reto

11 12 2007

blind-date.jpgSang-ayon ba kayo sa ganitong setup? Ilang beses na din akong naireto at meron na din akong naging boypren dahil dito.

Nung isang araw tumawag ako sa amin, nakausap ko si papsy, mamsy at mga tita ko. Syempre di mawawala sa usapan kung may boypren na ako, hehe. Natatawa na lang ako kapag ito ang tanong sa akin, nakasanayan ko na kasing marinig ‘to sa kanila. Actually, mahaba-haba na ding panahon after my last relationship kaya siguro naiinip na din sila.

Natawa ako ng husto ng kinulit na nila ako na may irereto daw sila sa akin pero ang nakakatuwa eh may kanya-kanya silang binuboto, hahaha ang astig naman, kung sana kapag sinabing reto eh boypren na agad di mas okey dba! hehehe… Kaso ako naman oo lang lagi sa kanila. Aba, kung talagang para sa akin eh di, yun na ‘yun dba?

Ito namang kaibigan ko dito sa Canada ilang beses na kong hinihiritan na may ipapakilala daw siya sa akin since singgol naman daw ako sa ngayon, kaso yung kaibigan niya puti ang lahi (foreignjer ba). Ilang beses ko ng dinededma yung imbitasyon niya, sabi nga niya siguro takot daw ako pero sinisigurado naman niya na mabait naman daw si puti at mas okay pa nga daw sa Pinoy.

Hmmm, napag-iisip tuloy ako ngayon kung papayag ba ako sa retong ito. Kaso isa lang yung kinatatakot ko, guess kung ano??!? Hindi ako marunong mag-ingles! Nyahahah… Pero seryoso, mas feel ko lang kasi kung pinoy magiging irog ko or kabiyak. May nireto na din sa akin noon sa church namin, ibang lahi din kaso tumanggi din ako.

Hindi sa against ako sa mga foreigner pero ewan ko ba parang kailangan talaga eh Pinoy yung makatuluyan ko. Yan eh sa palagay ko lang naman pero kung ang ibigay sa akin ni God eh puti, itim, brown o berde wala akong karapatan umangal.πŸ˜€

Patusin ko na kaya yung nirereto sa akin? Hmmm, teka tignan ko muna sa bolang kristal kung okay nga ito….


Mga Tugon

Information

23 responses

11 12 2007
reyna elena

Patingin nang litrato charunggati!!! Kung ayaw mo naman, bigay mo saken!!!

Teka lang! Bat’ ganun ang kultura? Reto! Reto! Reto! I mean, there’s certainly nothing wrong sayo dahil tama ang nirereto sayo. Achewangga! Yong nirereto saken eh gurl!!! Eh indi naman ako tomboy eh! (http://reynaelena.com/2007/11/30/im-a-hospitality-girl/) Pucha naman! At least da people na nag-rereto sayo knows you well.

Naku, mega-ask mo sarili mo kung ano ba talaga ginahanap nimo charunggati. But then again, who knows, pag nameet mo tong foreigner eh biglang sumilakbo ang nakatagong bala nang kanyon sa kailaliman nang puso mo at kayo na nga!

BRIDESMAID AKOOOOO!!!!! hehehee!!!

Misyel: Sige kapag nagclick kami kaw kukunin kong bridesmaid, aba sossy yun ang mahal na reyna sa kasal ko? hehehe…

12 12 2007
Rhapsody

wala naman sama kung ita-try mong makipag-date sa nirereto mo… although kung ako yan.. talagang ayoko. gusto ko kami mismo nung guy ang nagkakilala. once nireto ako ng friend ko kasi di niya alam na may bf ako. then eventually sinabi ko dun sa guy na hindi na pwede.. and that guy is still my friend til now. he’s hoping still yet respect the fact that im no longer available.. ooops nalihis ang comment hahaha…

basta ang pananaw ko.. wala tlgang sama kung ireto ka ibig sabihin di ka na mahirapan pa pumili kasi nakilatis na nila… at di ka na mahihirapan maghanap kasi may mga taga-hanap ka na. dibah?

Misyel: Nakakatuwa nga kasi sobrang concern sila sa akin, talagang hinahanapan ako hehe… Kaso I dunno baka di pa talaga time na magka bf ulit.

12 12 2007
lilmiz

try mo lang. malay mo this is it naman pala ahaha pero dapat iresearch mo muna ang background ng porenjer na yan para di nakakatakotπŸ˜‰

Misyel: Thanks sa advice, gagawin ko nga yan.πŸ˜‰

12 12 2007
repah

naku.. parang gusto ko yang reto factor ngaung pasko.. hehehe.. ngayong pasko lng.. pag tapos.. hindi na pwede.. hehehe…

Misyel: Bakit naman ngayon pasko lang? Ahh kasi malamig ngayon ano? kailangan ng init nyahaha…

12 12 2007
homebodyhubby

walang kaso kung pinoy o porendyer… basta kaya mong anderin! (jokes)

wala ding kaso kung nireto kasi kikilatisin mo naman muna bago mo boyprenin at asawahin. marami ako kilalang magaganda ang marriage relationships na bunga lang ng “match-making”. πŸ˜›

Misyel: Korek! Madami naman talaga nagtatagumpay sa match-making pero sa akin? hmmm ewan ko pa din!πŸ˜€

12 12 2007
Maldito

Go for pinoy ka pa rin..atleast msasabi mo na “always at home ka”….pero try to met him lang…alam mo…daming issues ang cultural differences….pero pag ako? Pinoy pa rin ako..kagaya ko..LOLS…pagsisikan ba naman ang sarili.

Misyel: Best talaga ang Pinoy huh? hehehe

12 12 2007
Fau Rafili

ako din. trip nila kong ireto kung kanikanino… pero isa lang ata talaga ang mahal ko.

Misyel: Sino naman yun? Pero kailangan magmove-on Fau!πŸ˜‰

12 12 2007
angel

nauso na yan dati.. sa ngayon, unti-unti nanamang nauuso.. Tapos ngayon, ang may pakana pa, mga magulang kung minsan..
Kung wafu naman yung nirereto sayo, Sige lang! Hehehe… Kung puti at kamukha ni Tom Cruise, wag mo nang pakawalan!! Hahahaha..πŸ˜€

Misyel: Sana nga Tom Cruise look-a-like na lang! nyahahha…

12 12 2007
bruhilda

parang gusto ka na yata nilang lumagay sa magulo.. hehehe
cge try mo lang malay mo biglang kumabog ang dibdib mo at tumalab sayo ang lab at perst sayt. whihihihi…. at marami pala ang gustong maging kupido para sayo… go na…

Misyel: Kasi daw naunahan na ako ng younger sister ko, hehe..

12 12 2007
becky

miss u 2 gurl.. ^^

about the reto thinggy. just give it a try. ^^ besides mas ok nga un kasi kakilala ng relatives mo or friends db? unlike pag ung s chat or txt mo lang nmeet. i mean some of the gurls kasi nkkpagchat to find someone.. tma ba? well my pt is, somehow nde k mattakot to go out with those guys n irereto syo coz may common friend kyo or kilala ng parents or relatives mo. takot lang ng mga un n lokohin ka.. hahaha dami reresbak s knya.

take care always.. and keep us updated ha?! ^^
merry christmas din ^^

Misyel: Naku nangyari na yan dati kasi, nireto si ex kala ko matatakot akong lokohin kasi friend ng cousin ko pero naku di pa din pala yun panglaban. INgat ka din lagi!πŸ˜‰

12 12 2007
pandaypira

patusin mo lahat para masaya lol!!! hehehehe..invite pala natin si reyna sa 22 para talagang mega grand EBπŸ™‚

Misyel: Sige invite mo si mahal na reyna, naku super EB yan hahaha… Anong meron ke pandaypira pala? nyahahha…

12 12 2007
manilenya

mwahehehhe bakit daw ako naging panday pira lol!

13 12 2007
iceyelo

Hindi mawala ang reto sa diksyonaryong pinoy. ayos yan, parang nakaliskisan na ng buong pamilya bago pa naging kayo, hehehe

Misyel: Naku ganun naman lagi family ko, super kakaliskisan kung sino man ang guy sa buhay namin.

13 12 2007
BartSiazon

bakit hindi mo itry? haha… malay mo matuwa ka rin…πŸ˜€

Misyel: Siguro try ko soon, hehe…

13 12 2007
eNocH

sa foreigner ka na! manloloko lahat ng pilipino, pwera ako! hahaha! :p

Misyel: Nyhahaha! Siraan daw ba ang Pinoy…πŸ˜€

13 12 2007
rHo

try mo sis… malay mo naman magustuhan mo di ba? hehehe! gudlak… kaya pumayag ka na sa magiging date mo! hehehe…

ingatz ka lagi en God bless!

Misyel: Thanks Rho, maybe I’ll try kapag sinipag ako makipagdate, aysus talaga si ako! hehe..

13 12 2007
mhel

πŸ˜€ katuwa naman… pili lang ng pili sis! malalaman mo naman pag sha na eh. Lahat ng pwedeng tumibok syo, titobok! ahihihihi!!πŸ˜€

Misyel: Ganun nga yun ano? Kapag tinamaan ka talaga titibok lahat, hehehe.

13 12 2007
karmi

alam mo, ako rin, parang gusto ko Pinoy pa rin magiging jowa ever ko o asawa.. hehehe.. ewan, parang mauubusan rin kasi ako ng english kapag ibang lahi ung makakasama ko.. lol

try mo rin..πŸ™‚ malay mo diba, magclick kau.. ^_^

eh di happy na pasko.. hehehe..

Merry Christmas!πŸ™‚

Misyel: Hmm, isip-isip pa talaga ako sa ngayon.πŸ˜€ Merry Christmas din!

14 12 2007
kengkay

reto, blind dates, matchmaking, tinulak, etc – lahat yan nangyari na sa akin. go out for a group date muna para makilatisan… ako kasi kaya naging puti ang asawa ko dahil hindi ako mapatino ng mga pinoy e, waahahaha

Misyel: Ang kulit talaga ni ate Kengks, hehe… Naiisip ko nga yan eh, group date na lang mas maganda.πŸ™‚

14 12 2007
mousey

collect and collect lang daw then select hahaha…

padating na ang price mo nasa daan na yun.

Misyel: Uyy salamat po! Sana nga nandyan na, ehehe.. Thanks sa visit Mousey!

14 12 2007
Kiko Matsing

Di naman mahalaga kung pinoy o foreigner ang magustuhan mo basta importante mabait sa iyo habambuhay. Hindi man maging perpektong parnter, dapat hindi ka paluluhain ( lagi! Hehe!)

Kung sinunod mo ang payo ko sa ‘yo na si kupya na lang noon, di sana di kana nirereto-reto ngayon! Hahaha!πŸ™‚

Misyel: Wahahaha! Mas mabuti na lang talaga na kumpare/kumare kami ni Kupya!πŸ˜›

15 12 2007
BURAOT

wala naman yan sa lahi lahi. try mo subukan, malay mo swak naman pala kayo. try mo makipag date at least once. lam mo naman dating is like getting to know you lang naman. who knows?

kung gusto mo naman, me ire-reto ako sa yo, tropa ka taga-Timbktu.

wahahahaha! reto na naman.

18 12 2007
gasti

makipag meet ka muna tingnan mo kung malaki…o mataba…ang bulsa nya hehe!

ako rin eh di masyadong makapagkwentuhan sa ingles kaya nagmumukhang suplado..haha! pero mas masarap pa rin magmahal ang pinoy tanong mo pa sa mga beauty queens…kung ako naman mas pipiliin ko ang pinay..try mo! (tibo?)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: