yum-yum!

6 02 2008

Kapag malamig ang panahon parang gusto mo lang lagi nasa loob ng bahay. Tulad ngayon sobrang buhos ng snow dito, nakakatamad tuloy lumabas. Eh sino naman ang sisipagin maglakwatsa kung ganito ang makikita mo:

snowy day

Naaalala ko tuloy ang mga pagkain sa atin kapag ganito ang panahon… Ang sarap humigop ng mainit na sabaw ng sinigang, bulalo, papaitan o walastik (sikat sa may Malibay, Pasay). Noon kapag may bagyo sa atin, madalas akong magrequest kay mama ng tuyo, itlog na maalat at kamatis. Ewan basta para sa akin ang sarap kasing kumain niyan kapag malamig ang panahon.

Kapag nasa ibang bansa ka hahanap-hanapin mo talaga yung mga lutong Pinoy. Nakakatuwa nga kapag nakapunta ka sa isang bahay na may lutong pinakbet o tuyo, hehehe… Kapag may handaan dito at ang nakahapag eh pasta, roast beef at lutong atin lalo na kung pinakbet ito or daing….Aba, ang uunahin ko eh yung daing! Bihira kasi ako makakain niyan, kahit na ba may mga store na may mga pinoy products, hindi din madalas na magluto niyan dito.

Noong umuwi nga ako sa atin nung isang taon talagang hinandaan ako ng parents ko ng fave ulam ko na namiss ko ng todo, ang saluyot na may papaya! Oh dba ang sosyal ko?!πŸ™‚ At tuwing almusal may hotdog na pula talagang nakahapag, hehe wala kasi dito tulad ng sa purefoods yun bang tender and juicy. Tapos ang ‘di ko makakalimutan eh yung pagbili ko ng itlog na maalat sa harap ng bahay namin para almusalin.

Hay, yan ang namimiss ko sobra ang mga pagkain natin at yun bang pagbili ng kung anong maisipan mong kainin sa tapat/tabi lang ng bahay mo. Dito kasi kapag naggrocery ka dapat lista mo na lahat ng gusto mo, kailangan kasi bumiyahe ka pa or maglakad ng medyo malayo kung may gusto kang kainin.

Ito ang hindi ko malilimutang nagawa ko nung umuwi ako… Isang araw bago ang flight ko pabalik dito niyaya ko mga pinsan ko bumili ng chips at soft drinks sa tabi naming tindahan, aba mega salampak kami dun sa gilid ng sari-sari store habang tinitira yung mga chicha na binili namin. Sobrang nag-enjoy ako nun to the max at nasabi ko sa kanila na sigurado ako na mamimis ko ang ganung eksena.

Kaya eto na po miss ko na nga eksenang yun, ang sari-sari store sa atin, mga pagkaing noypi at ang mga mahal ko sa buhay… Emote mode na naman ako, buti na lang dumating na yung matagal ko ng hinihintay…

LaFemme Polvoron

Sige lalantakan ko muna ‘to, tenk yu po kuya kiko! Yahuuu!πŸ™‚


Mga Tugon

Information

17 responses

6 02 2008
Rhapsody

naku totoo tlgang nakakamiss ang mga pinoy foods, buti na lang dito may mga tender juicy hotdogs from phils… alam mo ba ang mamu ko din pinadalhan ako ng mga foods from pinas, isa din sa pinadala nya ang polvoron from goldilocks, tapos mga pusit and dried mangoes.. ang dami… kaya nga ayun hindi ko maubos-ubos yung iba. question lang.. ano yung walastik?

Misyel: walastik yung puro lamang loob ng baka, na parang bulalo style ang luto pero manamisnamis. hmm yummy!

6 02 2008
gel

pag ganyan ang panahon, ayoko lumabas ng bahay. mas gusto ko magkulong sa kwarto, kasama ang darling ko.

hehe

Misyel: Ang sarap nga sana may kalampungan ano? hehehe! Ako nagtyatyaga na lang muna sa unan.πŸ˜€

7 02 2008
NJ

hi Misyel,
kay Ate Kengkay pagkain rin ang nabasa ko dun… dito ba naman sa blog mo pagkain rin… napapalaway na ako madaling araw dito… hahaha.. ano ba naman yan. imagine ko na lang!

Misyel: Ewan ko lately kasi hobby ko na ang pagkain, hahaha!

7 02 2008
MARU

hala! hala! hala! may natira pa bang polvoron kay mommy kiko? hahaha! nagulat ako a! nung december pa yan a! hahaha! balitaan mo ko sa lasa ha. nahihiya tuloy ako.

Misyel: Naku meron naman, pati nga sa mom ko hehe… Ok pa din ang lasa kahit na Feb ko na nakain. The best yung cookies and cream!

7 02 2008
joy

I also had polvoron from Maru. Favourite ko yung rice crispies.

It’s great that it doesn’t snow much in Norwich. It’s blustery, but that’s bearable.

joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo

Misyel: Oh that’s good, much better sa inyo Ms joy naku dito disaster ngayon lagi na lang malakas ang snow. I like cookies and cream flavor pala, yum talaga!

7 02 2008
brath

pag ganyan ang panahon, gusto kong maglupasay kasi ayoko talaga sa snow hehehe

xiao!

Misyel: Hahaha! Ako wala na magawa eh, kahit pa maglupasay ako magdamag.πŸ˜€

7 02 2008
Holy Kamote

eto, namimiss mo?
lucky me pancit canton, tortillos, kornik, patis, banana que, mainit na sabaw ng sinigang, etc. etc. hehehe. n_n

Misyel: Yan sakto, naglalaway na ako… *sabay punas si misyel*

7 02 2008
koreanmine

huwaw, may pomboron na din hehe… ako nmn ang nami mis ko ay snow ( ay mali, di p pla ko nakaka kita! LolsπŸ˜† )

empre kaming di mga nakaka exp. pa eh xcyted sa snow, pero yung mga sanay na ayaw na, hirap daw magpalaπŸ˜€

** di k b kumakain ng mga tuhog -tuhog na BBQ? di mu nabanggit ehπŸ˜€

Misyel: Naku mahirap talaga pero magandang exercise din pampalaki ng muscles hehe.. Miss ko din yang nabanggit mo, isaw d best!πŸ˜€

7 02 2008
Jeckass

wala pa ring tatalo sa jumpfuds ng pinoy. gets mo? jumpfuds….jumpfuds! hehehehe

Misyel: hahaha! Ano nga yung jumpfoods? ahahaha ang slow talaga!

7 02 2008
karmi

buti talaga walang snow dito sa lugar namin. hehe.. onting lamig lang di ko na kakayanin, yan pa kayang may snow?!

nakakamiss talaga ang lutong Pinoy.. buti na lang panay noypi halos lahat ng kapitbahay namin dito, kaya tuwing may party, di mawawala ang pagkaing pinoy.. nung minsan nga, may nagdala ng taho!πŸ˜€

uwi na tau ate misyel! hehehe.. kakamiss tuloy.. ^_^

Misyel: Wow, good for you puro pinoy neighbor niyo. Tara Karmi uwi tayo!

7 02 2008
foobarph

*kagat misyel* yum yum nga!

Misyel: sarap!

8 02 2008
linglingbells

naku! kakain ko lang ng itlog na maalat kanina.. tsarap tsarap!!!

Misyel: Waaahh nangiinggit naman eh!

8 02 2008
repah

NAKU ININGIT MO AKO HA.. BIBILI AKO NGAUN SA TINDHAN..HEHEHE

Misyel: Kain mo na lang ako ha, tenk yu!πŸ˜‰

8 02 2008
Maldito

pahinge!!ahahaha…..gawa ka ng halohalo misyel!!para indi naman masayang ang snow diyan sa labas…wahhaha

Misyel: Good idea yan ahh, gawin ko kayang negosyo? hahahah!

8 02 2008
Leah

Ay..san yun sa akin? Ba ako wala pulvoron? Penge!

Misyel: Naku chori ate pero may natira pa mga 3 pcs na lang ata hehe…

9 02 2008
Kiko Matsing

Wahahahahahahahahahahahahaha! Sarap mag-almusal dito ng tender juicy hotdog and egg. Mamaya makakain nga ng walastik dun sa malibay!!πŸ˜›

Misyel: Ang yabang!!!!!!!! Naglaway tuloy ako bigla, kainis!

11 02 2008
ann

Hindi ako natakam sa mga pagkaing sinabi mo kasi kakabigay lang ng neighbor ko ng tuyo, danggit at pusit galing pinas. Ako lang mag-isa kumain kasi ayaw ng amoy ng mga bata, mabaho raw. Sarap kaya.

Misyel: Naku sana kapit-bahay kita ate para nakahingi din ako sayo, hehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: