Puting Buhok

9 01 2008

gray-hair.gif

Nagulat ako nung isang beses na magsuklay ako, may nakita akong isang strand ng puting buhok sa may bandang harapan ng ulo ko.

Isa ba itong sinyales na tumatanda na ako?!? O kulang ako sa bitamina? Pero bakit kaya isa pa lang? hehehe… Siguro di ko lang ma-check maigi yung sa kaloob-looban ng aking hokbu. Pero may mga bata na madami ng puting buhok huh, ahh kasi nasa lahi nila.

May bigla tuloy akong naalala…

Noon madalas kaming tawagin ng uncle ko na kilalang-kilala ni kuya Kiko para magpabunot ng puting buhok. Papayag naman kami pero may isang kundisyon… 25 cents kada mabubunot at hokey kasi aprub naman si uncle dito!

Sa dami ng puting buhok ni uncle, bongga ang meryenda namin ni Charung! Kaso lang sa sobrang dami eh minsan nakakapagod na din. May kalokohan pa nga kami na ginagawa, sa sarap ng pagbunot namin eh nakakatulog siya kaya kami naman sige lang sa bunot kahit pati itim eh tinatanggal na din namin, tutal hindi naman niya na binibilang sa dami ng naaalis namin.

Kaso nung maglaon nagsawa na din siya magpabunot ng puting buhok kasi mas madami na yung puti sa itim, kaya minabuti na lang niyang pumuti lahat ito. Kaya ayun balik na naman kami sa camoteque.πŸ˜†

P.S.
Kuya, dati pa naman yun dba? Peace tayo! nyahahaha!


Mga Tugon

Information

20 responses

9 01 2008
koreanmine

inde daw age yan kundi wisdomπŸ˜‰

Misyel: Naku sana nga ano, dagdag kaalaman kulang daw kasi ako eh!πŸ˜†

9 01 2008
Kiko Matsing

Hahaha! Isumbong kita pag-uwi ko! Kaya pala lalong pumuti buhok dahil pati yung itim binunot niyo dati!πŸ™‚

Misyel: sshhh! wag kana magsumbong kuya… phiten, phiten, phiten!πŸ˜›

10 01 2008
camilleeee

ay agree din ako kay ‘mine’… it comes w/ wisdom.

kasi meron din ako nun. yung puting buhok mean ko haπŸ˜‰

Misyel: ayus! Thanks sa dalaw ha..πŸ˜‰

10 01 2008
Raymond Lee Quijano

Hair color is the result of pigmentation due to the presence of the chemicals eumelanin and pheomelanin. In general, the more melanin present, the darker the hair color; the less melanin, the lighter the hair color. Black hair predominates outside of Europe. A person’s hair color may also change over time and may be more than one color at a time. Considerable differences in color and texture exist between individuals of similar ethnicity, and immigration and global travel have greatly increased the diversity of hair characteristics among many countries.

In short, natural lang yan. At saka, eto pa, sabi sa Biblia.. (oo, nagbabasa ako nyan kahit papaano)

Titindig kayo sa harap ng may uban at igagalang ninyo ang mukha ng matanda, at katatakutan ninyo ang inyong Dios: ako ang Panginoon.
Levitico 19:32

Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, Matandang makapupo kay sa iyong ama.
Job 15:10

Oo, pag ako’y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; Hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, Ang iyong kapangyarihan sa bawa’t isa na darating.
Mga Awit 71:18

Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, Masusumpungan sa daan ng katuwiran.
Mga Kawikaan 16:31

Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: At ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.
Mga Kawikaan 20:29 <– favorite ko ito sa lahat. ^_^

Misyel: Naku foo, maraming salamat sa mga yan… As in talagang madami akong natutunan tungkol sa uban, hehe.. Salamat sa uban na nasa harapan ng ulunan ko kasi pang dagdag kagandahan pala!πŸ˜€

10 01 2008
homebodyhubby

hehehe ganun din pala kayo ni charung?
si misis at yung isang sister nya, ganyan din — “swelduhan” pag nagpapabunot ng puting buhok yung uncle nila. πŸ˜†
ako man may pa-isa-isa miski sa balbas at bigote. at si misis malimit sinusutil ako, bigla na lang bubunutin? — ang katiii!!! πŸ˜•

Misyel: Kaya nga sinamantala namin habang lamang pa ang itim sa puti, hehe… Makati at masakit talaga yung biglaang bunot, aawwts!

10 01 2008
Holy Kamote

ang galing naman, may bible verse pa si raymond.

Misyel: Kabilib nga, hehe.. Salamat sa bisita!πŸ˜‰

10 01 2008
repah

uy buti k pa my byad kmi sapilitan.. hehehe… laki n cguro kinita mo noh?

Misyel: As in malaki talaga kaso ngayon wa na😦

10 01 2008
dodong flores

Hi, Misyel!
Ako din, maraming ng puting buhok!
Happy New Year to you…

Misyel: Naku, bunutin ko? hahaha! Happy New Year din po!πŸ™‚

10 01 2008
eNocH

tumatanda ka na! kailangan mo ng magpa-tina! hehe!πŸ˜›

Misyel: Tama, patina ako ng puti para lahat magkakakulay na!πŸ˜†

10 01 2008
wewillgetbywithasmile

umh. balita ko lang
pagtinggal daw yan rarami T_T

Misyel: Yun nga ang sabi nila, pero yoko alisin kasi asset ito!πŸ˜†

10 01 2008
lilmiz

ok lang yan isa lang naman ehπŸ˜€ stress lang yan sis. haha parang doktor ako nohπŸ˜›

Misyel: Hmm pwede! Kaka-isip siguro to ng kung anu-anong wala namang kwenta.

10 01 2008
kengkay

ako ganyan din, sa lolo namin at sa tatay ko – kaso mo parating utang, hmpπŸ˜€ ako may dalawang strands na rin ng puting buhokπŸ˜€ bilang na bilang ano, hehe

Misyel: Hahaha, mas lamang ka ate!πŸ˜€

10 01 2008
Salve

okay lang yang puting buhok. lahat naman magkakarun nyan someday.πŸ˜€

Misyel: Korak po!πŸ˜‰

10 01 2008
brath

naku sis wag mo bunutin, sabi nila swerte daw yun e. hehehe

xiao!

Misyel: Naku hindi talaga, natutuwa ako tuwing makikita ko yun eh.πŸ˜€

11 01 2008
Raymond Lee Quijano

hehe, no problemos!

11 01 2008
Banana

ay naku, ikaw isa, si ate kenks dalawa. nung humarap ako sa salamin pagkadating ko dito nung fri galing bakasyon, siguro nakakuha ako ng walong puting buhok! Sa harap pa lang yun, wala pa sa likod. Dumami ata dahil magastos pag nagbakasyon. tsk..πŸ˜₯

Misyel: ahahaha! malamang nga sa gastos kaya dumami, dbale nasiyahan ka naman.πŸ˜‰

11 01 2008
jojie

dapat talaga binubunot yan kafatid dahil nanghahawa “daw” yan. ewan ko kung totoo. yaan mo na, wala lang ako masabi e. har har har!πŸ˜›

Misyel: owws, wala daw? eh naka-ilang words ka din ha!πŸ˜† So far wala pa naman nahawa, inaabangan ko na nga eh.πŸ˜€

11 01 2008
watson

Ok pa ang fee nyo sa white-hair pulling services nyo… kasi sa naririnig ko sa mga kasama ko, 5 centavos ang isang buhok! Ay teka… 70s yata yun…

Misyel: Aysus! Kaya naman pala noon pa, pero sigurado ako solved na din sila nun sa meryenda! Salamat po sa dalaw!πŸ™‚

11 01 2008
kath

haha! de javu! lol. i just had the same experience last week. while i was combing my hair, bigla ako nakakita ng isang strand ng puting buhok sa bandang harap ng ulo ko! as in super nashock ako kasi its the first time ever that i had one. naisip ko tuloy.. geez i’m 22… matanda na ba talaga yun? lol.

Misyel: de javu nga ahh! siyaks! hehe… Salamat sa daan, pinatunayan mo na hindi sa edad kaya naputi ang buhokπŸ˜€

12 01 2008
iceyelo

Puting buhok?? join the club. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: