Luha

8 04 2008

Sabik akong malaman ang mga bagay-bagay na nangyayari sa’yong paligid.

May kilig sa tuwing makakatanggap ako ng maski simpleng hello lang mula sa iyo.

Maski nga smiley lang masaya na ako.

Kaya naman hindi ko matiis na hindi pumindot sa mobile phone ko para sagutin ka.

Nakakatuwang isipin na minsan halos sabay pa tayong magkamustahan……

Siguro nagkataon lang pareho tayo ng iniisip.

Hay, mababaw lang talaga ako eh!

Pero bakit ganito ngayon?

Pansin ko unti-unting nagbabago yung pagkamababaw na yun.

Naghahanap na ng lalim, gustong maghukay at kumuha ng mina.

Yung simpleng mensahe hindi na nagpapasaya, nawawala na yung kilig, napapalitan na.

Parang kulang, matabang, wala ng dating…

Gusto ko mang maging tulad pa din ng dati, pero parang may humihila pa layo.

Nagbabago ihip ng hangin, yung dating maaliwas at presko sa pakiramdam, nagiging polluted na, parang ang hirap ng huminga.

Konti na lang maisusuko na yung pag-asang namuo noon sa isipan ko.

Magbago pa kaya ang lahat?

Sana… Sana nga…

Sa ngayon, hahayaan ko munang ilabas itong hapdi at init na kanina pa gustong bumagsak sa mga mata ko.

tears.jpg

…………….

…………….

Ayan, salamat medyo gumaan pakiramdam ko.

Sigurado bukas lang ayos na ulit.


Mga Tugon

Information

30 responses

8 04 2008
NJ

darn girl!!! i felt it last time… parang ganyan sayo! hope u feel better now… *hugs

Misyel: kakainis minsan dba? i’m a little bit better now, hope you are too. thanks for the hug sis.

8 04 2008
tapsiboy

hay life….

ang ganda nung unang picture, ang sexy.

Misyel: hay life talaga… nainggit ako sa ka-sexyhan nya kaya pinost ko yung pic, hehehe.

8 04 2008
c.a.m.s

so, okay kna ba? *hugs*

yaan mo, tatawag din yunπŸ˜‰

Misyel: Medyo po. Di na ko nage-expect. Thanks sa concern sis!

9 04 2008
madbong

may umapi ba sa iyo? sabihin mo lang re-resbak ako sayo anytime hehe. siyusli, malalim ang mga isinulat mo, nakaka-intriga

Misyel: Secret po, kapag kailangan na talaga ng tulong tetext ko na lang kayo or email hahahah!

9 04 2008
repah

sis anu yan.. papaslang na ntin… di ka dapat nila pinaiiyak..

Misyel: Wag na, yaan na lang natin. Huling iyak na yun. hayyy…

9 04 2008
koreanmine

cno kaya ang salarin … c “pm buddy ” kaya? …..

“how cud d same love dt mde me so hapi, makes me so sad.. i dont understand … how cud d same eyes, dt used 2 b lafin’ cry in d nyt.. it doesnt seem ryt at ol” …….

Misyel: binggo! ayy, secret pala!

9 04 2008
Rhapsody

parang naririnig ko pa ang background music habang binabasa ko ito.. wow taas tlga ng boses ng aegis.

hayaan mo na muna yan.. wag ka mainip malay mo tatawag din siya.

Misyel: habang sinusulat ko nga yan, kinakanta ko ang makakabagbag damdaming Luha hehehe!

9 04 2008
Maldito

hmmmmm…akala ko kinikilig ka?anong nangyari..baka naubusan lng ng load..malayo pa kasi ang sweldo..ahe he he

Misyel: piso lang, mahal ba yun? waaaahhh!

9 04 2008
karmi

*hugs*
musta ka na miss misyel? ok ka na ba?
hmmm.. oo nga po, intayin mo lang na tumawag sya. at sana maibalik nyo ung dati.πŸ™‚

tc!

Misyel: Hi Karmi! Medyo ok na. Ingat ka din!πŸ™‚

9 04 2008
A Z R A E L

hey misyel, kung ano man yan, it will passπŸ˜€

smile girl!

Misyel: Thanks Az!πŸ™‚

9 04 2008
angel

oww… Cheer up ate misyel!! *hugs*

Misyel: Salamat Angel!

9 04 2008
Mix

bug hug…πŸ™‚ d2 lang kami…πŸ™‚

Misyel: Hey Mix, thanks bro!

9 04 2008
aga

wag mo na isipin un walang kwenta un…
maglibang ka…. asust..

Misyel: Alam mo, may tama ka eh! Tenk yu.

9 04 2008
MARU

nakow! inlab ka nga, girl. eh ganyan talaga yan….kasama sa tuwa sa pag ibig ang luha.

OT: na-receive ko ang pasalubong sa akin ni KIko d other day. thoughtful ng cousin mo.gustong gusto ko yung pinadala nya sa akin via Air21. tho nag txt na ako sa kanya…pakisabi ulit sa kanya na maraming salamat. sayang talaga at hindi kami nagkita when i was in manila last feb. kaw, kelan uwi mo, girl?

Misyel: Bakit nga lagi na lang kakambal yan ng pagibig? echos!

Makakarating message mo ke kuya Kiko, sana pag-uwi nya ulit (kailan kaya yun?) magkita na kayo. Hopefully, next year summer dyan makauwi ako. Kita tayo Ms Maru ha?!πŸ™‚

9 04 2008
kulot

forget it, isang araw andyan na ulit yan, hehehe, as if close tayo ano, anyway napadpad lang ako dito, pwede po ba pa xlink na lang

Misyel: Baka nga… OO naman, close na tayo. Lagay na kita sa blogroll ko.πŸ™‚

9 04 2008
foobarph

you: Siguro nagkataon lang pareho tayo ng iniisip.

mon: dapat sigurado ka. pag hindi ka sigurado, wag mo ng isulat, magdudulot lang ng ibang kahulugan. yun lang.

hama: leche ka foo! nakita mo na ngang hurting si misyel eh babanatan mo pa! wala kang kwenta mag advice foo! dapat sayo itapon sa ilog, hmpf!

foo: pabubugbog kita kay george! lagot ka kay george! georrgeee!

(dont worry misyel, natural lang yan. in short, be honest. ^^)

Misyel: Huhuhu, eh bugbugin kaya kita? Uyy, salamat sa daan!πŸ™‚

9 04 2008
umleo23

Ang mga bagay na ganito ang nagtuturo sa ating maging malakas, matatag at matapang na kinakailangan natin bago harapin ang buhay……..
…………..sa labas ng bahay ni kuya???πŸ˜€

Wag kang mag-alala, kung mawala man yang tumatawag sayo, sure ako may susunod na tatawag sayo, akin na cell number mo bilis…. ehehehehehehe

Misyel: Hmm, kapag binigay ko ba cell number ko tatawag ka talaga? Sigurado nga ba? hahaha!

9 04 2008
umleo23

typo ang website ko! at hindi ko na ma-edit kaya nag post ulit ako ng comment para itama ang link ng website ko wahahahaha… oi wag mong kalimutan ibigay cell number mo… naghihintay ako!
(nag fefeeling close ba ako???)

Misyel: Buti na lang kung hindi di ko napasyalan blog mo. Salamat sa pagsilip ha! Tungkol sa cell #, hmmm mauna ka muna hahahaha!

9 04 2008
linglingbells

at least dahil sa paglabas ng iyong emosyon dito sa blog mo ay gumaan kahit papano ang iyong pakiramdam.. sana maging okay ka na..

Misyel: Kaya nga mahal na mahal ko ‘tong blog ko eh! Salamat Lingling!πŸ™‚

9 04 2008
wei vines

baka madami lang siya gingawa o di niya napansin yung message mo…

o baka quote yung message mo kaya di niya na pinansin?
hehehe…

Misyel: Maybe yes, maybe not… Di ako mahilig magpadala ng quotations eh.

10 04 2008
gasti

intindihin mo na lang sya. baka abala sa ibang babae este sa work pala. baka naman wala lang load..tsk tsk! wag ka na masyado mag isip nakakasama sa buntis yan. ay teka sinong buntis? lols! basta kaya mo yan. andito lang kami para makiusyosoπŸ˜€

Misyel: Hehehe! Buntis? Si sistah ko preggy ngayon! Ala lang nasabi ko lang, hahaha!

10 04 2008
umleo23

o para maayus ang lahat! mag xlink na lang tau at wag ang cell number…
next time na lang ang cell numbers kapag mag best friends na tayo wahahahahahaha

Misyel: Haahaha! Ok, cge i’ll link yu yup!πŸ˜‰

10 04 2008
burinj

cge lang sister ilabas mo lang yan…pero bukas wag na ha…tama na…

Misyel: Naku sister ok na po ako ngayon, weeee!πŸ˜€

10 04 2008
Prinsipe ng Pangarap!

bakit? ano ang nangyari… buti ka pa nga naluluha pa… ako sa dami ng naranasan ko… pilitin ko mang hatakin pababa ang luha ko eh hindi na talaga ako naluluha.. nalulungkot oo.

Misyel: wala lang yun wag mo pansinin, kailangan lang siguro ng hugas mga mata ko. so malungkot ka pa din ba? i hope di na.πŸ™‚

10 04 2008
eloiski

awww. buti n lng tlg may blog. may paglabasan ng sama ng loob.
mas masaya kasi isigaw dito eh. walang makakapigil!

Misyel: Naku sinabi mo pa! Pano na lang kung wala dba? Hmmm…

10 04 2008
Geisha

buhay!
buti pa ang patay! hehehhe😦
kaya mo yan mare… sigaw ka lang.. DARNA!
stress relief din yun! lol

Misye: Ding, ang bato?! Hehehe.. Mare, hope you’re ok now.πŸ™‚

10 04 2008
Geisha

ayus na ‘ko mare….
nakakangiti na at nakakapag sipol na rin!
nakakasigaw na nga ako ng darna eh.. hehhehe
pero parang abstinence ako nito ng iilang linggo! lol

10 04 2008
islander

problemang puso ba ang topic dito?! isang shot lang ng tequila ayus na yan…
cheer up!!

11 04 2008
Ngiti « MissyMisyel

[…] ko sa huling post ko, na sigurado bukas lang ayos na ulit… Well, eto na nga yun! Yeheyyy! OK na ako, kagabi […]

2 03 2010
joh10

ang gnda ng post mu about luha! love it

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: