eighteen

27 03 2008

Kanina after kong maligo tsinek ko kung gaano na ako kabigat. Bigla akong napaisip….. Parang kailan lang na sa 112lbs ang timbang ko, ngayon 130lbs na.

eighteen.jpg

Whaat?!? Ganun ang bigat na nadagdag sa akin? Ang OA ko ahh, hehe at talagang mega lagay pa ng computation ano? hahaha! Oh well, panong hindi mananaba kain dito kain doon ang ginagawa ko. Alam ko matakaw akong tao at lalo ko pang napatunayan yan nung makarating ako dito sa bansa na may apat na season. Madalas akong sumabay sa papsy ko noon kapag kainan kasi malakas din syang kumain at sa tingin ko sa kanya ko yun na mana.🙂

Pansin ko lately lagi akong naghahanap ng makakain, ilang minuto lang pagkatapos ko mag-almusal, lunch or dinner hahanap na agad ako ng mangangata. Waahhh! Abnormal na ba ako? Juice ko poh! Wag naman sana akong matulad dito. From size 8 naging size 10 na ako ngayon, pwede ko pa naman isuot yung mga pants ko dati kaso para na akong suman at kailangan ko pang alisin sa pagkakabutones yung pants ko kapag nakaupo ako. Waaaahh ulit! Eto pa, nung umuwi ako last year tawag sa akin ng mga pinsan ko sa Pinas tabachingching, palibhasa sanay sila makita ako na payatot.

Sabagay madali lang naman akong pumayat eh kaso mahirap alisin yung mga bilbil na naipon sa may belly. Dati without the effort may nakikita akong abs na nakaporma sa tyan ko pero ngayon kailangan ko pang piliting huwag huminga para lang may makita akong singliit ng kasoy. lolz! Bakit kasi kailangan pang tumaba kapag masarap kang kumain?

Naglipana pa naman ang pwedeng makainan dito, iba’t-ibang klaseng buffet restaurant ang makikita mo Chinese, Thai food, Filipino, Indian, at marami pang iba… Sa lahat ng resto na napuntahan ko Japanese food ang the best para sa akin, tignan mo naman kasi:

jap-food.jpg

eto pa….

yummy.jpg

Yummy davah?!? Ngayon tanong ko paano ko iiwasan huwag kumain ng madami?


Mga Tugon

Information

28 responses

27 03 2008
manilenya

sasarap nyan ha..naku sis noong nasa singapore ako nag umpisang tumaba…yan din tukso sa kin nung umuwi ako ng pinas ang taba ko daw pero seksi pa rin hehehehehe yun nga lang talagang mataba lol…dun kasi talagang food hub ng Asia diba?

dito di ako makakain kasi liit lang ng lugar namin dito diba? wala akong makitang makainan kundi fast food saka di ako makagala para kumain

tara ng magbelly dancing ng pumayat tayo lol! me kotse ka naman diba? sunduin mo ko hehehehehe!

27 03 2008
linglingbells

pareho tayo! sobrang matakaw ako, kasi masarap naman talagang kumain.. hehe.. pero di ko masyado trip yung japanese food, mahilig ako sa mga creamy na pagkain kaya lalo akong tumataba.. buti ka pa, madali ka lang magpapapayat pero ako, whooo!!! hirap magpapayat.. never pang bumaba sa 120 pounds timbang ko.. pero okay lang, masarap namang kumain!

27 03 2008
repah

naku.. kiber ako kung tumba ako.. eh kasarap lahat nyan… penge naman…

27 03 2008
MARU

nakow! misyelpie, rendahan mo na ang bibig mo at baka mahirapan ka sa susunod na mga araw. lalo na ngayon naglipana ang mga seksing katawan…hindi mo maiiwasan talaga ang mainsecure pag nakikita sila.

28 03 2008
camilleeee

sarap naman ng mga yan, sis. di mo kelangan iwasan basta..
hinay hinay lng at timbang natin baka madagdagan naman.

agree ako kay ‘ling. ang hirap magpapayat susme.

28 03 2008
iris

ok lang yun no! eat what makes you happy. hehehe. ok nga ang japanese food buffet!

28 03 2008
miguel

40 na kayo ako ate… your still blessed! ideal weight ko ay 160, 200 lbs. nako. hehe…bakit lahat ng bawal masarap? (ang walang hiyang plug: thewordwarlock.wordpress.com.)

28 03 2008
wei vines

uhmm sabi nga nang classmate ko pagtapos ng sembreak namin:

“ang sarap maging baboy”…hehehe

28 03 2008
aga

tsibugan na….

28 03 2008
eNocH

mahilig din ako sa japanese foods..

P.S. lately lang ako natutong gumamit ng chopsticks!😆

Misyel: Buti ka pa marunong na… hahaha!

28 03 2008
lilmiz

ang sarap naman nyan mga pagkain! ahehe.. haay, ok lang yan sis, matangkad ka naman diba? ahehe di pa yan overweight😀 healthy pa hehe, wag lang pasobra😀 ako kelangan talaga mag-lose pero ang hirap😦

28 03 2008
islander2007

sarap naman tingnan…walang sushi?? heheh naghanap paborito ko kasi

Misyel: Meron po, hanapin mo lang maige dyan sa may bento box.🙂

29 03 2008
mousey

ay nakalimutan ko pala mag comment. dumalaw ako nung isang araw hehehe… nagutom kasi ako sa mga nakahanda dito at dali dali kong ni raid ang kusina namin.

basta pagkain forget ko lahat pati ang diyeta!

happy weekend sa iyo!

29 03 2008
kengkay

alam mo bang 6 kilos ang dinagdag ko when i got back from pinas, waaaaa😀 sarap kasi e

29 03 2008
Geisha

duhhh.. kakain ka at hindi mare mamamatay ka rin.. kaya kainin mo na lahat ng gusto mo!😆 (ang bad ko!)

mag gym ka na lang thereafter😀

29 03 2008
Leah

Naku…kelangan ng diet AT exercise!

30 03 2008
rhapsody

ako nung napunta naman sa disyerto eto from 45k naging 50 na… ang tawag na sa akin ng friend ko ay choi short for tabachoy daw. shado sila exagerated noh may mas matataba pa nga sa atin hahaha

30 03 2008
bluep

haha kapatid pag ganyan ba naman ulam eh magdadagdag ka talaga ng timbang LOL. buti ka nga 130 lang ako ata nasa 240 lbs na LOL. di ko na maihakbang paa ko at nag cra-crak yung sahig LOL

Happy week ahead of you.

30 03 2008
A (wo)man without paint is like food without salt « Jgsmart’s Geisha (gay-’sya) Diaries

[…] sessions. Ang pagiging adik ni Wei. Sana sabay kaming nag pot session! Di man lang ako niyaya! Ang pagtaas ng timbang ni Ate Misyel. Damot kasi. Di shini-share and foods nyang yummy sa mga gutom sa Africa.. hehehehe Ang pagiging […]

30 03 2008
Leila

eat lang ng eat basta don’t forget to exercise, (haha! nagsalita ang sis….)

31 03 2008
angel

bad trip talaga yung mga masasarap na foods.. bakit kasi nakakataba pa eh..😦

Diet na lang ulit ate.. Hehehe

1 04 2008
iya

yummy japanese food! beno beno bento boxes! wheee!

2 04 2008
Prinsipe ng Pangarap!

yun nga eh. sobrang hirap talagang magpapayat samantalang napakadalingtumba… lalo kung ayaw mo. wahhhhhhhhh!

2 04 2008
gabriel

hi, po hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you

http://flipclan.com/unang-pagtingin/

2 04 2008
Salve

parang ang sarap ng laman nung bento box a.😀

bawas na lang ng carbo misyel. saka exercise. nag-winter kasi at masarap kumain pag malamig di ba?😀

2 04 2008
eloiski

hays! Ako naman kain ng kain! Di pa rin tumataba! Leche! kawayan nga twag nila sa akin! AmP!

3 04 2008
koreanmine

pwede bang mag apply na tiga kain ng mga food mo? para ako na lang manaba😀 ang tatalap eh!!!!

21 11 2010
makita

sana makita na kita!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: