My weekend

17 12 2007

Nung nakaraang linggo nagstay lang ako ng bahay dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Dinapuan ba naman ako ng masamang hangin at magkakahol na parang asong nauulol. Buti na lang malakas ang power ng prayer at H2O kaya gumaling ako, thank God!

Kaya naman nitong weekend eh pinangakuan ko sarili ko, “lalabas ka Misyel at magsashopping!”. Kaya hayun nung Sabado nga nagmalling si ako kasama jowa (girl friend) ko at mga sanpits. Namili sila ng mga panregalo para sa darating na kapaskuhan at syempre ako din naghanap ng maireregalo para sa exchange gip namin. Kaso dahil ata sa kaartehan ko mamili eh wala akong nakita, halos inisa-isa ko na ang mga store naku wala pa din akong nabili, naasar na nga ata yung friend ko sumunod-sunod sa akin hehe… Sabi nila bilan ko na lang daw ng gift card yung nabunot ko para sila na lang bumili ng gusto nila pero di ko gusto yung ganun kasi parang walang sense yung bunutan na ginawa namin, para bang binigyan ko lang sila ng pera at sinabing bahala na kayong mamili ng gusto nyo hirap nyo bilhan!šŸ˜†

Kaya nung halos magsasara na yung mall eh nagdecide na kaming umuwi. Naku paglabas namin super lakas na talaga ng buhos ng snow, mega super uber ang walang tigil na snow nung gabing iyon at inabot pa ng kinabukasan. Di tuloy ako nakapagsimba at na-stranded na naman ako sa bahay ng pinsan ko. After so many years tsaka na naman naranasan ng mga taga Toronto ang bagyo ng niyebe, kaya sobrang tambak ang snow sa daan lubog ang paa mo. Pero infairness ang sarap maglaro at higit sa lahat ang sarap kumain!

Kaya nung Sunday food tripping na lang ginawa namin ng pinsan ko at manood ng kung anu-ano sa telebisyon. Buti na lang humupa na ang buhos ng niyebe at sa wakas eh nakabili din ako ng gip kanina na sana magustuhan ng monita/monito ko.


Mga Tugon

Information

9 responses

18 12 2007
homebodyhubby

ANHIRAP talaga yang mag-decide ng bibilhing gift e hehe…
pero sis tama ka rin — pag weekends na wala kang magawa, tapos malamig pa… wahehe. ANDALING magkakain! …henay-henay lang baka lumubo ka. šŸ˜›

18 12 2007
iceyelo

Parang gusto ko ring gawin yung pera na lang ang ibigay, mas convinient.šŸ™‚ kaso hindi kasi pwede hehehe

18 12 2007
Kiko Matsing

Wow! Buti pa diyan merong MaLing! Ansarap niyan lalo na pag may kasamang fried rice saka scrambled egg! Ay! Malling pala sinasabi mo! Haha! Korni ko magpatawa.

Kaya pala absent ka sa ym kahapon, na-stranded ka kina kuya pands! Di bale nag-enjoy ka naman sa pagtsitsa eh! Hehe!

18 12 2007
brath

hay ako naman onti lang nabili ko kasi may work e ala ng day off kakainis nga e.. babawi na lang ako next year hihihih

xiao!

18 12 2007
repah

ay naku dahil sa gift gift na yan.. hanggang nagayun lupaypay pa rin ang aking katawan.. dahil sa pamimili ng mga panreregalo.. ang hirap kc maghanap ng mura… hehehe..

19 12 2007
Maldito

akala ko naman yung snow ang napgtripan niyong kainin..ahehhee..buti naman at magaling ka na….kelan din kaya mag snosnow dito sa pinas?

19 12 2007
kengkay

kainis dito sa amin, minus 4 na nga ang lamig e wala man lang isnow, hmp. bored na bored na ang mga bulilits

19 12 2007
mhel

ayan sis! my christmas shopping ka rin naman jan eh. wag k ng masyadong malungkot.šŸ™‚

20 12 2007
meds

sige food trip na lang! may gina-taan na mongo ba?
at pritong isda.. rap-sa yan..at may kamates at tuyo!

merry christmas all !
Meds W

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: