Salamin

21 02 2008

salamin

Kamusta ka na?

Pasensya na kung di ako madalas makadalaw sa mga baler niyo… Lately kasi di ako nagtatagal sa harapan ng PC, bakit kamo? EH kasi madalas akong mahilo kapag nasa harap na ako ng kompyuter at nagbabasa ng kung anik-anik. Hindi naman ako preggy, ni wala ngang bf kasi wala naman akong asawa.

Sinyales na ata ito ng katandaan, hahaha! Palagay ko kailangan ko ng magpatingin at nanlalabo na ata mga mata ko.

Nagsalamin na ako noon nung mag work ako sa isang MIS Dept. Kaso di ko din yun sinuot ng matagal kasi ayaw kong masanay mata ko na nakasalamin. Nagmumukha kasi akong matanda plus nawawala porma ng face ko, hehehe! Tsaka baka lalo lang itong lumabo, so after ilang years ng wala nito nakayanan ko naman at bumalik sa linaw mata ko.

Kaya lang eto na yata talaga, kailangan ko ng magsalamin sa ayaw ko at sa ayaw.πŸ˜€ Pero kaya pa ito ng powers ko, susubukan ko pa tibay ng mata ko sa mga susunod na linggo. Kung sakali pong di ako makapasyal sa inyo madalas paumanhin po.


Mga Tugon

Information

11 responses

21 02 2008
lilmiz

naku patingin ka na bago lumalaπŸ˜› baka pede pa yan gumaling hehe.. ako, salamat ke lord, ay ok pa mata ko kahit mula nung bata ay nakaharap na ako lagi sa tv at computerπŸ˜€

Misyel: Obserbahan ko pa baka pwede pa pagtiisan, hehe. You’re blessed sis may malinaw kang mga mata.

21 02 2008
joy

Have you seen an optometrist or ophthalmologist yet? Might be an ideaπŸ™‚

Tune in to Usapang Pinoy this Saturday ha. And when you get the chance, do visit my other sites.πŸ™‚

joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo

Misyel: Not yet po, soon I will! Thanks Ms Joy

21 02 2008
koreanmine

😦 ako nga, gr. 4 p lng nkasalamin na eh, hirapppp.. kya ng nag college ako, puro contacts na, nagkaka nose marks kc, sana nga kung nakakatulong man lng yun sa pagka pango ko hehe

pero hanggat kaya mu nga, wag ka magsalamin…

Misyel: Kaya nga eh, yakang-yaka pa to!πŸ˜€

21 02 2008
Geisha

ei mare! pareho tayo!πŸ™‚
ang kapal na rin ng salamin ko kaya lang di ko sinusout sa mga pictorials!hahaha

nawawala ang pagiging mestisa ko at nagmumukha akong 40 something!πŸ˜‰

Misyel: Apir! Kaso ako mestisang negro, nyahaha!

21 02 2008
camilleeee

wui, hirap din pag lagi nakasuot ng salamin. tsaka pansin ko din, lalo lumalaki yung ‘grado’ ng mata pag sinasanay ang pagsusuot eh.

tama sabi ni sis mine, pag kaya pa, wag muna. or try mo contacts.

Misyel: kapag di na talaga ako makabasa, papatingin na ako.πŸ˜€

21 02 2008
brath

ako naman fourth year high na ko nagsimula mag salamin pero ngayon tinatamad na kong magsalamin kaya palbo ng palabo tong mata ko shaks!

xiao!

Misyel: hala! sasabihin ko sana mag contacts ka na lang pero mas nakakatamad ata maglagay nun, hehe!

22 02 2008
repah

una sis… papansinin ko muna ung nsa gilid mong sexyng gerl.. naiingit ako.. ang kyut na.. hehhehe…pwede mhiram.. hehehe.. uy gerl magcontact lens ka na lng pra di ka mhirapan sa pagsuot ng salamin… basta keri mo yan… bawas-bawasan mo kc pagtutok sa pc. mag hiatus ka muna.. kc nararanasan ko yan..

Misyel: Naku ayaw ko naman mag hiatus, di kita kayang iwan hehehe! Binabawasan ko na nga mag kompyuter eh kaya di na din ako madalas mahilo. Sige ba hiramin mo ok lang! Kaya mo din yan gawin, sa photobucket lang yan.πŸ˜‰

22 02 2008
linglingbells

mag-contacts ka na lang kung ayaw mong magsalamin.. mahirap ang malabo ang mata.. ako, pumipili na lang ako ng stylish na salamin.. hehe! yoko kasi mag-contacts..

lilmiz, ang swerte mo naman! ganyan din naman ako nung bata ko.. ang pinagkaiba lang siguro natin, ikaw kumakain ng madaming kalabasa at carrots.. eh ako hindi kaya eto 200 na ang grado ko..

Misyel: Pareho pala tayo di din ako mahilig sa kalabasa at carrots eehehe. Buti pa si lilmiz!

22 02 2008
randomdemeanor

uminom ka na maraming carrot shake…ewww..para sakin, di masarap yun..pero yun yung laging pinapainom ni Mama sakin..kaya eto…malinaw pa sa sikat ng araw ang aking Bubble eyes..hehehe

try mo yun..tsaka iwasan magbasa ng nakahiga, un lng talga ginagawa ko eh..
wag ka nga pala maghilamos bago matulog kasi babad yung mata mo sa PC buong araw kaya di daw pede yun…facial cleanser nlng ang gamitin mo panlinis ng mukha…

ang dami kong bilin no??? sana epektib sayo..lolz!

Misyel: Wow, thanks sa mga yan. I’m sure epektib sila!πŸ˜‰

24 02 2008
rhapsody

ako lagi din nakasalamin na ngayon pero di ko rin masyado sinusuot, minsan lang kasi nga nakakapangit hehehe.. parang ayoko na magcontacts kasi uli kasi naman pampatagal ng oras. saka kapag nakalimutan at kinmusot ang mata ayun na baka pumasok pa sa loob ng mata.

25 02 2008
Gina

Kahit magbabad ka in front sa pc, basta ba i-rest mo ang eyes mo every now and again. Kasi nabasa ko , pag nasa pc tayo , di daw tayo kumurukap as often as we should. At nabasa ko advices ni randomdemeanor sa iyo. Agree ako doon sa hindi paghihilamos after being on the pc (altho’ i’m guilty of doing it sometimes). As much as possible , I clean my face first before facing the computer at night, para maiwasan ang paghihilamos when my eyes are really tired. Other than that, of course we all know, everything in moderation should be the rule, at huwag masyadong magpapagod (including the eyes).
For myself, I know I should take extra extra care there being a history of glaucoma in my family. I just had my eyes checked late last year and they seem to be fine, thanks God! If I drive, which I don’t I need the eyeglasses na daw. But right now, okay ang wala.
Btw, I just finished doing your tag. Check it out.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: