong pimples kakapuyat sa kapapanood buti ka pa maaga ng natutulog!

Misyel: Bawasan na kasi ang panonood…

3 05 2008
A Z R A E L

mabuti ka pa nakakatulog ng maaga. ako kahit anong gawin ko hirap na hirap talaga ako. pinakamaaga ko na yata 1 am tsk tsk tsk. ewan ko ba bakit ganun. nasanay siguro ang katawan ko dahil noong active pa ako sa pagiging dj, pinakamaaga uwi ko sa bahay alas kwatro eh, talagang umaga na wahahahaha!

anyways, ano ba sikreto mo at share mo naman saken. kailangan makatulog ako ng maaga para makaiwas sa mga babae na hinaharot ako pag oras na ng hatinggabi lol

Misyel: Sikreto ko? Siguro yung centrum, siya ang salarin ng lahat! Maski nga tanghali inaantok ako, dba parang di na normal?

3 05 2008
kengkay

pahiram nga dyan ng telenovela at ng makipuyat naman ako sa inyo

Misyel: Naku marami ako mapapahiram ate, no gusto mo tagalog or korean?😀

3 05 2008
eloiski

wala rin akong tulog dati eh kasi ang dami ko noong nirush na requirements sa iskul. Pero ngayon, sleeping beauty na ang drama ko. Hahaha.

Sige ate, dpat tulog k n lng muna. Sleep tyt! WapaK!

Misyel: Salamat, ikaw din matulog ng maaga para lalong maging pretty.

3 05 2008
aKDa

kahit magtumbling ako maghapon magdamag, eh hindi talaga ako makatulog ng maaga. Umaga, pwede pa. ^_^

Nakakatulog lang ako ng maaga, pag more than 24 hours na akong mulat. O di kaya’y uminom ako ng extra joss nung nakaraang gabi.

ehehe.

Misyel: Wow, ang tindi mo ahh! Musta naman ang health mo?

3 05 2008
MIA

dati 4am ang tulog ko, pero ngayon 10 pm pa lang hinihila na ako ng kama ko..🙂

Misyel: Uyy, pareho pala tayo ahh!

4 05 2008
wei vines

kainggit naman =)

Misyel: Sus, kaya mo din yan!

4 05 2008
linglingbells

okay yan dahil may nakapagsabi sakin na ang pagpupuyat daw ay nakakataba rin.. ewan ko lang kung totoo..😀

Misyel: Huh? Eh pumayat ako sa pagpupuyat ko.

4 05 2008
Geisha

tama yan mare.. ang pagpupuyat ay nakaka payat yan! toz pag payat ka na ihanda mo na rin kabaong mo😆

Misyel: Kaya nga ayaw ko na si puyat kasi di pa ko ready ihanda kabaong ko, hehehe!

5 05 2008
kulot

maswerte ka naman sister at maaga ka ng natutulog, ako wala pa ring pagbabago sa oras ng pagtulog nung sabado at linggo di ko man lang nanamnam ng husto yung pagtulog

Misyel: Try mo mag vitamins at umaga magising baka makatulong.

5 05 2008
angel

ako tadtd na ng pimples kakapuyta! huhuh, kaya lang kakaputay ko nagka insomnia na tuloy ako.

Misyel: Hala, mahirap yan sister. May friend ako nagpa doctor pa talaga dahil sa insomnia.

5 05 2008
dakilang islander

talagang ang aga hah..11PM tulog na….beauty rest ba yan?lol

Misyel: OO, as in beauty rest hahaha!

6 05 2008
emoboyblue

Newbie po ako dito pwede po ba xlinks tayo?

Tama ka maraming naidudulot na mabuti ang pagtulog na maaga. Buti ka pa nakakatulog na ng maaga kasi may mga iba na nagiba na ang kanilang body clock at kahit anong pilit itulog hindi niya magawa.. Good for you..🙂

Misyel: Sure add kita sa blogroll ko. Salamat sa pagdalaw!😉

6 05 2008
koreanmine

bat ako laging puyta eh di na namayat? Lols kc yung pagpupuyat ko puro mamam!😀

Misyel: Uyy, mamam! Sarap naman nyan, hehe kaso lang di kaya puro alkohol na dumadaloy dyan sa iyong katawan? Hinay-hinay lang sistah!

6 05 2008
Rhapsody

gud 4u! nakakapanghina kasi ng pakiramdam kapag laging puyat eh. ako din tinatry ko ng matulog ng maaga. kapag weekends lang ako late matulog.

Misyel: Totoo, kaya dapat mabawi yung mga naipuyat ko ng matagal na panahon.

6 05 2008
Salve

buti ka pa nakakatulog na ng maaga. ako, kahit yata sobrang dilim na ng kwarto ko, antagal ko talaga antukin. minsan di pa ko nakakatulog talaga.😦

8 05 2008
aKDa

haha. eto, mukha pa ding alien kahit papano. naging vitamins ko na nga ang extra joss. hehehe.

happy sleeping satin!

9 05 2008
aKDa

ipapako kita sa blogroll ko a.. ^_^

Misyel: Sige lang, pinako na din kita sa listahan ko hehe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: