Spring Gala 08

22 04 2008

Salamat at sa wakas super ganda na ng panahon dito, ilang araw ng na sa 2 digits ang temperature at tirik palagi ang araw. Syempre pahuhuli ba naman ako para i-enjoy ang bigay ng kalikasan? No way! Kaya eto po ibabahagi ko sa inyo ang mga kuha ko sa magandang panahon ng Toronto…

Sa unang pagkakataon lumabas kami ng mga niece ko ng walang jacket or sweater, yahuuu! Pumunta lang kami sa malapit na park at nagbabad sa arawan, pagkatapos niyaya ko sila mag jogging (tama bang pati mga bata eh idawit sa pag-alis ng fats? hehehe!). Nag-enjoy naman sila habang tumatakbo kaming binibigkas ang letrang J-O-GπŸ˜€ .

Pag-uwi ng bahay di pa ko nakuntento, naglaro pa ko ng basketball sa harapan namin at syempre tumagaktak ang pawis galing sa mga taba na naipon sa aking katawan, nyahaha! Ilang buwan ko ding hindi nagawa yan ha, kaya masaya ako na dumating na si Spring. Sana lang eh mabawasan na itong bigat ng katawan ko, kasi pansin ko ang hirap ng kumilos at lumulobo na talaga tyan ko buntis? lols!.

Kaso ilang araw lang ang nakalipas, may party na naman akong pinuntahan.. Ngeks, wala din kwenta yung pagpapawis na ginawa ko diba? Kasi ang dami ko na namang kinain nung araw na iyon. Eto ebidensya:

Kita nyo, ulo na lang natira sa hipon at ang nilantakan namin? Ang nakakaawang piggy oink, hehehe! Hanggang ngayon ramdam ko pa ang tabang nakain ko last weekend at ang hangover na dulot ng…. secret!πŸ˜€

The best talaga yung celebration ng friends kong soon to be husband and wife. Ilang buwan din kaming hindi nagsama-sama kaya talagang sinulit namin ang pagkakataong iyon, nag-overnight kami sa kanila at ang kawawang mga camera walang pahinga sa aminπŸ™‚ .

Sigurado sunod-sunod na naman ang party nito kaya tiyak kong lolobo pa ako ng husto, waaaahhh!


Mga Tugon

Information

12 responses

23 04 2008
brath

sisteret!! la lang maganda talaga an panahon kapag spring na. kaya lang nandito na ko sa pinas e kaya diretsong summer agad yipeeee!

Misyel: Nasa Pinas kana pala, siguro panay na gala mo ano? Sarap mag beach ngayon dyan sa atin. Enjoy your stay there!

23 04 2008
Salve

sa itsura ng mga pictures nyo sa park, talagang maganda na panahon. pwede na ang mga activities na hindi nagawa nung malamig at nagyeyelo pa ang paligid. go, kapatid!πŸ˜€
————
http://www.salvacion.wordpress.com
http://www.eyeview.wordpress.com

Misyel: Salamat kapatid, yeah susulitin ko talaga itong spring at summer.

23 04 2008
madbong

huwaw misyel talagang spring na jan! dito samin mukhang maaga ang dating ni winter hirap na namang bumangon sa umaga hehe. wag masyado kakain, ingatan ang figure……

Misyel: Sinusubukan ko na po talagang bawasan kinakain ko, hirap na kasi eh! Winter na pala sa inyo, ingat po sa lamig.

23 04 2008
tapsiboy

nakakagutom

Misyel: Then kain na!!!πŸ˜€

23 04 2008
Mix

Aba’y wala na ngang snow! hahaha! ganda ng weather diyan ngayon ah… pasensya na mare at ngayon lang ulit ako napadpad sa blog mo, 3 posts mo ang nakaligtaan ko. hehehe! Bumabaha ng pagkain, hindi pa naman ako naghahapunan badtrip… nakakagutom! waaa!

Misyel: Wala na talaga si snow pinalayas ko na, heheh! Ayos lang kung di ka nakakabisita madalas, I understand bro busy as a bee talaga mga tao ngayon at kasama ako dun hehehe. Di na nga din ako madalas makadalaw sa blog mo, pasensya na pero kapag may time naman ako mag-iiwan ako ng bakas.

23 04 2008
koreanmine

ang hirap magpapayat noh, angdaming tukso!!! waaaaaaa

pero sissy, madami ka pang baon, pdeng pde p u kumain, sexy k p din :-*

Misyel: Naku, mas sexy ka pa din sistah… Sinusubukan ko na mag bawas ng pagkain at exercise I hope may magandang kalabasan.πŸ˜€

23 04 2008
A Z R A E L

OT: may tag ako. pag may time ka lang. ty!

http://azrael666.wordpress.com/2008/04/23/tagged-eleven/

Misyel: Salamat po, gawin ko to soon nanginginig pa hehehe!

24 04 2008
karmi

wow. sunny na nga dyan sa Toronto ate.πŸ™‚ sarap gumala.. malamang nga namiss mo ang araw dahil ilang buwan din kayong nabalot sa snow.. ^_^

sarap naman ng kainan. hehe, kawawang baboy, ulo na lang ang natira.. ano kaya ung sikret?! hehe..

haay, friends. namiss ko na naman tuloy ang mga kaibigan ko.. hehehe.

24 04 2008
Leah

Oo nga, enjoy mo habang ganyan kasi next week medyo malamig na naman.

Uy sino etong ikakasal na, si L and W , sila na ulit?

25 04 2008
repah

napaganda ng mga parke sa inyo.. smin ala ng ganyan.. puro bhay na.. hayyy.. sarap tlaga gumala pag mganda ang panahon.. kakaingit

26 04 2008
islander

wow..sarap naman pala magjogging dyan pag ganung season…kain lang ng kain at araw arawin din ang pagtakbo para balance…

26 04 2008
aga

asust….
meron po akong tag sa inyo hehehehe ^^ sana lang po ay mapaglaanan nyo ng oras..asust ulet.. tenk you huh!!!

http://xplorasyon.wordpress.com/2008/04/26/heto-na-ang-mahiwagang-tagheto-na-ang-mahiwagang-tag/

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: