Isang pagbati po!

22 12 2007

Noon tuwing Pasko masaya kaming nagsasalo-salo sa hinanda ng mama ko at sa noche buena we make sure na sama-sama kaming lima sa hapag kainan. Magpapasalamat sa Diyos sa lahat ng blessing at salvation na bigay Niya. Pagtapos magbibigayan na kami ng regalo at tiyak naman na masaya ang bawat isa kahit na simple o super ganda ng natanggap niya.

Sa umaga magdaratingan na ang mga kamag-anak at mga malalapit na kaibigan para mamasko at magsaya. Iba’t-ibang imbitasyon ang matatangap at di magkamayaw kung sino ang pupuntahan. Minsan kami ang nadalaw sa mga relatives o di kaya sa mga kaibigan, kumpare/kumare o kapit-bahay. May mga reunion din na nagaganap, yung mga matagal na ‘di mo nakikita bigla magugulat ka mapapasyal sa inyo.

Magaganda ang suot at naggagandahan ang lahat, walang humpay na kwentuhan, tawanan, kainan.. Ohhh, ang mga pagkain natin na walang kasing sarap! At mga lugar na magaganda na pwede pasyalan, kapag may time pa pupunta kami sa Star City ng mga pinsan ko at mag papakasaya hanggang umaga.

Kapag naiisip ko ang mga yan hindi ko maalis na ‘di malungkot, iba pa din ang Paskong Pinas! Nangungulila ako sa saya sa atin kapag ganitong mahalagang okasyon. Minsan hindi ko maiwasan na ‘di maiyak at magpaka senti. Miss ko ang pamilya ko at nararamdaman ko yan lalo ngayon, hayyy ilang taon na din na nahiwalay ako sa kanila. Nagkakasya na lang ako sa tawag at mga boses nila na naririnig ko.

Salamat na lang sa teknolohiya, kahit papaano pwede ko ipadama ang pagmamahal ko sa kanila. At syempre pa, thank you God for the LOVE at sa mga blessing na walang humpay.

Isang mainit at mahigpit na yakap po para sa inyong lahat…

hugs

 

 


Mga Tugon

Information

17 responses

22 12 2007
kneeko

merry xmas parekoy…

sarap ng yakap mo ah… parang pandesal sa umaga na mainit init pa hehehehe

22 12 2007
homebodyhubby

naiyak naman ako sa kwento mo πŸ˜₯ kasi feel na feel ko yung nami-miss mo yung pamilya mo… alam kong mas grabe yan tuwing mga okasyong ganito.
pero yung luha may kalakip na galak dahil alam ko ding isa kang anak ng Diyos at yakang-yaka mo ang mga sitwasyong paris nyan. πŸ˜‰
cheers sa’yo kapatid! maski puro snow dyan ngayon. (kelan kaya kami makakakita ng snow? puro ‘Snowball’, ‘Snowitwit’ at ‘Snowhontas’ lang kasama namin dito πŸ˜† )
Merry Christmas sayo, MissyMisyel! πŸ˜€

23 12 2007
BURAOT

tol, meri krismas dito sa south of the border from you. buti na lang di ako jan napadpad kundi lagi ako rarayumahin jan sa lamig.

hokey lang yan. ganyan talaga buhay, parang life.

23 12 2007
mousey

merry christmas sa iyo misyel!

23 12 2007
reyna elena

napadaan lang… wala lang… wish you lang maligaya pasko…

23 12 2007
repah

misyel.. merry xmas din!!!!

24 12 2007
kuting

wow, nice blog. proud to be pinoy, ei? anyway, Maligayong Pasko sa iyo and to everyone elseπŸ™‚

24 12 2007
BURAOT

misyel mabel
dis ar words dat go tugeder well
ma misyel

meri krimas meri krismas merikrismas….

hmptttt! hanlayo sa kanta, di bagay korni.

basta meri krismas na lang sa yo jan sa land of the unlimited snow. greetings from the land of bihira lang mag-snow. buti na lang.

24 12 2007
kengkay

maligayang pasko. iba na ang pasko mo dyan pero sigurado ko, masaya din!

24 12 2007
Kiko Matsing

Meri Krismas Misyel! Tenkyu sa gip ninyo!πŸ™‚

24 12 2007
ris

merry christmas misyel! hugs!πŸ™‚

24 12 2007
ambo

Hi Misyel,

Just want to say Merry Christmas to you and your whole family! May God bless you all.

Cheers,

Ambo

26 12 2007
Rhapsody

merry merry christmas to you…

26 12 2007
lilmiz

aww *hugz back* ahehe.. belated merry christmas sis!πŸ™‚ .. nga pala, add kita ah, wala ka pa pala dun sa page ko ahehe

26 12 2007
joy

Heya Misyel! I hope your Christmas was fun! Please visit The Goddess In You and read my post 20 Personal Questions where I have a nice meme for you!

joy
Your Love Coach
The Goddess In You
Norwich Daily Photo

28 12 2007
gyk

happy holidays to you misyel.

[just bloghopping.]

29 12 2007
chuvaness

uyyy missy…na late ko sori

ADVANCE MERRY CHRISTMAS NA LANG!! hihihi

DI bale, on time naman ako sa HAPPY NEW YEAR!! Ahihihi

mwaaaaaah! enjoy-enjoy!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: