Ang Aking 5 Paboritong Kwento

25 01 2008

Bago ang lahat, gusto ko pong humingi ng paumanhin dun sa mga nagtagged sa akin last year at nung nakaraang linggo… Chori po! Promise kapag nagkita tayo babawi na lang ako, libre ko kayo sa tapsilugan o kaya sa kapehan.πŸ˜€

————————

Nung isang araw napadpad ako sa baler ni Ms. Blue Curlers at nakita ko na napasama ako sa meme na ito…

Halukay archive

Go through your archive and choose five of your favorite posts about your family, friends, yourself, something you love and lastly, one of your choice..

Kaya eto po ang mga nahagilap kong pinaka peborit ko mula sa aking baul este sa archive pala:

Family Post

1. My Papsy – Ginawa ko ang post na ito last year (father’s day) bilang pasasalamat sa dad ko, sayang nga lang hindi na gumagana yung song na nailagay ko diyan pero kung gusto mo mapakinggan click mo lang ito. One of my fave song, basta narinig ko yan naaalala ko agad si Papsy ko.

Friends Post

2. Muling Pagtatagpo – Tungkol naman ito sa pagkikita namin ng mga friends ko nung college sa Pinas (last year) at dito sa Toronto.

Post about Moi

3. KiSS – Isang nakakakilig at nakakatuwang kwento ko tungkol sa halik, bakit kamo? Hmmm, basahin mo na lang ehehe!

Somethin’-I-lab-Post

4. My Favorite Pillow – Siya ang tinuturing kong BF sa ngayon, why? Ewan ko ba!πŸ˜›

My Choice

5. Buhay Blagista – Kwento tungkol sa tulad kong mahilig mag blog.

Sana nagustuhan niyong basahin ang mga yan, lahat naman ata ng nai-post ko sa blog ko paborito ko… Syempre pinagpuyatan ko ang iba dyanπŸ˜† at hango sa istorya ng buhay ko.

Dahil sa 5 fave post ang nabanggit ko dito, lima din ang ita-tag kong tao na nasa blogroll ko: Ate Kengkay, lilmiz, Ms. Maru, Annie at si Ate Gina. Tenk yu po!



Mga Tugon

Information

17 responses

25 01 2008
MARU

hi misyel! maraming salamat. sige baka gawin ko to over the weekend. tamang tama wala akong mai-post.πŸ˜€

25 01 2008
ann

Kakatuwa naman yung kiss story mo, lakas din loob ng klasmeyt mo ha, sarap talagang balikan memories ng highschool .

26 01 2008
Gina

Noted… Will make halungkay my ‘baul’ ,este archive din and will let u know . =)
Nice weekend to you Misyel!

26 01 2008
Gina

…at mabasa nga rin itong previous posts mo..

26 01 2008
Raymond Lee Quijano

ayoko man mangopya sa sagot ni ann…….. eh…….. kiss din yung paborito ko. lolz!

dibale misyel, pag hinalikan kita….. ang irarason ko lang is… “kinindat po ako ni misyel eh”

hehe

26 01 2008
reyna elena

AYUFFF YONG KISS!!! hahaha! Nakakatuwa! Nakakabaliw! Nakakalukring! Ang haba haba nang hair mo ateng! Maximum lebeleyshus ever!!!

AKO?! Pag ako di hinalikan, sinasampal ko! Kinu-kwelyuhan at binibitbit sa Prinsipal.
πŸ™‚

26 01 2008
reyna elena

Oooppss: Disclaimer. Kelangan yong hahalik lalaki lang. Period.

27 01 2008
bluep

hello misyel.
Binigyan din ako ng Reyna ng ganitong tag. Iniba lang ng kaunti. kaya medyo dumugo ang ilong ko sa paghahanap sa baul.

Haha bigla ako nacurious dun sa kiss. Binasa ko tuloy lol. I remember something i did with my classmate during grade 2. Nasampal ako haha. But we became best of friends till now. She’s married already and livng in New York.

Anyhow I will be featuring you and some of the blogs that I love reading in my upcoming post na idadag-dag ko sa blogroll ko. just to let you know. Overdue nakasi yun. last november pa dapat yun. Sensya na din at I came from my hiatus. ngayon lang uli ako nakakapangapit bahay sa mga kapatid natin sa WPP.

Happy sunday misyel

27 01 2008
homebodyhubby

nakakatuwa yung kiss… at saka yung “pillow” πŸ™‚

27 01 2008
kengkay

eto na ba yung tag, paghahalungkayin mo rin ako, ahahaha. okey, gawin ko yan pag nahanap ko na yung hahalukayin ko. anong balita kay pinsang kiko?

Misyel: Si pinsang kiko hayun kasalukuyang naggagala na sa atin at sinimulan na din nya akong inggitin waaaahhh!

28 01 2008
sommer

…nakakaaliw naman yung kiss…nakawin ka pala ng halik, at awww, ang sweet naman ng mga angels mo! (namiss ko tuloy mga babies ko!):p

28 01 2008
lilmiz

nagawa ko na sish πŸ˜‰

28 01 2008
iris
29 01 2008
Rhapsody

kaloka naman ung klasmeyt mong un.. okei lang kung kras mo din pero kung ndi tama lang na pina-guidance mo nga hehehe

29 01 2008
chuvaness

mamya na ko mag comment…basahin ko muna yung KISS hahahhaa

30 01 2008
repah

naku ganyan tlaga papilow pilow muna tyo… hehehe.. sana nga ung mga boylet nging pillow na lng sila.. para masarap ihug…

Misyel: Sana nga, sana nga hayy puro na lang sana hehe..

30 01 2008
karmi

hahaha. cute ng ‘kiss’ na story.. pano nga ba humalik? hmmm, di ko rin alam. hahaha, di raw alam.πŸ˜›

my favorite pillow.. sa ngayon, si pikachu ang lagi kong kayakap.. hay…. sana ngayon lang un.. hehehe..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: