pers taym

26 02 2008

PhotobucketIlang taon na din ako dito sa Canada pero ni isang beses di pa ako nakapasok ng bar para gumimik…. Once sumubok kami ng friends ko kaso umatras kami kasi di naman kami prepared that time, bigla kaming nadyahe sa get-up ng mga nakita namin papasok ng bar.

Until two weeks ago nagyaya cousin ko sa isang gimik bar sa may downtown. Tutugtog daw yung banda ng officemate niya, baka lang daw gusto naming sumama ng friend ko. Eh since wala naman kaming lakad that night go ever kami sa invitation ng pinsan ko. Isang videoke bar na may live band yung pinuntahan namin at ang nakakatuwa, isa itong Filipino bar.

Pagpasok mo ang makikita mo puro mga Pinoy at Pinay pero may mga foreigner din naman. Parang nasa Pinas lang ako that time, sobrang miss ko na ang gimik sa atin kaya saya ko nung gumimik kami nung gabing yun.

Bago tumugtog yung band at kapag break nila pwede kang maki-videoke. Yung pinsan ko madalas na doon kaya sanay na, pag-upo pa lang namin hiningi niya na yung song list para pumili ng kakantahin niya and after niya makapili pinasa sa akin, dyusme kakanta daw ako! Dahil sa tingin niyang parang tigre napilitan akong pumili ng kakantahin ko.

My golly pers taym kong kakanta sa ganung bar, halos manginig buo kong katawan nun sa nerbiyos. Oo, nakatanta ako pero kadalasan sa banyo lang at kapag party party lang namin. Ngunit dahil na rin sa takot ko sa pinsan ko na baka magalit eh napakanta si ako. Ahahay, shy tayp ako nun kaya nung time ko na to sing tinalikuran ko talaga ang audience at dun ako pumwesto sa side lang. Buti na lang fafabol yung katabi kong Pinoy while singing kaya medyo nawala yung kaba ko, pagtapos kong kumanta mega palakpak pa siya hehehe!

Bumalik naman sa normal yung hininga ko after kong kantahin yung song na Breathe Again.πŸ™‚ Hayy, what a great experience!


Mga Tugon

Information

19 responses

26 02 2008
dakilang tambay

mahilig din ako mgvideoke. actually may sarili kaming videoke sa bahay. hahaπŸ™‚ as in videoke talaga hindi magic or extreme magic sing. haha.

nature na ng pinoy ang pagkanta at pagkahilig sa music

Misyel: Naku dito kahit saan ka magpunta basta noypi may videoke or magic sing sa bahay, di na talaga maalis sa atin ang pagkanta. Salamat pala sa dalaw,balik ka ha!πŸ˜‰

26 02 2008
foobarph

wow! at least ngayon… pwede ka ng yayain para magkaruon ng 2nd… 3rd… up to forever nth time sa bar? ahehe!

plug: guys! available na yung kabanata 4 sa walang paglagyan series! feel free to bash in! http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/02/23/kabanata-4-walang-paglagyan/ (hehe, binago ko na rin yung header, lolz!)

Misyel: Anong pwedeng yayain? Eh nung 2nd time na balik namin dun, di na ko napakanta ng pinsan ko. Yoko nga maramdaman ulit yung naramdaman ko nung gabing yun, nyay!

27 02 2008
NJ

go girl!!! pampakuha rin ng stress yan!πŸ™‚ or baka pampadagdag hahaha… pero di ba… nakaya mo eh! next time sama tayo hahahaa… pero sintonado ako eh!

Misyel: You mean pang paalis? hehehe! Sige next time pag napasyal ka dito or ako dyan sa inyo videoke bar tayo!πŸ™‚

27 02 2008
linglingbells

mahilig din ako magvideoke… pero walang hilig sakin ang videoke!

Misyel: Ok lang yan, di ka naman nag-iisa. hihihi!πŸ™‚

27 02 2008
repah

aba.. dapat isinama mo ako ng di ka kbahan para may bakup ka kung skaling pipiyok.. hehehe.. sarap magvideoke

Misyel: Hmm, siguro panalo ang boses mo ano? Songer! hehe.. Sige pag-umuwi ako dyan yayayain kita ha.

27 02 2008
iris

buti hindi ka lalong kinabahan dahil cute yung katabi mo?πŸ™‚ kung ako yon sguro natunaw na ako sa hiya. hehe.

Misyel: Ewan ko ba baliktad eh, instead na kabahan ginanahan pa talaga ako hahaha!

27 02 2008
randomdemeanor

tama nga yung kinanta mo !! hahaha..Breathe again…kasi, ang hirap kaya huminga pag kinabahan ka!!! hahaha!!

buti nama’t di nanginig ang vibrato mo..nyahaeheheh

Misyel: Naku anong hindi nanginig? Eh di ko nga makontrol kahit na anong gawin ko, sabi ng mga kasama ko ok naman daw kaso halatang kinakabahan talaga ako.

28 02 2008
becky

i tried singing din s harap ng mdaming tao… worst mga kamaganak ko p un so dpat ok lang db? kaso nde… umiyak me after kong kumanta hahahaha… dyahe tlga… tawa cla ng tawa skin..

but im envy syo kasi ngawa mo un in diff country pa db?!!! astig!! clap clap clap for being brave… ^^

Misyel: baka napaiyak ka lang sa kinanta mo… thanks sa palakpak ha kahit na napilitan lang talaga ako nun, di ako matapang hehe!

28 02 2008
camilleeee

naku, sa umpisa lng yang kaba. pag medyo relaks kna, di mo na mamalayan, patapos na ang kanta.

nag’kalat’ ako minsan kaya nalaman ko to. waaaaa

pero di ba sis, enjoy namanπŸ˜‰ (kahit nangangatog ang tuhod on stage)πŸ˜€

Misyel: After nung kanta natuwa ako kasi por d pers taym nagawa ko yun sa maraming tao, para bang mission accomplished!πŸ˜€

28 02 2008
Rhapsody

ako mahilig kumanta pero kapag sa videoke bar na wala na.. pang background lang ako kasi walang lalabas na boses sa akin kahit pa sumigaw ako hahaha

Misyel: Naku sis pareho lang tayo pang background. Wala lang talaga ako nagawa nun.

28 02 2008
koreanmine

huwaw, talap talap ano? kmi din ng mga frenships ko d2, minsan napapa inom para lang maka kanta! lolsπŸ˜† wannabes ngaπŸ˜€

bk madiskober ka haπŸ˜€

Misyel: Aysus, madiskober para tumulong magpaalis ng masamang espiritu? hehehe!

28 02 2008
karmi

wow ate, di ko pa rin nasusubukang kumanta sa harap ng mga taong di ko kakilala.. =) nice, ang galing mo naman..

sabi ng barkada ko, paguwi ko daw ng June, videoke daw kami! ^_^ cant wait..

Misyel: Wow, uuwi ka pala ng June. Sama ako! hehehe.. I’m sure mageenjoy ka dun, practice kana dapat ngayon pa lang kumanta para taob lahat sila sa boses mo.πŸ™‚

28 02 2008
joy

Wow naman ang saya niyan! Enjoy ka ba? At mauulit ba ang iyong concert?πŸ˜€

joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo

Misyel: Nag-enjoy naman ako kahit nanginig buo kong katawan nun, di ko lang sigurado kung kaya ko pang ulitin yun.πŸ™‚

28 02 2008
kikaymatsing

Hay sis! I like ha! I like your courage na kumanta sa harap ng crowd! Ako wala akong lakas ng loob na mag-ganyan you know.

Greetings sa lahat ng ating mga kababayan sa Canada. Oo yun nga sabi nila iba talaga pag nasa ibang bansa ka, homesick. *hug*

Misyel: Napilitan lang talaga ako, hahaha! Salamat sa daan sis, hope this won’t be the last.πŸ˜‰

29 02 2008
tangerinelullaby

I’m pretty shy about this as well. Hindi ko kayang mag-videoke sa harapan ng maraming tao.πŸ˜€ I admire you for taking up the courage to do that.

Nakakamiss din talagang mag-videoke kasama ng mga friends and family hehehe.

Misyel: Salamat, salamat po. Mas malakas loob ko kung family kasama ko and friends lang, mas enjoy. Tenk yu sa pagdaan!

29 02 2008
Geisha

syeeeettt videoke! na miss ko na ang mga microphones na dating nilulunok ko lalo na pag lasing! heheheheh
buti ka pa!
yayain sana kitang mag concert kaya lang nasa canada ka!πŸ™‚

Misyel: Sobra naman laki ng bunganga mo ata mare, kaya mong lumunok ng microphones, hahaha! Handa ka paguwi ko dyan ako magyayaya sa’yo magvideoke.πŸ™‚

2 03 2008
sommer

…hehehe! pinoy talaga, kung maari basta me inuman dapat me kantahan or vice versa!=)

Misyel: Nakatatak na yan sa atin.πŸ™‚

2 03 2008
madbong23

hi misyel musta u? alala ko tuloy yung isang mall dun sa buendia corner taft (kalimutan ko na ang pangalan) pero dun sa food court niya ay may videoke at maski sang floor ka ay rinig mo yung mga kumakanta. puro nga kami ‘please, para na ninyong awa….’ ilang beses din kaming nakakita ng nagrambulan dun.

andun ka nga pala sa links ko ha.

Misyel: Elow, mabuti naman ako. Salamat! Ikaw? Nagrarambulan siguro nag-aagawan sa mic? hehehe! Thanks for adding me in your list. Nilagay din po kita sa blogroll ko.πŸ™‚

3 03 2008
ann

Ako rin di ko kaya yun kasi wala akong K sa kantahan. Naumpisahan mo na rin lang eh dalasan mo na kumanta sa public, sanayan lang daw yan.

Misyel: Hmm, pag-iisipan ko yan maige ate, hahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: