chatting

3 03 2008

chatroom.gifTrip ko noon kapag wala akong magawa at makausap papasok ako sa isang chat room at maghahanap ng kabalitaktakan. Iba’t-ibang klaseng tao ang mai-encounter mo dito… May mga mababait, totoong tao, masarap kausap, sinungaling, mapagkunwari, bastos, mild na bastos at sobrang bastos! Siguro sa sampung makakachat mo eh, dalawa lang ang okay pero infairness may ilan din akong naging kaibigan mula sa ganitong klaseng pakikipag-usap.

Matagal na din akong di napunta sa isang chat room, kaso dahil sa sobrang bored ko nung isang araw nagsubok akong makipagchitchat muli. May ilan akong nakausap at share ko lang sa inyo ‘tong usapan namin ng isa kong nakachat:

ka-chat (2/26/2008 2:31:32 PM): pwede ko ba sabihin na mahal kita
Ako(2/26/2008 2:32:20 PM): hahaha
ka-chat (2/26/2008 2:32:26 PM): bakit
Ako (2/26/2008 2:32:32 PM): eh kasi kakatuwa ka naman
Ako (2/26/2008 2:32:37 PM): ngayon lang tayo nagchat eh

ka-chat (2/26/2008 2:32:41 PM): masama ba mitch
ka-chat (2/26/2008 2:32:55 PM): wala naman problema
ka-chat (2/26/2008 2:33:01 PM): nasabi ko lng un
ka-chat (2/26/2008 2:33:08 PM): humanga ako sa iyo
ka-chat (2/26/2008 2:33:14 PM): at nainlove
ka-chat (2/26/2008 2:33:18 PM): sa ganda mo
ka-chat (2/26/2008 2:33:28 PM): d naman masama dba?
Ako (2/26/2008 2:33:35 PM): hmm ok
ka-chat (2/26/2008 2:33:35 PM): so hayaan mo ko
ka-chat (2/26/2008 2:33:59 PM): sige na ingat ka ha mahal kita
ka-chat (2/26/2008 2:34:11 PM): salamat nakilala kita
ka-chat (2/26/2008 2:34:29 PM): bye 4 now hope to see u soon

Ano sa tingin niyo maniniwala ba ako?!?

Hayyy, ayoko na talaga pumasok sa mga chat room na yan. Wala talagang buting maidudulot, puro kalokohan!


Mga Tugon

Information

22 responses

3 03 2008
Leah

Sige ka, baka mauto ka ng mga yan. Pero ayos sa hirit yan ah. Magaling ang diskarte.

Misyel: Naku ate, isa lang naman ang nakapagpauto sa akin at kilala mo siguro yun hahaha!

3 03 2008
madbong23

ako din pwede bang sabihin na ay labs yu? sa tagalog pautang. hehehe

pero siryusli, wag kang mapapaniwala sa mga kumag na yan, masama motibo nyan.

Misyel: Naku chori po, ay heyt yu eh! meaning -wala akong pera hahah! Salamat sa advice, naku di naman ako napatol sa mga ganyang usapan.

3 03 2008
camilleeee

pag ganyan ang hirit at kaka kilala nyo pa lang. di nga dapat paniwalaan yan.

tambay din ako sa mga chatrums dati, daming ‘players’ dun at kung di talaga maingat, mabibiktima ka talaga sa mga kalokohan nila.

Misyel: Bolero dba? Buti na lang di ako nagpapauto sa chat lang, sa personal baka pa, hahaha!

3 03 2008
iris

napaka-in-your-face naman niyang ka-chat mo. hehehe. di naman sya mashadong bolero ano?πŸ™‚

by the way, i just transfered to http://www.naptimerocks.com. pa-update naman ng link ko, please?πŸ™‚ if you have already, super thanks!

Misyel: Done sis! Hay naku, tungkol sa nakachat ko as if naman engots ako na papatol sa kanya.

4 03 2008
thelostme

ang kulit nun ah… hahah… ayos!… paawa epek…

Misyel: Ibang klase ano? Hayyzz. Salamat pala sa pagdaan!πŸ™‚

4 03 2008
Maldito

ang bilig ni tatang…mabilis pa sa kidlat…lols….walasti!k!

Misyel: Yan yung mga tipo na ini-ignore agad sa chat! hehehe!

4 03 2008
wei vines

hmm…pustahan pag kaharap mo na malalaman mo na kung nanloloko yan o hindiπŸ˜†

Misyel: Korek, sa personal magkaka-alaman na talaga. Baka napuwing lang siya at nasabi nya yan, nyahahaha!

4 03 2008
watson

ang cool naman ng post mo na ito. Short and simple, pero natawa ako. Grabeng pambobola yun ah, to the highest level. hehehe!

Misyel: To the highest level talaga, nagulantang nga ako kaya naiblog ko bigla hahaha!

4 03 2008
Jon Cabron

ganyan ang diskarte ko pag gusto ko na ka cybersex… kaya wag kang papabola dyan.

oo nga pala, pwede ka bang mahalin?

Misyel: Hahaha! Iba ka talaga Mang Jon!πŸ™‚

4 03 2008
brath

shaks nung nabsa ko to naisip ko na parang si cabron kausap mo!! nyahahaha

xioa!

Misyel: pareho ba sila ng mga linya? hahaha! Mang Jon, peace po!

4 03 2008
foobarph

bulag yun. ^^

Misyel: Baka nga, nangangapa lang ng keyboard ano? hehe!

4 03 2008
MARU

nyahaha! kung sa akin yan….hindi na aabot na makakapag paalam pa sa akin ang ka-chat ko.

dito pa lang…..
“ka-chat (2/26/2008 2:31:32 PM): pwede ko ba sabihin na mahal kita”

nag disappearing act na ako agad sa ganyan. maliwanag pa sa 1000 watts na bombilya na nang uuto ang mga ganyan hirit kaya ensigueda…iniiwan ko na!

Misyel: Ahehehe! Ms Maru, actually mahaba na chat namin nyan kasi may tinanong siya abt dito sa Canada. Kakagulat lang kasi nung matatapos na usapan namin tsaka sya nagbitaw ng mga ganyang linya, syaks!πŸ˜€

4 03 2008
karmi

aus ah. kilala mo ba yang ka-chat mo ganda? kaloka.. hehehe.. mahal ka na daw nya..

Misyel: Hindi nga eh, baka ako kilala na nya ng matagal hahaha!

4 03 2008
repah

aba.. kakalerkey naman yan.. hala.. kya di ako pumapasok sa chatroom kase my mga sapak yung ibang tao dun.. hehe goodluck na lng sa knya.. hehe

MisyeL: Yan tuloy na i-topic ko sya dito sa blog ko, nyahahah!

4 03 2008
gasti

hahaha! natawa ako sa comment ni jon…langya!

eh obvious naman na isang malaking bolahan ng bingo yung chatrum eh…wala ka talagang mapapala sa mga kausap mo run kaya tingilan ko na. uy marami rin ang babaeng pumapatol sa ganyang banat…nasa diskarte yan..depende sa level ng kalibugan ng kausap mo.πŸ˜€

ingat ka na lang sa susunod.

Misyel: Naku, wala na pong susunod kasi huli na talaga yun. Sayang lang oras ko. Buti pa magbasa na lang ako ng mga entry ninyo.πŸ˜‰

4 03 2008
wewillgetbywithasmile

lakas naman niyan. ^^
mayroong mga babae na ganyan rin, pero iba yung approach nila.
-_-

Misyel: Uyy, may experience sa chatting! Share naman dyan!

5 03 2008
koreanmine

hehe kumbaga isa ka pa ngang newbie sa chatworld ijaπŸ˜€
la pogipoints mga ganyan nu?

pero empre, d ko pwede itakwil ang chat, kc pde ka nmn tlga makatisod ng totoo (wish q langπŸ˜€ ) ok lang pampalipas oras.. just be wiseπŸ˜€

Misyel: Ija? Ngeee.. baka mas matanda pa ako sa iyo, nyahaha!

5 03 2008
A Z R A E L

aaminin ko na misyel…

ako yan eh.. so ano na? tayo na ha?

wahahahaha!

Misyel: Hmmm, ganun pala itsura mo Az? hehehe! Pagiisipan ko muna. hahaha!

5 03 2008
lilmiz

ahaha style nya bulok lolz.. syempre, wag ka maniwala nyan sisπŸ˜€ .. pero baka nga naman totoong mahal ka nya no? hmm ahahah joke kaloka.. ako dati, pag nasa mood ako, sinasakyan ko mga yan tapos pag napaniwala ko na, ignore for life na o di kaya sasabihin ko na lalaki ako ahaha.. sarap pagpraktisan ng mga kalokohan mga yan, kala nila sila lang marunong? lolz!

Misyel: Sana nga sinabi ko juding ako, nagpanggap lang na isang babae. lols!

5 03 2008
rHo

ay mega naman sa over yan!! kaloka… halatang-halatang nangti-trip lang noh??? nako… maraming mga ganyan ang style sa chat kaya wag papaloko! hehehehe…. kakaiba sila! susmeeee…

OFF TOPIC: kamusta ka na??? ang tagal kong nawala! hahahaha! aymissshuuu… ingatz ka lagi en God bless!

Misyel: Naku di talaga papaloko sis! Uyy, namiss din kita ha. OK naman ako, ganun pa din. Later papasyalan ko bahay mo, miss ko na mga post mong sarap basahin. Ingat ka din Rho! mwahugz!

10 03 2008
trishie

napadaan lang ako.πŸ˜€
hayy. yung mga tipong ganyan sa CHAT, super laganap na.
swerte na nga lang kung ganyan yung tipong nasasalubong mo
sa chatroom kesa naman eh yung unang message na mababasa mo
eh.. “Virgin ka pa ba?!”, “SEB tayo”… at kung anu-ano pang kachuvahan.
hehe. na-addict rin ako sa chat dati, pero parang nakakawalang gana na
kapag kadalasan eh mga bastos ang pinag-uusapanπŸ™‚
nice posts po. keep it up.πŸ˜€

Misyel: Salamat sa daan sis at sa compliment!πŸ˜‰

17 03 2008
Rhapsody

daming manloloko sa chat… mas maigi pa noon nung college days ko pa lang madami pang makikilala na totoong tao at hindi bastos. at walang masamang intensyon. pero ngayon dapat na munang pag-isipan ng mabuti…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: