enap!

9 03 2008

Sobra na, tama na, tigilan nyo na po ang pagbuhos ng niyebe!!!!!

snowstorm.jpgMalapit na ang spring pero ayaw pa din kami lubayan ng snow… Okay naman sana eh,snowstorm.jpgsnowstorm.jpg kung paunti-unti lang kaso sumusobra na talaga. Hindi naman ganito nung mga nakaraang taon, naalala ko last year ganitong buwan ok na panahon. Ngayon? Waaahh, ilang araw na lang paskates.jpgskates.jpgra mag spring may snowstorm pa din!

Dahil dyan nasisira yung mga lakad namin (sisihin daw ba ang kalikasan? hehe!), syempre sino ba naman lalabas na sandamakmak ang niyebe sa kalsada?! Plus isama mo pa yung super lamig na dulot ng panahon. Minsan nakakapagod na din yung magsuot ka ng patong-patong na damit para lang umiwas sa sakit at lamig. Kailangan maglaan ka ng tamang oras para lang sa isusuot mo. One time nagtapang-tapangan ako, sabi ko sa sarili ko di ko na kailangan ng mga scarf scarf na yan at patong na mga sweater. Ayun, anak ng tinola ilang araw lang may sakit na ako. Akala ko kasi super hero ako na di na tinatablan ng lamig, hehehe!

skates.jpgSa atin noon, ayaw ko kapag naulan kasi hirap ako maglakad sa kalsada na may mga putik kasi siguradong pag-uwi ko ng bahay super dumi na ng suot kong sapatos. Ngayon naman hindi na yun ang kalaban ko, kundi mga frozen snow na nagkalat sa daan. Ilang beses na din akong muntik madulas at mag-ala Miriam Quiambao sa kalsada. Kung ayos lang sanang naka-ice skates ako kapag nalabas, eh ang kaso maski pwede di ako marunong gumamit nyan, nyahahaha!

Madalas pa dumating ngayon si sadness sa akin, dala na din siguro ng klima namin. Madaming tao din ang tinatamaan ng sakit na depression kapag winter at ang malungkot nito marami din ang nadidisgrasya dahil dito.

Teka bakit ba ko nag-iinarte ng ganito ngayon? Hmmp, makagawa nga muna ng halo-halo!๐Ÿ˜€


Mga Tugon

Information

10 responses

11 03 2008
madbong

sa pics mo pa lang ay giniginaw na ako brrrrrrrrrrr.

11 03 2008
LittleSis

Ako, wish ko lang umulan ng yelo dito. Then I’ll go out and frolic in the snow habang kumakain ng halo-halo hehehe.

11 03 2008
Mix

Hay naku, global warming effect talaga, abangan natin yung polar shift sa 2012… siguradong mas malupit yun… hehehe!

12 03 2008
karmi

grabe nga naman yang snow na yan.. picture pa lang, nilalamig na ako…

oo nga, spring na ahh, pero may snow pa rin.. tsktsktsk..

hahha, korak ganda, gawa ka na lng ng halo-halo tapos padala mo po sa akin dito sa Texas..๐Ÿ˜€

12 03 2008
lilmiz

gusto ko ng snow! pahingi! hahah๐Ÿ˜€

12 03 2008
randomdemeanor

wui…batuhin mo kami ng snow dito!!!! ang init dito sa pinas!!! para kang nilelechon!!! hahah…penge halo halo…ang mahal ng halo halo dito..buti jan, ice palng libre na!!!

12 03 2008
brath

dito naman samin tumigil na yung pag snow at maganda na ang panahon, di ganun ka lamig gaya nung winter….

xiao!

13 03 2008
koreanmine

yan ganyan nga!๐Ÿ˜€

sabi daw..
wen life gives u lemons, make lemonade..
so sa snow, go ahead and make some halo halo! Lols๐Ÿ˜†
tc sa snow๐Ÿ™‚

13 03 2008
bluep

ibang klase ano, Marso na winter pa rin. dapat simula na ng spring ngayon. dito sa pinas araw araw naulan, nitong 3 days lang dumerecho ang init. sabi ni kuya kim magtatagal pa daw ito the whole summer. kaya siguro 3 years from now, ang summer dito sa pinas ay june to september na din.

14 03 2008
MARU

di ako pwede sa bansang kinaroroonan mo. laging titigas nips ko jan. bwahaha! pang tropical country lang talaga ako. summer na summer na nga dito sa bansa ko. sarap na mag halo-halo.๐Ÿ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: