Pacquiao, wow!

17 03 2008

Muli napanood ko na naman laban ni Pacquiao last Saturday. Alas siyete ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga relatives and friends sa bahay ng pinsan ko. Syempre siksikan na naman kami sa sala at salamat na lang sa satellite nakanood ako ulit ng libre hahaha!

Na-practice ko na naman tumili na parang si Regine Velasquez nung gabing yun, buti na lang mahaba pasensya ng katabi ko at hindi ako nasampal.πŸ˜€ Aba, kada tama ata ni Manny sa kalaban maririnig mo sigawan namin, lalo na nung mapatumba niya si Marquez nung round 3.

pacquiao vs marquez

Sayang nga lang at hindi natapos yung pag record ng pinsan ko dun sa laban nila, di ko tuloy ma-ishare doon sa mga hindi nakapanood. Buti na lang may youtube at eto nahagilap ko dito sa net baka gusto niyo panoorin ulit ng mabilisan.

Galing talaga ni Pacman! Sulit puyat ko at pag-uwi ko may 50 pesos (charing!) pa ako mula sa asawa ng pinsan ko, yuhuuuu!:mrgreen:


Mga Tugon

Information

14 responses

17 03 2008
randomdemeanor

sana naman ako ang una matapos mag type ng comment kong to…ahehehe!

para sa kin, hindi ako nakontento sa laban nya kasi konti lng ang lamang nya kay marquez….para bang di nya nameet ang expectations ko at ng ibang nag-e-expect nag mas maganda pa…tsk tsk tsk

pero sure ako…dadami na naman ang chix nya!!! bwahahaah!!

Misyel: Yehey, ikaw nga ang una at buti na lang di huli hahaha! Salamat sa comment sistah! Di din ako kuntento sa laban nya ngayon, unlike nung mga nakaraan. Sabi nga nila kung hindi nya daw siguro napatumba si Marquez nung 3rd round baka natalo pa sya, buti na lang talaga. Sigurado dami na nag-aabang na chix na naman.πŸ˜€

17 03 2008
randomdemeanor

yey!!! una ako!!! yey!! mababaw talaga kaligayahan ko!! yey!!

17 03 2008
madbong

yehey pang dalawampu’t siyam ako…. este pang dalawa ba? (sori random couldn’t resist hehe, peace tayo ha)

misyel wala na yung vid dun sa link mo saka sa youtube huhuhu. dito naman kasi sa nz hindi mo mapapanood ito pwera na lang kung magpakabit ng cable na pagkamahalmahal

Misyel: Pang 29 huh, hahahha! Aywis! Bakit ganun, dito nakikita ko pa din naman yung link? Hmmm, di kaya may naharang sa connection mo dyan? Esep-esep!πŸ˜†

17 03 2008
madbong

ay tange pala ako, nasa baba pala hehehe. di ako nagpagedown. tnxs

18 03 2008
foobarph

kung sa akin ka uuwi, hindi lang 50 pesos bibigay ko sayo. *wink wink*

pero honestly, parang may kulang sa laban ni pacman. but at least he won and im proud of him as well.

tc!

PLUG: hi guys! marami na naman pong mga bagong postings ang TOP! medyo late ang amin release lately pero i think kahit papaano nakabawi naman kami. nga pala, we need graphic artist and beta reader for TOP. kung may kakilala kayo, feel free to drop by at http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/ – thanks!

Misyel: Uhmm, mga magkano kaya? Give me figures para makapag-empake na ako hahaha!

18 03 2008
miguel

the “business” is not finished yet. Makakatulog si Marquez ng mahimbing kasi alam niya panalo siya. Nakakalungkot isipin na si Manny ay kontento sa pagkapanalo niya. Para na siyang businessman ngayon instead of a warrior. (Yun ang tingin ko ha). Napabagsak man si Marquez pero tumayo ulit ito at lumaban. Well, we know who is the better man right? Parang wala yung pride sa pagkapanalo niya.

Misyel: May tama ka nga dyan bro! Hindi ganun kagaling pagkapanalo nya, tyamba lang kaya yun? Hmmm…. Salamat nga pala sa daan. May blog ka ba? Pasyalan ko sana.πŸ™‚

18 03 2008
Nika Catbagan

wahaha. yun dorm nga ng sis ko umaalog dahil sa talon ng mga tao. wehehee. wala muna umihi hanggang matapos yun laban. hehe.

Misyel: Naku parang sa amin pala, as in ayaw magsitayuan sa upuan kasi baka pagbalik eh wala ka ng pwesto hahaha!

18 03 2008
linglingbells

at may pustahan pang naganap.. hehe!

Misyel: Hehehe! Buti na lang talaga at napatumba nya kalaban kundi yari 50pesos ko.πŸ˜†

18 03 2008
lilmiz

ahaha may pustahan pa.. balato naman! ahehe.. before pa pinakita sa tv, lam ko na resulta ng laban nila, andaming spoilers nagtetext/tumatawag! buti na lang din kasi mga 48 hours inabot ng laban eh hahah di ko na pinanoodπŸ˜€ .. ay sis, me tag ako sayo ahπŸ˜€

Misyel: Parang ako tinext ko agad sa dad ko, kaya wala ng excitement for him hahaha! Nga pala wala na panalo ko, nadale na ng isa kong pinsan huhuhu! Sige chek ko yung tag sis, thanks ha!πŸ™‚

18 03 2008
islander2007

salamat sa visit ha…pwd exchange link tayo…na i-add na kita.

regarding sa laban, i will not agree na dapat panalo si Marquez dun..siguro kung draw mas ok pa. knocking him down counts a lot kaya mas lamang si Manny ng one point.

Misyel: Thanks sa pag add, sama na din kita sa blogroll ko yehey!πŸ™‚

19 03 2008
repah

ay naku alam mo b sis.. umaapila pa nga c marques dahil sa pagkapanalo ni paquiao.. well gudluck na lng kay morales… c paquiao ang nanalo.. aww!

Misyel: Naapila? Baka upakan ko pa sya! hahahah!

19 03 2008
ana_banana

well it’s an honor pa rin for our country kahit maraming objections sa pagkapanalo nya…

thnks for visiting my blog!! pkilink n lng po.

Misyel: Na-add na po kita.πŸ˜‰

19 03 2008
koreanmine

tili na mala regine, hanef ahπŸ˜€ dpt sau nsa ringsyd pala para mataranta kalaban ni pacmanπŸ˜€

Misyel: Baka tili mala Pavarotti na ko nun, hehehe!

21 03 2008
Maldito

sana kaw nalang kumanta ng lupang hinirang..mala regine ka pala misyel..wahahhaa…have a blessed hole week!

Misyel: Di bale sa susunod na laban na lang ulit ni Paquiao, yun eh kung payagan akong tumuntong ng ring hahaha! Have a blessed holy week too!πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: