Snowy Sunday

4 12 2007

Yan yung eksena nung Saturday night, pers snow storm dito sa Toronto ngayong taon. Mas maaga ang snow ngayon kumpara nung nakaraang taon, nagbabago na nga talaga ang weather.

Nung gabing yun nagkita-kita kami ng mga ka-berks ko sa bahay ni Glendz, nagkayayaan kasing mag get-together since malamig ang panahon gustong mag drinking session ng mga mokong. Sa unang pagkakataon natuwa ako dahil napigilan ko ang sarili na wag makisabay sa kanila, talagang pinaninindigan ko na yung pag-ayaw ko sa vodka. Kaya naman ako lang ang walang sakit sa ulo kinabukasan at syempre pa walang naging regodon sa loob ng tyan ko. Yeehaa!

Ang sarap tignan ng niyebe habang nahuhulog, kaya kahit na sobrang lamig nagpunta si ako sa balkonahe para sumagap ng lamig at kumuha ng piktyur. Maya-maya ang mga berks nagpuntahan na din doon at papa-alis daw ng lashing. Mega group hug kami habang kwentuhan dun, kahit na manginig-nginig ang kalamnan sige go pa din.πŸ˜€

Umabot ang walang tigil na pagbuhos ng snow hanggang umaga, kaya naman pagkagising ko eh ito na ang itsura ng paligid namin…

Tuwa kami pagkita nito kasi makakapaglaro kami sa snow paglabas namin. Maganda pa siya tignan kapag ganyang bagong buhos pero pag matagal na sa daan naku po dugyot ng tignan at kailangang mag-ingat dahil tiyak madulas na naman.


Mga Tugon

Information

25 responses

4 12 2007
chuvaness

gusto ko maka experience ng niyebe!!! dear, i tagged you. check it check it here — http://mynosebleed.com/2007/12/04/2007-christmas-tree-blog-parade/

meri xmas! mwaaaaaaaah

Misyel: Pasyal ka dito Malen EB tayo! Thanks sa tag, gawin ko yan soon. Meri Christmas din!πŸ˜‰

4 12 2007
iceyelo

Bbbrrrrr. Im looking forward for the snow when I will finally join my family in banf next year.πŸ™‚

Misyel: Wow, surely you’ll enjoy it to the max lalo na sa Alberta naku super snow lagi.

4 12 2007
ris

wow ang ganda misyel! niyebeng niyebe. hahaha. di pa ko nakakahawak ng snow. padalan mo naman akoπŸ˜€

Misyel: Thanks Ris, sige hintay ka lang padating na yung niyebeng pinadala ko.πŸ˜€

4 12 2007
jojie

uy ang ganda ng unang pic. 5mins ko tinitigan.

Misyel: Naku tuwang-tuwa nga ako nung makita yan. Kahit na lamigin ako ninamnam ko ang tanawin na yan.

5 12 2007
epam70

lamig naman ng pic mo herherherher kaylan kaya me makakatikim ng white christmas??? at kita sa blogroll ko…

Misyel: Lapit na yun kapatid! Sige add din kita sa list ko, thanks!

5 12 2007
Salve

ang ganda ng ng pic, kala ko stardust nung di ko pa binabasa post mo.

Misyel: Salamat po. Di ko din akalain na ganun ang labas sa piktyur.

5 12 2007
bruhilda

ganda ng mga pix gusto ko din makakita ng niyebe. kelan kaya yun? kasi yelo lang sa ref at sa halo-halo ang nakikita ko.πŸ˜†

Misyel: Malay mo next year na.. Kapag tinignan mo yung yelo sa ref na sobrang kapal na parang ganun lang naman ang snow, hehe.

5 12 2007
Rhapsody

wow saya naman… kelan kaya ako makakahwak ng snow..

Misyel: Next na destinasyon mo dito naman kasi.πŸ™‚

5 12 2007
dodong flores

Wow! Snowy indeed!!!

Misyel: Yes it is! Thanks po for dropping by.πŸ™‚

5 12 2007
koreanmine

picturesqueπŸ™‚

Misyel: Thanks.πŸ™‚

5 12 2007
kengkay

kami wala pa ring snow, kailangan pang umakyat ng bundok para lang maka isnowπŸ™‚

Misyel: Bahagian kita ate, mega dulas dulas na ko sa dami dito.

5 12 2007
Kiko Matsing

Wow! Ang ganda naman tingnan! Dito sa amin hindi nagiisnow ng ganyan. Sana makapunta naman kami diyan in the future. Ipon ka na ng pamasahe namin, libre mo kami lahat nila lana! Hehehe!

Misyel: For the meantime picture na lang muna kuya, yun pa lang kaya kong ipunin hahaha!

5 12 2007
manilenya

uy ang taas ng bahay nyo?πŸ™‚ pagkatapos ng snow storm dyan dito naman ngayong araw lang nawala.

Misyel: Actually nasa apartment ako nyan ng friend ko kaya nasa taas, hehe… Naku kung dito masnow na dyan pa kaya, kaya ingat ka lagi.

6 12 2007
kneeko

pre ginaw naman dito sa bahay mo brrrrr asan ang kumot mo na makapal.. sumasakit tuloy rayuma ko hehehe…

***
andun ako sa group pic pre… di mo ba ako napansin dun hehehehe…

then meron akong picture w/ nyoy kaya lang sobrang close up eh. if gusto mo send ko sayo hahahhaha email mo lang ako.. nyeeeee

Misyel: Pare enjoy mo lang yang ginaw, napaghahalata na tuloy age natin hahaha! Yung pic sige send mo sa akin pero gusto ko sana may autograph niyo, hehe..

6 12 2007
joy

You have to bundle up and try avoiding catching a cold! Meanwhile, do make lovely snow angels if it’s not too freezing.

joy
Norwich Daily Photo
The Goddess In You
Your Love Coach

Misyel: I really wanna do that, if the weather is not that cold. Thanks for the visit and advice.πŸ™‚

6 12 2007
MARU

yung unang pic akala ko may wild fire.πŸ˜€ hehehe buti na lang may snow flakes.

Misyel: Ewan ko nga ba sa cam na gamit ko at ganun ang lumabasπŸ˜€

6 12 2007
jeckyll27

masarap bang gawing halo-halo ng snow?

Misyel: Di ko pa nasubukan eh, bukas siguro try ko hehehe…

6 12 2007
jeckyll27

typo: *ang snow?

6 12 2007
rHo

miz ko na ang snow!! yaaaaay… ang ganda nung unang pix sis!πŸ™‚

Misyel: Thanks Rho! Punta ka dito ngayong winter!

7 12 2007
Ambo

Sarap naman ng snow! Huwaw! Kaso sumasakit tuhod nung perstaym kong maka experience nyan tapos di ako naligo ng apat na araw bwahahahahaha.

Misyel: Sobra naman ata yng apat na araw di maligo, mga tatlo lang dapat hahaha!

7 12 2007
BURAOT

danda naman ng night sky nyo jan.. dito kelangan ko pa lumabas ng LA o kaya umakyat ng bundok para lang makakita ng ganyan… hmppt!

Misyel: Ohhh, payag ka ba kung palit muna tayo ng lugar?πŸ™‚

8 12 2007
BURAOT

heheh.. wak na! baka lalo ako rayumahin jan sa inyo. hehehe. hokey na ko dito…πŸ˜‰

9 12 2007
ann

Ganda! Sa tv lang ako nakakakita ng ganyan.

13 12 2007
BartSiazon

sna may snow din d2… haha…

18 12 2007
Jennie

Gasp! Ang ganda ng niyebe! litrato palang yan! Sana makaranas din kami ng white christmas! Maligayang Pasko po! Nangangapitbahay lang po.πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: