Muling Pagtatagpo

7 12 2007

Nung umuwi ako ng Pinas last August talagang tinaga ko sa bato na makipagkita sa mga barkada ko nung College. Kaya nung pagdating ko sa atin, kinontak ko sila para i-set ang pagtatagpong iyon.

Kahit na super busy ang ilan sa kanila nagkaroon pa din ng chance na magkita-kita kaming lahat magbabarkada. Bihira lang kasing mangyari yun, kahit na sabihin mo pang nasa isang bansa lang sila. Ang iba sa kanila may mga pamilya na din pero may ilan pa din na still singgol. Nung nagkita kami super excited ako, talagang mega piktyur at video si ako para pagbalik ko dito may tinitignan-tignan ako.

Ang saya na makita ulit sila, ang sarap balikan nang nakaraan plus kamustahin ang buhay ng isa’t-isa… May ilang mga pagbabago sa mga hitsura pero ganun pa din ang mga ugali🙂 . Sayang nga lang at sobrang hectic ang sched ng lola kaya di na naulit yun.

Before After
Before (our college days)                         After (gimik last August)

At itong Saturday lang nagkita naman kami ng isa pa naming klasmeyt/friend nung College… Mantakin mo nga naman ang liit talaga ng mundo at dito pa talaga kami nagkita sa Canada.

Nung magtapos kasi kami ng Kolehiyo hindi na namin pa nakita si Edwin. Bigla na lang nawala na wala man lang iniwang bakas kung san siya pwedeng kontakin. May nagsabi na siguro galit siya sa isa sa amin kaya hindi na nagparamdam at tuluyan nang umiwas. Pero mali naman pala yun. Naging busy na daw kasi siya pagtapos ng schooling namin, nagturo na sa may Bulacan at dun na umikot ang mundo.

Pasalamat na lang talaga sa mga social networking na naglalabasan kasi dun ko siya ulit natagpuan at nalaman kong nasa isang lugar lang pala kami. Kaya napagdesisyunan namin magkita pagtapos ng mahabang panahon.

Before After
Si Nene at Totoy😛                                  Misyel at Edwin

Pag-uwi ko nung gabing yun ang sarap ng pakiramdam ko, ang dami naming napagkwentuhan at sinigurado na hindi yun ang huli naming pagtatagpo.🙂


Mga Tugon

Information

9 responses

8 12 2007
charleskorner

good for you. mahalaga na magkakaibigan pa rin kayong lahat kahit saan pa kayo mapunta.😉

Misyel: Korek, kahit na magkalayo ng maraming taon dapat di mawawala yung friendship.🙂

8 12 2007
Iceyelo

Ang sarap ng ganyan, sa umpisa medyo may asiwa, pero pag nagkatagalan na parang kahapon lang kayo huling ngausap-usap. parang walang oras na nawala.

Misyel: Hay sinabi mo, pero higpit ng yakap ko nung makita ko siya.🙂

8 12 2007
Fau Rafili

wow ansaya naman nun.

Misyel: Subra as in!🙂

8 12 2007
Leah

Its really good to connect with friend. Lalo pa in person. you are lucky Mitch.

Misyel: That’s absolutely true ate!🙂

9 12 2007
eNocH

pag-uwe sa abril talagang makikipagkita ako sa mga barkada ko nung high-school at college! teka, magastos ata yun! ahahaha!🙂

Misyel: Medyo magastos nga kaya paghandaan mo na, hehe.. Salamat sa pagdaan!😉

12 12 2007
Rhapsody

hmmm naparanoid din kayo ah hehhhehe…. saya as in kumpleto pa rin kayo sa pictures noon at ngayon hahaha

13 12 2007
BartSiazon

natutuwa nmn ako sa mga pics…. hehe… nakakatuwa…😀

25 01 2008
Ang Aking 5 Paboritong Kwento « MissyMisyel

[…] Muling Pagtatagpo – Tungkol naman ito sa pagkikita namin ng mga friends ko nung college sa Pinas (last year) at dito […]

28 01 2008
dodong flores

You’re lucky to have those circle of friends, Misyel…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: