Ngiti

11 04 2008

Nung mga nakaraang araw napaka emo ko, kahit na yata maaraw na dito parang winter pa din pakiramdam ko. Pero enuf na ang emo emo mode na yan! Sobra na, nakakasira ng itsura eh.🙂

Nasabi ko sa huling post ko, na sigurado bukas lang ayos na ulit… Well, eto na nga yun! Yeheyyy! OK na ako, kagabi nakausap ko na din kung sino man yun at sapat na yun para magkaroon ng ngiti ‘tong mukha ko na ilang araw ding nalukot.

Alam mo, sobrang na-iinlab ako sa isang kanta ngayon. Kaya pati title nung song ginamit ko dito sa post ko. Hindi ko alam pero sa tuwing maririnig ko yan, naiinspired ako. Kahit paulit-ulit na tumugtog sa player ko di ako nagsasawa. Baduy ko noh? So??? Eh sa masaya nga ako eh, wala kang paki!😀

Anyway, title pa lang kasi “Ngiti”, nagbibigay na ng liwanag sa pandinig. Maalala ko nung college ako, madalas akong sabihan ng isang kaklase ko na wag ko daw aalisin yung smile sa mukha ko. Kahit na kasi anong inis ko sa isang tao, di ko magawang hindi ngitian (ang tupperware ko noh? Hehehe!). May pinsan din ako na nagsabi na nakakatuwa daw ako kasi paggising ko pa lang eh, ngiti na agad yung bungad ko sa kanila. Siguro nakasanayan ko lang gawing exercise yan. Tsaka pansin ko nagbibigay ng magandang aura sa paligid ko eh.

Tignan mo tong quotation na nabasa ko, “there are hundreds of languages in the world, but a smile speaks them all.” Totoo yan di ba? Magbahagi ka lang ng isang simpleng ngiti sa isang tao parang nakapagusap na kayo nun. Ibang klase kaya nabibigay nito sa atin…ligaya, pag-ibig, pag-asa at kung anik-anik pa.

Kaya ano pang ginagawa mo, ngumiti kana at pagandahin mo paligid natin.🙂

———-

Syanga pala, baka gusto mong pakinggan yung song na tinutukoy ko at makita ang iba’t-ibang ngiti ni Misyel, simply click this one:


Mga Tugon

Information

15 responses

11 04 2008
islander

isa ka din pala sa mga palangiting Pinay…napansin ko kasi dito pagsumakay na ng bus yung grupo ng mga Pinay halos lahat naka ismyl parang nagtataka tuloy yung ibang lahi kung sino nginitian nila…

11 04 2008
Leah

Nice one Tita. Keep smiling1

11 04 2008
koreanmine

nice:D iba tlga ang smyl😀

ako nga fave ko lahat ng songs sa close-up kc puro sa smile😀

12 04 2008
eloiski

iyan! smile na si ate!
ang cute ng pusa!
wahehehe!

12 04 2008
aga

cute nung pusa!!! asust…

13 04 2008
foobarph

buti pa ang pusa cute. ^^ hehe

14 04 2008
MARU

inlab nga ang bruha.

14 04 2008
kulot

ayon after those days, you smile, keep on smiling

14 04 2008
linglingbells

buti naman at nakangiti ka na ngyon..😀

15 04 2008
kengkay

nakakawala ng wrinkles ang ngiti😀

15 04 2008
Rhapsody

kayo na ulit? yihiiii

15 04 2008
angel

uyy… pwedeng kiligin?😆

15 04 2008
paolo

totoo yung quote na yun…

16 04 2008
lethalverses

gusto ko yung “there are hundreds of languages in the world, but a smile speaks them all.” lupit ng blog mo, patambay ha.

18 04 2008
chroneicon

ngiti lang. it makes people wonder what you’re up to. hehe =D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: