Sayaw

5 01 2008

dance-logo.jpgAla una na ng madaling araw gising pa din ako, bakit kamo? Kasi napag-utusan akong maghanap ng mga dance songs para sa party mamaya… Tama party na naman! Di pa din po natatapos ang mga tipar dito sa amin. Kayo ba?

May sayawan sigurong magaganap at mga parlor games na kakailanganan ng mga musikang nakaka-indayog. Habang ginagawa ko itong post ko pinapakinggan ko yung mga music na nilagay ko sa CDs, hay napapasayaw tuloy ako hehe… May mga 80’s songs akong nilagay, yung iba di ko alam ang title pero maganda in fairview!😆

Dati nung nasa Makati pa ako, madalas kami mag dancing session ng friend ko. Maski kaming dalawa lang sa baler niya as in sasayaw kami, super todo ang music at pa-sexy ang damit namin na hahataw hanggang tumagaktak ang pawis naming dalawa. Kapag ginanahan ng sobra, yayayain na namin yung isa pa naming friend para gumimik na sa may Malate.

Ang sarap din na exercise nun ahh, basta kapag walang magawa tatawagan ko na siya at magpaparty na kami either sa bahay niya or sa amin.

Hayyy, super saya ng mga araw na yun. Kahit na di ako magaling sa pagsayaw, kiber! Sige lang ng hataw sa dance floor at kahit papano nakakasabay naman sa mga magagaling sumayaw.

Kaso nung mangibang bansa na ako di na ako nakatuntong pa ng disco bar. Minsan nagkayayaan kami ng mga berks ko dito.. Sige drive kami sa may downtown, kaso nag-ikot lang kami dun kasi nung makita namin yung mga napasok sa bar napaatras kami, biruin mong mga naka dress pa talaga yung mga girls at ang mga boys naman sobra talaga sa porma, samantalang kami naka jeans lang…bagsak tuloy namin kwentuhan na lang sa bahay, hehe.

O siya sige po, praktis pa ako ng dance move ko para mamaya.😀


Mga Tugon

Information

12 responses

6 01 2008
pornstar88

Sayaw misyel… sayaw…
🙂

Misyel: Ayaw ko nga! Dapat bayad muna! hehehe…

6 01 2008
ann

Dito back to normal na kami rito, may pasok na nga sa office mula noong mismong pasko.

Misyel: I see, dito nung monday lang naging normal ang lahat…😀

6 01 2008
rhapsody

turuan mo nga ako sumayaw… parehas kaliwa paa ko at may bakal yata bewang ko hehehe

Misyel: Aysus, ako din naman tulad mo… Basta kahit papano na lang, walang pakialaman hehehe.

6 01 2008
iceyelo

Hanggan folk dance lang ako. nyahaha. panggo sa ilaw.

Misyel: Buti ka pa nga, ako di marunong nyang folk dancing.

6 01 2008
homebodyhubby

maganda exercise yang sayaw, kaya ako miski preho din kaliwa paa ko, napipilitan. 😛
saka nuong pumunta ako japan, dinaan ko pangungulila ko sa inom at sayaw. pag nagsayaw, yung kalasingan napipigilan — kasi tumatagaktak as pawis yung sake at awamori hehehe.

Misyel: korek ok talagang ehersisyo ang pagsasayaw, kaya nga ngayon nalaki na bilbil ko kasi wala na akong praktis.

7 01 2008
Salve

tapos na mga party dito sa pinas. heto, balik trabaho na at pakikipagbakbakan sa traffic pag umaga. hayyyy….

Misyel: Dito tapos na din, tuwing weekend na lang hehe… Di na talaga maaalis ang traffic sa atin noh? hayy talaga!

7 01 2008
Raymond Lee Quijano

huwahh! ako gising pa rin para mag overnight… muhuhuuu… yoko na… ^^

Misyel: Suko kana ha? hehehe…

7 01 2008
carmie

hi michelle! leah and i used to do that ages ago!sa kuwarto niya, sa room ko…yayain mo siya!

Misyel: Hi ate Carmi! Talaga, ginagawa nyo din pala ni ate yun ahh, kaya pala magaling gumiling si ate lhey hehe.. Thanks sa visit, may blog ka ba?

8 01 2008
gasti

naks! dancer naman pala..hehe! minsan lang ako sumasayaw kapag trip ko..yung pang agogo pa..haha!

Misyel: Di naman, marunong lang umindayog kahit na parehas kaliwa ang paa.😀

8 01 2008
rara

happy new year to you.

Misyel: Happy New Year too! Thank you for the visit and greetings.🙂

9 01 2008
MARU

aabangan ko na lang ang mga piktyurs na ipo-post dito. dapat may ebidensya noh!😀

Misyel: Wahaha, wag na ebidensya kakahiya yung mga moves kong trying hard!😛

13 01 2008
tapsiboy/pornstar88

Pag nakapagpatayo ako ng sarili kong bahay, palalagyan ko ng dancing pole ang kwarto namin ng magiging asawa ko…

Alam nyo na yun kung bakit.

Hehehe….

*gileng…gileng….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: