Our Keng

13 03 2008

Akala ko noon di na kami madaragdagan pa ni Charunggati, ngunit makalipas ang siyam na taon nagwakas din ang pagiging bunso ni Charung.

Saya ng naidulot mo sa amin lalo na kila papsy at mamsy, biruin mo may unico hijo na sila. Dahil sa kaisa-isang lalaki sa pamilya saksi ako kung paano kang alagaan nila mama at hanggang ngayon ganun pa din sila sa’yo. Mapalad talaga tayo sa mga magulang, tenk yu po Lord! Sana lang wag masyadong matigas ang ulo at makinig sa matatanda, toinks!

Di ko na halos maalala pa kung pano kita inalagaan nung mga panahon na yun o inalagaan nga ba kita? Kasi naman puro paglalaro sa kalsada ang inaatupag ko nun.

Basta ang naaalala ko lang naging makulay ang paligid ng pamilya nung dumating ka sa amin… Maraming beses din na sobrang naging proud ako sa mga achievements mo at sa mga sinalihan mong talent show. Ilang ngiti at palakpak din ang naisukli ko sa mga iyon. Hanggang ngayon proud pa din ako sa mga ilang balita na natatanggap ko mula kina mama.

Hindi ko malilimutan yung matagal na panahon na pagsi-share natin sa iisang kwarto at gusto kong malaman mo na hinahanap-hanap ko yung bonding moment natin nung mga unang taon ko dito sa Toronto. Yung amoy mo at landian natin paminsan-minsan bago matulog. Ang sandamukal mong kalat at no choice ako kundi ligpitin yun. Ang mga kolorete at gamit mo sa katawan. Yung pangangalikot mo sa mga gamit ko, aba nami-miss ko din yan! Ang mga sikreto ko at sikreto mo na binabahagi natin sa isa’t-isa.

Kaya sobrang saya ko talaga nung unang gabi na nakatabi kita nung umuwi ako nung isang taon. Kahit na sobrang antok na ako nun, pinilit kong makinig sa mga kwento mo na pinanabikan kong marinig at malaman. Kailan kaya yun mauulit? *I wish malapit na!

Salamat at nasasabi mo sa akin ang halos lahat-lahat ng nangyayari sa buhay mo. Lalo na ang pinaka sikreto mo na sa akin mo unang nasabi, ang pagiging brader to impaktitang dyosa, hahaha! Di ko na i-elaborate pa yan dito, bahala na kayong mga nakakabasa kung ano pagkakaintindi nyo dyan.๐Ÿ˜›

Sana lang masaya ka sa mga ginagawa mo at panalangin ko na lagi kang safe sa bawat labas mo. Kahit na ano pang sabihin ng iba, saludo ako sa’yo! I’m so grateful having you in my life!

Isang mainit na yakap para sa’yo at gusto kong malaman mo na labs na labs ka ni ate…

Happy Birthday KENG!


Mga Tugon

Information

14 responses

13 03 2008
koreanmine

uuuy, makiki hapi bday!๐Ÿ˜€

mejo slyt naguguluhan lang ako pero xa, cge, keri๐Ÿ˜€

hapi bertdey uli!๐Ÿ˜€

Misyel: Chori sister, magulo talaga ako minsan hahaha! Kung gusto mo maunawaan sinasabi ko visit mo site na impaktitangdyosa, hehe… Salamat sa pagbati!๐Ÿ™‚

13 03 2008
Geisha

bait mo naman atehh๐Ÿ˜€

sana naging ate din kita๐Ÿ˜†

may assignment ako.. blogreading..heheheh๐Ÿ˜€

Misyel: Sana nga ano? Sobrang saya na siguro ng pamilya nito! Uyy ako nakibasa na sa blog mo ha at bumisita na din sa mga blogmates. hahaha!

13 03 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

salamat sa pagdalaw sa barracks ko..cute ng pics..kainggit..

links links tau..ok lang?

Misyel: Walang anuman. Thanks sa comment. Sure exchange link tayo!๐Ÿ˜‰

13 03 2008
randomdemeanor

huwaw!! bipertdey Keng ah! saan ang chibogs?…hhaha.

ang daming nagbi-bertday ngayon….di ba ‘Buffalu sundalo”? ahehehe…

bukas na bukas din, sasabihin ko sa nanay ko na bertday ko na!!! haha!
ang tagal pa ng bertdi ko yu

14 03 2008
Jeckass

huli na yata ako. makikibertdey na rin ako..haha.
hapi bertdey, keng! hahahaha

ang saya siguro kung naging ate rin kita..hehehe

14 03 2008
angel

wow sweet mo naman.. Hehe wala akong ate kaya makiki ate na rin ako.. hehe๐Ÿ˜€

14 03 2008
matt

Makiki-Greet narin po ako… Happy Birthday din… Napaka-maalagain palang Ate… Ang swerte naman ni Bunso at may Ate syang kagaya ni Michelle…

15 03 2008
lilmiz

pwede pa ba bumati? ahehe.. HAPPY BIRTHDAY KENG!!!๐Ÿ˜€ .. sana matupad lahat ng pangarap mo sa buhay๐Ÿ™‚ .. naks, parang close kami no haha.. at congrats sayo sis sa pagiging mabuti na ate๐Ÿ˜€ (hirap maging ate kaya๐Ÿ™‚ )

16 03 2008
jojie

ansaya ng fikture sis! Happy birthday kay keng.๐Ÿ˜€

16 03 2008
manilenya

Happy Birthday kay Keng, naku naalala ko yung bunsong kapatid ko na 7 years younger sa kin…dati rati tinatakot ko pa yung kapag umaarte kunwari ako na mamamatay tapos iiyak sya….pag maganda ang mood namin pareho lalambi-lambitin pa sya sa bewang ko (high school ako nun)
tapos nung nagcollege ako inis na inis ako sa kanya, pinalo ko ng hanger kasi ayaw sumunod sa kin…sama ng tingin nya sa kin, naalala ko ngekkkk!!! 2nd year high school na pala sya, dalaga na lol!

17 03 2008
Rhapsody

hapy bday sa sis ay brader mo heheeh…. i can read between the lines…๐Ÿ˜€ saludo ako sayo kasi understanding na sister ka.

17 03 2008
virus ni random « c.a.m.’s

[…] ro..buff pla. (oist, matuto ka nang magTAG ngayon) menggay repah misyel […]

18 03 2008
MisyeL

Thanks po sa lahat ng bumati sa sissy ko este sa bro ko, treat nya daw kayo kapag nakipag EB kayo sa kanya, hehehe!

18 03 2008
impaktitang dyosa

awwwwwwwwwwwwwwwwww…. i almost burst into tears! lab na lab talga kta teh! kainis ka!

haha

thanks for being there for me.. yuck parang nagtetesti naman ako dito.. hhehe sayang at wala ka nung party ko! pero dnt worry knantahan kita nung paborito mong ” atin ko pung singsing” ! hahahaa

please take care of yourself and dont ever change. your lifes greatest gift to me. mwuah!๐Ÿ™‚

p.s
ano tong pinagkakalat mo na manlilibre ako sa EB? hahaha go! at padalhan mo ko ng panlibre ko! mwuah!๐Ÿ™‚ dnt forget my mac lipstick.๐Ÿ™‚

Misyel: Lipstick lang pala eh! Sige kapag may umuwi dito, hehe! Miss na kita. Ingat ka lagi. Mwahugz!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: