Ako’y likod!

29 12 2007

im-back-copy.jpg

Kamusta na kayo? Medyo na-busy si ako kasi sunod-sunod ang party simula nung pasko. Kaya eto nagbabalik po para mag-update ng mga pangyayari ng mga nakaraang araw.

Masayang magulo ang naging selebrasyon namin ng pasko, sa dami ng kids (mga pamangkin) napuno yung sala ng regalo. Kanya-kanya ng dala ng pagkain kaya madami-dami din ang napagsaluhan namin at may bonus pang uwi ng food after the party mga left-over.

Ang saya ng mga kids, dami na naman silang gift na natanggap at syempre kasama din ako dun sa masaya. Yung secret santa ko ang ganda ng binigay sa akin! Nung mahawakan ko yung gift box aba ang gaan, akala ko condom or napkin ang laman hehe… Yun pala isang panty at litrato ng sony digicam na may sulat sa likod ng to be ordered for real, kaya hintay na lang ako ng gift ko na yun.

Halos alas-singko na ng umaga kami nakatulog after nung tipar at pagkagising ready na naman si ako para maki-pasko naman sa friend ko. Dahil sa guy si friend at no gf sa ngayon, napagtripan kami ng relatives niya. May kasal-kasalan tuloy na nangyari dun sa party nila at sobrang kahihiyan ang eksenang ‘yun para sa akin nyay! Biruin mong ako pa ang ginawang Santa at nagpamigay ng mga rega-regalo nila. What an experience, hehe… Anyway, di ko yun makakalimutan. Ang saya!

After pasko, shopping naman inatupag ko kasama ang aking bessy. 26, boxing day – public holiday at kilala bilang shopping day dito sa Canada. Halos lahat ng store on sale kaya sarap mamili. Ngayon tuloy sobrang payat na ng wallet ko, kailangan na ng tulong ni kuya Kiko wehehe!

Mamaya party naman ng mga berks kaya siguradong magdamagan na naman ang kasayahang ito. Iwan ko na muna kayo at magpapa beauty pa ako, ngeks as if meron naman nun nyahaha!



Mga Tugon

Information

12 responses

29 12 2007
kengkay

ako simula ulit ng shopping kasi sale na e, nag shopping na ako ng konti para sa sunod na pasko at sempre para sa easter, laki ng tipid koπŸ˜€

Misyel: Ayos yan ahh, early shopping para mas makatipid… galing talaga ni ate kengks!

29 12 2007
Kiko Matsing

Ano’ng tulong ko?? eh yung wallet ko rin nasa icu na!! Naubos na laman dun pa lang sa pangregalo nung pasko kaya ang nabili ko ngayong boxing day yung maliit na matsing para sa sapatos ko! Hehe!

Misyel: So pareho palang naghihingalo ang wallet natin? Aysus kala ko matutulungan mo na ako kuya!πŸ˜€

29 12 2007
Leah

Enjoy talaga ang mga bata…ako rin!

enjoy your party. naks naman Santa ka na pala!

Misyel: Super enjoy talaga ate, kahit na konti lang kami nag party this time…πŸ™‚

30 12 2007
Rhapsody

im sure nagpapahinga ka lang ngyon tapos sa new year na naman dami na namang party ang pupuntahan mo… happy new year!!!

30 12 2007
homebodyhubby

may mga pamangkin ka naman pala dyan… e di masaya rin! yung “secret santa” mo pag hindi na ‘secret’ pakilala mo naman. πŸ˜€

btw… hindi ba maginaw pa rin dyan? yang likod mo, baka ka sipunin nyan… 😯

Misyel: Napulmunya na nga eh, hehehe..

30 12 2007
Jon Cabron

sino yang babaenggg yannn kailangang mapasakamay ko yaaan!!!!!! oh nagbalik ka! ..

happy new year!

Misyel: Secret!πŸ˜›

Happy new year din Mang Jon!

30 12 2007
BURAOT

skin is in! weheheh. kayganda naman ng likod na yan. mamaya bukod sa pagandahan ng “behind”, me pakontest na rin sa pagandahan ng likod.

hapi nu yir din sa yo tol!!!!

Misyel: Sigurado madami mapupulmunya nun, hehe… Hapi nu yir ulit!πŸ™‚

30 12 2007
lilmiz

ganun talaga pag pasko at new year, party dito party dun, saya aheheπŸ˜€ welkam bak (ganda ng bak haha) at happy new year sistah!πŸ˜‰

Misyel: Salamat po! Happy new year din!πŸ˜‰

30 12 2007
kengkay

manigong bagong taon, dear misyel!

Misyel: Happy new year din ate!

30 12 2007
reyna elena

MISYELLLL!!!! Wishing you, your family, friends and readers a very happy new year!!!!!! Keep social climbing alive gurl! Come social climb wid me throughout the year! HAHAHA!!

Misyel: Di mo na kailangan sabihin yan mahal na reyna, hehe… Happy new year sa inyo dyan!πŸ˜‰

30 12 2007
homebodyhubby

Hello Misyel! bumalik ako para batiin ka.
bisperas na dito. dito kami sa Pinas magne-new year. gusto kong lumipad kami ni misis papunta dyan para makapag-new year din dyan pagkagaling namin kay kengkay — para 3 ang new year namin! πŸ˜›
HAPPY NEW YEAR! πŸ˜€ πŸ˜€

Misyel: Ahahaha! Sige after dyan sa atin eh dito naman kayo magcelebrate, hehe… Manigong bagong taon sa inyo ni wifey!

30 12 2007
Lenggai

Api New Year!!!!πŸ˜€

Naku, sana pala nung nag-stop over kami sa Vancouver noon, nasabihan kita, tagal naming nagpipiktyur teyking lang sa malls malapit sa airport… Dose oras din yun, sana namit kita!

Eka, nasa Vancouver ka ba? Hehehe!

Again… Hapi 2008!πŸ˜€

Misyel: Mga 4hrs by plane ang Vancouver dito sa amin sa Toronto, dbale sa next na punta mo ng Canada baka dito na sa amin…Sabihan mo ako huh?!πŸ™‚

Happy New Year!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: