I wonder

16 04 2008

Nagtataka ako sa mga magulang na nakakayang iwanan ang anak nila at tiising lumaki ito sa ibang tao. Sabagay minsan hindi mo din sila masisisi, sa sobrang kahirapan o di kaya sa mga hindi maiiwasang hagupit ng tadhana, nilulunok na lang yung sakit na mawala sa kanila yung batang kanilang nilabas sa mundong ibabaw.

Kaso may ilan talaga na para lang mga nanganganak ng hayop, iiwanan na lang basta at pagkatapos wala ng pakialam. May ilan naman na pagkatapos ng maraming taon, nagdalaga/binata na anak nila tsaka susulpot at animo’y parang anghel na magpaparamdam ulit.

Kaya ako sobrang pasalamat kasi busog ako sa pagmamahal, napalaki ako ng parents ko at inalagaan hanggang magkaroon ng wastong pagiisip. I’m blessed to have them, kaya supah labs ko si papsy at mamsy.

Hmmm, bakit ba ito tema ng post ko? Oh well, gusto ko lang po kasing i-share tong vid galing sa youtube na nagpaantig ng puso ko (naks ang lalim nun ahh, Misyel is dat yu?). Actually napanood ko ito sa t.v. noon, naiyak ako after ko mapanood itong performance ni Kellie Pickler. Yung song kasi para sa mom niya.

Panoorin mo kung may time ka pa…


Mga Tugon

Information

9 responses

16 04 2008
Salve

Na-touch naman ako sa song, sis. medyo malapit na tumulo luha ko. kelangan lang magpigil kasi nasa office pa.

16 04 2008
NJ

hi Misyel,
i remember una namin to napanood ni Papa sa tv at the night of the awards… talagang touch kme sa song. then the next day we let mom watch this sa youtube.

17 04 2008
kengkay

parang ayoko yata panoorin at baka ngumawa ako dito, hmm

17 04 2008
karmi

ito ung sa Country Music Awards no? grabe. touching nga ung kanta. nakakaiyak pa. haaay. feel na feel nya ung kanta. tapos pinakita pa ung kapatid nya. ala na. hehehe.

ngayon ko nga lang rin nare-realize na ang swerte ko pala kasi buo pa ung pamilya ko. at concerned talaga sila sa akin..🙂

17 04 2008
madbong

kaka-touch naman, galing nung lyrics. musta lablayf mo?

18 04 2008
taroogs

malapit sa puso ko itong isyu na ito kasi ako ay isang dakilang “ampon”. pero naiintidihan ko naman kung bakit napilitan ang aking inay na ako’y ipaalaga sa iba (mga malapit din naman niyang kamag-anak ang umampon sa akin). mayroon na kasin silang 4 na anak (ako yung panlima) at sakto namang namatay ang aking tatay. mga magsasaka sila sa daraga, albay.

18 04 2008
islander

hmm…na homesick tuloy ako ngayun…

19 04 2008
koreanmine

hmp! lagi mo na lang akong pinapa iyak sa mga vids mo.. dati yung sa bulag chuva..

lalo na d2.. nakaka relate ako .. deep down..deep deep deep down….

19 04 2008
earthlotus

awts.. yan yung batang lalaki na natagpuan sa basurahan sa may antipolo.. ayt?

tsk.. blessing pa man din yun eh. sayang, itatapon na lang kung san san..

god bless dun sa mga umampon.

nga pala, xlink po ulet. haha. earthlotus.net (di ko na gagamitin yung earthlotus.wordpress.com eh) thanks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: