Aloha!

2 04 2008

Halos mag-iisang linggo na pala akong di nakapag-update ng mahal kong blog… Masyado lang akong naging busy kakalamon ko at paghanap ng solusyon kung paanong hindi tumaba habang panay ang kain, tsaka nagpunta kasi ako pansumandali sa planetang mars ng ilang araw. lolz!

Paganda na ng paganda ang panahon dito, naabot na din ng two digits ang weather sa wakas. Ilang linggo na lang pwede na magpaseksi ng damit kaya kailangan talaga ng diet. Kaso panay naman ang party dito kaya pano kaya ako makakapagdiet nito? Hmm, try ko talaga bawasan pagkain ko. Lately pa madalas akong antokin, kung may asawa lang ako iisipin ko ng preggy ako eh.

yakapNung weekend nagkita na kami ng friend ko na nagkaroon ng issue sa amin, naaalala mo ba ‘tong post kong CHUM? Oh well, after ilang linggo naglinaw din ang pagiisip nya at napagtanto niya na makipagusap na sa amin. Isang mainit na yakap ginawa namin nung magkita kami. Masaya ako na okay na ulit, sana tuloy-tuloy na ang naputol naming friendship. Weeee!

Nga pala, mahilig ka ba magshopping? Kung hindi at may control ka dito bigyan mo naman ako ng tip please…๐Ÿ’ก Kapag kasi nakatuntong ako sa mall para na akong kinukuryente, hindi pwedeng wala akong mabili kaya pag-uwi ko bawas na naman yung piggy bank ko, huhuhu! Sarap kasi mamili lalo na iba na naman damit na naglalabasan ngayon, kasi spring na. Ang hirap lang yung uso ngayon sa susunod na taon hindi na kaya ang nangyayari nasa tagaun na lang yung nabili mo at magwi-wish kana lang na sana eh maging in na ito ulit.

Sa mga dumadalaw sa site ko maski na hindi ko madalas ma-update, dakal pung salamat in tagalog marami pong salamat…the best talaga kayo!๐Ÿ˜‰


Mga Tugon

Information

14 responses

2 04 2008
Mix

Hindi ako magastos na tao pero I make sure na nagi-indulge ako sa kung ano mang bagay na gusto kong bilhin as a reward for myself pag may nagawa akong achievement.๐Ÿ™‚

Ang best tip para hindi ka magastos? Magdala lang ng sapat na pera, yung tipong pang gas, pang-kain, pang-sine at pang yosi lang. Iwasan din ang credit card. hehehe!

Pero kung hindi mo talaga makayanan? “GIVE IN” hahaha!

Misyel: Wala ngang dalang cash, pero madami namang atm machine na nagkalat hehehe… Hmmm, give in? Pwede, hahahha!

2 04 2008
madbong

hi misyel, musta na weather jan? sensya na di ko pa nagagawa yung tag mo kasi 1 week nang laglag yung broadband ko sa bahay. mayroon pang problema dun sa domain na gamit ko, mga post ko hindi lumalabas. haaay, pag inabot ka nga naman ng malas.

Misyel: Mauulan na ngayon dito, hindi na sobrang lamig tulad nung mga nakaraan. Ayos lang yung tungkol sa tag, naiintindihan ko po.๐Ÿ˜‰

2 04 2008
annemarie17

hi ms. misyel…mzta ka naman?

sorry di uso sa akin ang control sa shopping eh…unless wala akong pera, yan, shopping galore! “Tight Budget” lang ang nakakapigil sa shopping (pati na rin ang “house rent” hehehe๐Ÿ˜€ )

Misyel: Elow, eto mabuti naman. Salamat! Ikaw? Naku minsan maski dami binabayaran may mga nakakalusot pa din na nabibili, shopaholic dba? hehehe!

3 04 2008
koreanmine

sabi sau hire mo ko taga kain ng fud mo bilang diet mu eh๐Ÿ˜†

kaso di mo ko pwede kasama sa shopping, prehas tau mamamalimos pag uwi kc ala din akong kontrol! waaaaaaa

Misyel: Kapag hinire kita sisterrr sigurado hindi na ko makakapag shopping pa kasi mauubos na laman ng piggy bank ko hehehe! pamasahe pa lang talo na ako! lolz!

3 04 2008
jojie

dito summer na kafatid. uy! kumusta naman ang mga martians? hahahaha… welkam back dear.๐Ÿ˜‰

Misyel: Naku sarap na dyan pumunta sa mga beach. actually, dinalaw ko BF ko dun sis sobrang miss ko na kasi, hahaha!

3 04 2008
eloiski

ahay! hnd kasi ako mahilig magshopping eh! Lagi kasing nasaisip ko may balak pa ako bilhin kaya pinipigilan ko tlg sarili ko. O kaya minsan punta ng mall na walang dalang pera kung meron man pamasahe lang!!! hahahaha!!!
pagkain ang hilig ko kasi payatot ako!

Misyel: Kain lang ng kain para mag ka-laman pero wag sosobrahan ha.

3 04 2008
xienahgirl

oh wow
shopping shopping shopping
napakarelaxing

ang gawin mo
saktong pera lang
ang dalin mo
tuwing aalis ka
para di ka talaga
mapapagastos

odiba?
ewan ko na lang
kung gusto mo umuwi
ng walang pamasahe
hahaha

salamat sa pagpunta sa site๐Ÿ™‚

Misyel: Tama, mag window shop na lang tapos pauwi maglakad ng maalis ang bilbil sa katawan.๐Ÿ˜€

3 04 2008
Geisha

simple lang yan mare.. wag kang magdala ng cards or cash.. pag meron man yung tipong pamasahe lang. opsss mahilig ka pala lumamon these days.. wag kalimutang magdala ng pera pangkain na rin๐Ÿ˜†

di ako maka move on sa ganda mo๐Ÿ™‚

Misyel: Salamat sa advice mare, hahaha! Kung hindi ka makapag move on sa nakita mo lalo na ako!๐Ÿ™‚

3 04 2008
angel

nakow, sakit ko din yan.. yung hindi makakabili kapag nasa mall.. Hindi pwedeng walang bitbit.. Ahehehe.. Sarap kaya mag shopping.. Pero ako ginagawan ko ng paraan kapag ndi na uso.. Aba bahala na.. Ahehehe.

Hayyss dami talaga may problem ngayon sa weight.. At hindi ka nag-iisa ate… *hug* ako din..๐Ÿ˜ฆ

Misyel: Kailangan mag exercise na talaga tayo…

3 04 2008
lilmiz

ahehe wala akong magandang payo sa pagiging shopaholic.. kasi problema ko din yan! wahaha.. mahirap talaga magpigil๐Ÿ˜ฆ .. kaya wag ka na lang lumabas ng bahay ahaha๐Ÿ˜›

Misyel: Waaahhh! Hindi ko kaya magpaka mongha.๐Ÿ™‚

3 04 2008
Salve

dati akong impulsive buyer, nabawas-bawasan na ngayon. nililibot ko buong department store hanggang mapagod ako at ibabalik ko na lang yung napili klo sana na bibilhin. saka pinag-iisipan ko na talaga yung dapat kong bilhin.๐Ÿ˜€

Misyel: Ibig sabihin may control kana ngayon sis, I envy you! hehehe…

4 04 2008
Leila

Eating?! all you can eat is always around, different food from different places, as long as it satisfy your palate go ahead but as I told you before don’t forget to exercise – there are many ways to exercise!๐Ÿ™‚

Shopping?! Shop ’til you drop! I like that. But you can control it, think twice before you buy, you have lots of options … Save the money for the better future of you๐Ÿ˜‰ Ask yourself, DO I REALLY IT ? or I JUST IT!

from the shopaholic girl

Misyel: Ate, ikaw ba yan?!?๐Ÿ˜†

4 04 2008
Leila

correction sa advise :

ASK YOURSELF <do I really NEED it? or I just WANT it?

hehehe….

5 04 2008
paolo

regarding your shopping problem, limitahan mo kaya ang dala mong pera pag pupunta sa mall. =P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: