Galing mo!

19 12 2007

Kilala niyo ba si Charice Pempengco?

Isang 15 y/o Filipina singer, nanalo sa isang singing contest noon sa telebisyon natin at naging sikat dahil sa YouTube.

Una ko siyang napanood sa blog ni Malen. Nagulat talaga ako sa galing ng batang ‘to! Dun ko din nakita yung performance niya sa Korea na talaga namang nakakamangha.

November 28, ininvite si Charice sa show ni Ellen DeGeneres. Itong show na ‘to sobrang gustong-gusto ko, mga sikat at magagaling kasi na artist ang kadalasang guest niya plus super kwela pa ang host na si Ellen, nakaka-alis ng stress at pagod. Kaya nung malaman ko nga na inimbitahan siya sa fave show ko eh inabangan ko na talaga.

At ngayon nga napanood ko na din siya sa wakas, napatayo balahibo ko at nangilid luha ko… Napahanga niya mga tao sa galing niyang kumanta, standing ovation sa studio, napaiyak si Charice at eto nakakatuwa, pagkatapos ng kanta niya binigyan siya ni Ellen ng iPod touch hehehe..

Subukan mong panoorin at makita na ang galing talaga ng Pinoy!πŸ˜‰


Mga Tugon

Information

16 responses

19 12 2007
chuvaness

wah. ambilis ng post! i love ellen!! i love charice!! hahaha. fave ko silang 2!!! ang galing galing pero di ko pa napapanood yung video nya…nasa opis pa ko..excited ako umuwi to m para panoorin yan! yipeee!!

19 12 2007
iceyelo

Galing talaga ng Pinoy! Kahit saan mo dalhin.

19 12 2007
Kiko Matsing

Ang galing!! πŸ™‚

19 12 2007
reyna elena

HAHAHA! lahat nang puntahan ko nagkalat si Charice kaya gumaya ako! HAHAHAHA! when i grow up, kakanta din akong ganyan! mag intay lang kayo!!

20 12 2007
kengkay

kinilabutan ako, may i cry din si nanay kengkay… sana maging ganyan din ang mga little kengkays ko… sana, ate helen, hehehe

20 12 2007
Banana

tumayo bulbol ko, tsk tsk.. ay balahibo pala.

galing!

21 12 2007
Leah

Ako rin, napaiyak. Galing nga talaga!

22 12 2007
jeckyll27

ang galing niya talaga..given the fact na hindi siya yung nanalo sa singing contest sa TV pero ngayon siya yung sumisikat internationally…astig! iba pa rin ang pinoy! yeah..

merry christmas pala misyel…πŸ˜‰

22 12 2007
jenaspacio

galing ni pinoy! woOhoO! Maligayang Pasko sis!πŸ™‚

22 12 2007
Lavern

Yan ang galing ng Pinoy!

22 12 2007
jeniffer

I read a lot of post today with the same topic.. and again, yes she is great singer!! great for a young age like her.. merry christmas!!!

22 12 2007
repah

naku.. galing tlaga nya.. saludo ako sa knya… sinubaybayan ko nga sya .. sa little big superstar.. parang nkikita ko sa knya ang kabataan ko.. hehehe…

22 12 2007
Maldito

balang aaraw hahanga din kayu saken….bukas luluhod ang mga tala…lols….yeah yeba!!!proud to be pinoy!!

22 12 2007
BURAOT

napanood ko din to. grabe bumirit. parang tambutso ng harley davidson. at kapag humataw, parang suzuki na speedster.

galing!

22 12 2007
homebodyhubby

ang galeng-galeng! buong-buo boses nya! anggaling din ng stage presence, hanep rumampa! ganda din ng kanta!
whooooa!!! sige pa! arya, hataw… PINOY! πŸ˜€

17 01 2008
NJ

i made an entry about her too… napanood ko rin kase! ang galing nya! Thank you at napadpad ako sa site mo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: