CHARUNGGATI

9 12 2007

Yan ang tawag ko sa kapatid ko kapag naglalambing o di kaya nang-aasar…

Mahal ko si Charung (short for CharunggatiπŸ˜› ) hindi dahil sa sister ko siya kundi dahil sa mabait, mapagmahal, prangkang tao at matulungin. Madaming bagay akong naaalala sa kanya simula nung bata pa kami at gusto kong isa-isahin ito dito:

Dahil sa konti lang pagitan ng edad natin madalas tayong pagkamalang kambal, dahil na rin siguro sa palaging pareho damit natin.

Pagtatapon natin ng gatas kapag nakatalikod na si mama at walang sawa mong pagnunutnot sa pagkain.

Naalala ko pa yung paghahabulan natin hanggang talipapa dahil sa asaran.

Magsabunutan hanggang malagasan ng buhok.

Ang pagtatakip natin sa isa’t-isa sa pagkupit sa wallet ni papsy.

Madalas na ikumpara tayo kina Mara at Clara.

Pag-aawayan niyo ni Cherry na umabot hanggang sa may ilog, nyahaha…

Ang minsang pagsali ko sa school pageant na lubha mong kinahiya dahil baka mapahiya ka sa mga kaklase mo.

Magalit sa’yo ng ‘di mo alam dahil pers taym kitang nakitang nakikipag holding hands at sa labas ng skul pa.

Ang unahan mo akong magkaroon ng nobyo, na nagkacrush din sa akin.πŸ˜€

Ang pagbulyaw mo sa akin dahil sa sobrang gulat sa ‘di sinasadyang paggising.

Harutan na walang humpay sa loob ng kwarto nila mama.

Ang saya na naidulot ng pagpasa mo ng board at maging ganap na Nurse.

Nung ibulong mo sa akin na parang may calling ka at gustong maglingkod kay God.

Sobrang lungkot na may saya din nung iwan mo kami para ialay ang life kay God.

Pagiging garfield ng mata ni mama dahil sa araw-araw na pagiyak nung umalis ka.

Ang pagbalik mo sa bahay na kinatuwa ng ating mga magulang at desisyong magtrabaho na muli.

Paglayo mo muli sa atin at this time para makatulong sa pamilya.

August, ang muli natin pagtatagpo na ikarindi ng mga nakapaligid sa airport nung panahon na yun.

Sobrang saya na nadama ko nung makatagpo ka ng man op ur layp na alam kong bigay ni God.

Ang unang kasal sa ating pamilya na ikinagulat ng nakararami.

December 9 ang pagsibol ng matapang na babaeng walang inuurungan at taga pagtanggol ng naaapi….. (drumroll) si Darna! este si Charunggati pala!!!

Kahit na ano pang gawing pagpapanggap ni Keng para maging sister ko at kahit na ano pang sabihin ng iba tungkol sa’yo, mula sa kaibuturan ng aking hart isang masibago magisabo masigabong pagbati mula sa iyong ate at pinsan na si Kiko (singit lang yan, nyahaha)….

 

 


Mga Tugon

Information

28 responses

9 12 2007
Gina

Mukha nga kayong kambal ng sister mo. =)

Happy Birthday sa kanya! Awwws, talagang obvious na obvious na lab mo siya!

Misyel: Thanks po! Magkamukha nga kami pero mas kamukha ko bro ko, lalo kung nakamake-up hehehe…

9 12 2007
Kiko Matsing

Haha! Salamat at isiningit mo ‘ko sa bati kahit pilit!πŸ™‚ Naalala ko yung away nila ni Cherry kasi ako ang nagbuyo sa kanila mag-away, sabi ko kay charu hawakan niya nga tenga kung kaya niya! Atapang atao! Hehe!

Alam ko mababasa niya ‘to kaya babati ulit ako ng HAPPY BIRTHDAY!! Libre mo kami pagpunta mo dito sa Dublin, magpa-Steak ka naman sa Friday’s Charu!!!πŸ™‚

Misyel: Walang anuman kuya, kahit na medyo masama loob ko nyahahah! joke lang! Ngayon ko lang nga napagtanto ikaw pala nagbuyo sa kanila ni Cherry, nyahaha! Naalala ko yung eksena na yun, hahaha!

9 12 2007
tsary

hahaha! touch nman ako ate… teka.. anong holding hands sa labas ng skul? d ako naggaganun ha..(baka mbasa ni ryan(asawa ko).. at cnong nobyo na nagkcrush sau? hmmmm? d ko ata alam un ah.. hehehe.. e2 nman nttandaan ko sau.. ang magpanggap na nagtutulugtulugan hbang cna mama ay nanonood ng.. wehehehe.. at take note may nakatagong mirror para makita pnapanood nina papa at mama…wahahaha! love u te..

Misyel: Naku di mo nga pala yun ginawa, ham chori! (para di magalit si Ryan, hehe…) Remember si Samuel, bf mo nun? Kasi kamukha daw tayo hehe… Akala ko sasabihin mo na magpanggap na tulog at may asthma para di pumasok ng school.πŸ˜€ Miss yu na! Love you too!

9 12 2007
tsary

at oo, tanda ko c kuya kiko ang nagbuyo sa akin makipag-away… sabihan ka ba nman na alang duwag sa pamilya e, aba.. magkabasagan na ng mukha, wehehe…
salamat sa pagbati…

9 12 2007
ris

mukhang ang saya magkaron ng sis.. ako kasi i grew up with 2 brothers na laging pasaway, kaya i never knew what it’s like to have a sister. siguro ang cute nun dahil lagi kayo naghihiraman ng stuffπŸ™‚ happy bday to your sis!

Misyel: Thanks for the greeting Ris! Minsan kakainis din yung hiraman blues, lalo na kapag di mo pa nasuot yung damit na bagong bili mo tapos makitang mong suot nya waaaaahh!

9 12 2007
ann

Ganda naman ng tribute mo sa sister mo, obvious yung closeness nyo talaga. Magkalayo ba kayo ngayon?

Misyel: Close talaga kaming magkakapatid ate, miss ko na nga sila. Yup magkalayo kami ngayon, ako nandito sa Toronto si sister nasa Ireland at yung bro namin nasa Pinas. hayyy…

9 12 2007
bruhilda

kakainggit ang closeness nyo ng sis mo. ako kasi 8 yrs pagitan namin ate ko kaya di kami close generation gap kasi…

Misyel: Uyy salamat, wag ka mainggit kasi madalas din kami war nyan hekhekhek.

10 12 2007
repah

ay ang cute na namen buti na lng di naging charing gati.. kundi ang short name nya ay charing!!!! hehe.. ang sweet nyo nmaen!!

Misyel: Charry talaga nickname niya, petname nya lang yang Charunggati sa akin hehe…

10 12 2007
lilmiz

aww ang nice.. kainggit talaga ahehe.. gusto ko din magkasister😦 sana pede pa, sabhan ko nga nanay ko lolz.. happy bday sayo sister ni misyelπŸ˜€

Misyel: Hmm malay mo baka nga pwede pa, habang maaga dali sabihin mo na!πŸ˜€ Thanks sa greetings!

10 12 2007
mousey

happy birthday kay sistah mo!

Misyel: Thanks daw sabi ni sistah!πŸ˜€

10 12 2007
antuken

this is such a sweet post about your sister. kitang-kita ang closeness. ako walang sister, puro big brothers. pero i could relate dun sa hiraman blues kse i have cousins. ang aming unwritten rule then was, hangga’t di pa nagagamit ng may-ari, hindi pwede hiramin. kaya nga minsan kahit gustong-gusto na namin gamitin ang isang bagay (be it clothes, bag, etc.), pinipigilan namin, para lang hindi mahiram. hahaha. umiral ang kadamutan. thanks for dropping by my blog.πŸ™‚

Misyel: hehe. tiis talagang huwag gamitin yung bago para di mahiram. thanks din.πŸ™‚

10 12 2007
kengkay

uy, kyut din ang may berdey ng dec 9, heheeh

Misyel: Pati na din may bday ng June ate hehe…

10 12 2007
iceyelo

Happy Birthday sa sister mo. at saka happy birthday sa ating lahat December celebrants wehehehe

Misyel: Salamat po at happy bday nga sa lahat ng may bday, hehe..

10 12 2007
Leah

Happy birthday (belated na) Tsary! Wishing you all the best. What a sweet post from your ate.

Misyel: Sweetness din kasi sya ate.πŸ™‚

10 12 2007
pauL

belated happy bday Charunggati! (^_^)

you’re blessed to have a sister like misyel… (^_^)

Misyel: Thanks Paul!πŸ™‚

10 12 2007
reyna elena

blessed ka with charunggati. moi? dysfuntionality at its best kami ateng! hahaha!

Misyel: Ganun din naman kami minsan eh pag nag-aaway, hehe… Salamat po mahal na reyna sa pagdalaw.πŸ™‚

10 12 2007
jojie

hay naalala ko tuloy ang baby bro ko. eeekkkk! anong konek?! hahahaha!

Happy Birthday Charunggati!πŸ˜€

PS
uy… pwedeng pangalan sa european car yun a. LOL!

Misyel: Kasi magkapatid, yun ang konek hehehe…

11 12 2007
taroogs

Asteeg talaga ang mga may birthday ng DecemberπŸ™‚ ganda po ng name niya… “charunggati” — ano ibig sabihin/origin/etymology ng name na ito?

Misyel: Kasi real name niya is Charina, tinawag ko lang siyang Charunggati kasi wala lang talaga akong magawa at gusto ko lang mang-asar nun, so wala namang ibang meaning ang name na yan hehe..πŸ˜›

11 12 2007
gasti

parang tunog gulay yang name na yan..hehe! maswerte kayo sa isa’t isa kasi close kayo..tama ba yung pagkakaintindi ko na gusto nya mag madre nung una? ibang klase.. nurse na madre na pala dapat sya.

Misyel: Yup ganun na nga, actually naging sister nga nun ang sisteret ko pero ngayon nurse na at may asawa.

11 12 2007
tina

memories.. with your sister.. yay… happy birthday to your sis.. kahit late. lumipat ka na pala ng tahanan.πŸ™‚

Misyel: Thanks Tina! Naglipat nga ako last October, sumapi kasi ako sa forum nila at nagustuhan ko naman. Pa-update na lang ng URL kung ok lang sayo. Thanks ulit!πŸ™‚

11 12 2007
tsary

thank u po sa lhat ng bumati sa kin.. mahal ko tlaga yang sister kong c ate misyel.. la akong blogsite e, d kc ako runong.. hehehe..

Misyel: Gawa kana kasi eh, love yu!

11 12 2007
angel

kilala mo yung singer ng UpDharmaDown? Medyo hawig nya lang, pero mas beauty sya…πŸ˜€

Misyel: Di ko kilala pero tinignan ko sa google ehehe.. hawig nga lalo na nakaheadband din yung girl dun. Thanks sa pagdaan!πŸ˜€

11 12 2007
homebodyhubby

ang sweet! …nakaka-touched naman ang closeness nyo! sana lahat ng sisterhood ganyan. πŸ™‚

salamat misyel sa pagtitig mo sa mga ARAW ko. ni-add kita sa blogroll ko. πŸ˜‰

and… hapi birthday, Charung!!! πŸ˜€

Misyel: Naku salamat ng marami sa greetings at pag-add sa akin. Ni-link na din kita para lagi ako makakita ng magagandang tanawin.πŸ™‚

11 12 2007
Leah

Tag kita ha!
check it out in this post :
http://www.mga-munimuni.info/2007/12/image-meme.html

atsaka sali ka naman dun sa pa-contest ko.

12 12 2007
Rhapsody

mmmmm… inggit ako… wala kong sister eh… happy birthday nalang sa knya,.

12 12 2007
Maldito

hapi bday sa sisteret mo …ahehhee..cool nga yun eh!!kaming magkuya muntik nang magsaksakan..lols…pero boys will always be boys d ba…ako labs ko din my one and only baby sister…

9 01 2008
Puting Buhok « MissyMisyel

[…] dami ng puting buhok ni uncle, bongga ang meryenda namin ni Charung! Kaso lang sa sobrang dami eh minsan nakakapagod na din. May kalokohan pa nga kami na ginagawa, sa […]

12 03 2008
Our Keng « MissyMisyel

[…] ko noon di na kami madaragdagan pa ni Charunggati, ngunit makalipas ang siyam na taon nagwakas din ang pagiging bunso ni […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: