Sckraaa?!?

26 11 2007

 

scrabble.jpgYan ang madalas na libangan namin magpipinsan noon kapag nagsama-sama kami sa isang bahay. Nakakatuwang laruin ‘to bukod sa pampalipas oras, nakakahasa pa ng utak habang naglalaro. Pwedeng laruin to through board game, computer or video game.

Naging adiksyon namin ang scrabble habang ang mga pinsan ko noon eh naghihintay ng mga tawag nila mula sa kanilang agency or embassy, tapos si ako naman kasalukayang nag-aaral. Ngayon lahat ng nakalaro kong pinsan nasa ibang bansa na din, kasama din dito si kuya Kiko.

Madalas siya yung magyayaya sa amin sabay sigaw ng Sckraaa?!!!?? Syempre kapag narinig ko na yun napapangiti na ako kasi tiyak masaya na naman ang laro namin at higit sa lahat isa na naman ako sa asar talo! Hindi ata sila masaya kung hindi ako kulelat sa laro namin at nilalampaso.πŸ˜€

Minsan niyaya kaming dalawa ng pinsan ko ng isa pa naming pinsan na hustler sa larong ito at nakipagpustahan. Magjoin force daw kaming dalawa laban sa kanya, kapag nanalo daw kami bibigyan niya kami ng pampanood ng sine. Aba! Since maganda yung condition niya at “lashing” siya nung time na yun mega uber payag kami ng pinsan ko na makipaglaro sa kanya, nyahaha!

Hulaan niyo kung sino nanalo???? Eh di opkors kaming dalawa ng sanpit ko!! Kung matalo pa naman kami ubod na kami ng bopols nun, hehe… Kaya hayun kinabukasan nasa movie house na kami ni pinsan, super enjoy dun sa napanalunan namin.

Bigla ko tuloy namiss mga mahal kong sanpits. Kailan kaya kami makakapag-SCKRAAA ulit ng sama-sama? Sigh….


Mga Tugon

Information

19 responses

26 11 2007
repah

uy ako rin mhilig maglaro nyan!!! kso lagi akong talo pag english n ung category.. hehehe..

27 11 2007
taroogs

ay… buti pa kayo ng mga pinsan mo… close. yung mga pinsan ko walang kwenta halos lahat. hehehe…

Misyel: Ganun ba? hehe… Pede ka maki-pinsan sa amin, lols!

27 11 2007
iceyelo

Sarap maglaro ng scrabble kung walang toyo ang kalaro mo. yung pinsan ko dati may mga word na ipinipilit na kahit pabaligkad pa ang basa mo sa dictionary eh hindi mo talaga makita. Ang ending…Naglaro na lang kami ng video games. mabuti yun hindi masyadong ginagamitan ng utak hehehe.

Misyel: Masarap laruin ang scrabble pero kung sobrang seryosohan naman nakakadrain ng utak, dapat may halong kulitan.

27 11 2007
manilenya

naku wala akong makalaro dito nyan😦

Misyel: Ako pwede mong makalaro! Sa online pede din kaw sumali madami kang pwedeng makabalitaktakan ng utak. Ako wala nun eh, hahaha!

27 11 2007
rhapsody

miss ko din yan kahit nga sa PC nilalaro ko din yan kasi nga wala na kong makalaro eh kaya computer ang kalaban weeeeeeeeeh

Misyel: Minsan din ginagawa ko yan basta nasa easy lang para ako laging panalo, nyahahha

27 11 2007
chillidobo

ano ang pinakamahabang word na nabuo mo sa scrabble?

ako: penthouse

tinry ko din makipaglaro na tagalog words yung gamit, kaso magdamag na wala pang nananalo, daming pwede eh..by golly that’s why I love the Filipino lanweyds

Misyel: wala akong matandaan eh, ahh pero may isa pala yung word na “you”, hehehe…

27 11 2007
angel

sa scrabble naaalala ko lang yung bonding moments namin ng mom ko.. Lagi kase kaming naglalaro nyan nung nasa pinas pa sya…

Misyel: Uyy kakamiss yung ganung mga moments ano? Hayyz…

27 11 2007
mhel

naku sis inggit ako! i love playing scrabbles tsaka word factory kaso walang makalaro… ang kokorni ng tao ngayon, ayaw n ng games na gnagamitan ng utak hahaha!!

Misyel: korekek, mas gusto na ngayon ng tao yung konting utak lang ang nagana hahaha! Yung word factory ok din yan, kaka-aliw laruin.

27 11 2007
cdy173

wow scrabble..love na love ko yan..ginagawa pa nga naming pustahan sa bahay yan nung haiskul pa ko..ang talo maghuhugas ng pingganπŸ˜†

Misyel: Naku nagawa din namin yan atsaka yung may kasama ding perahan, mga sugarol! hehe…

27 11 2007
Padre Salvi

sa school ko naman madalas laruin yan. friend ko ang champion ng scrabble sa school namin dati.

Misyel: Uyy pakilala mo naman ako sa prend mo.πŸ˜€

27 11 2007
jojie

bopols ako sa scrabble pero keri na. sanay naman ako nilalampaso at natatalo. hahahaha! magandang bonding din yan.

Misyel: May kapareho pala ako, weeeh!

27 11 2007
jeckyll27

mahilig din akong maglaro ng scrabble..akala ko dati nung bata ako scramble ang tawag dun, yung tinitindang tunaw na ice cream sa kalye..elementary ko lang yata nalaman na magkaiba ang scrabble sa scramble…hehehe..salamat sa pagdaan sa blog ko.πŸ˜€

Misyel: Magkatunog naman kasi eh, hehe… Salamat din!

27 11 2007
rHo

kahit anong laro e masayang laruin kapag kasama mo ang mga pinsan na makukulit! hehehe!

musta ka na?! may award ka dun sa bahay ko ha!

Misyel: Korek ka dyan Rho! Ok naman ako, eto at nilalamig na… Salamat pala sa award, touched naman ako!πŸ™‚

28 11 2007
Leah

Sige, hanap nga tayo ng scrabble (di ko na lam kung nasan yun sa amin eh). Laro tayo.

Pwede online na lang? Isc.ro munimuni ang handle ko .
Practice ka dun.

Misyel: Naku ang champion ng scrabble niyayaya ako maglaro? Teka isip muna ako ate, hehe..

28 11 2007
Salve

sarap ngang laruin yan. sarap din ng asaran sa mga natatalo at kakaaliw pag may napipikon.πŸ˜€

i added you to my link po.πŸ™‚

Misyel: Sinabi mo! Salamat sa pag-add, ni-link na din kita.πŸ˜‰

28 11 2007
Kiko Matsing

Ano ‘syel, scraaaaaaa? Hehehe! Nakakamiss nga yung panahon na ‘yun, ngayon nasa magkakaibang lugar na tayo, suwerte na lang kung sabay magbakasyon sa ‘pinas. Pero di bale, at least kahit paano minsan sa ating buhay, nagkasama tayong magpipinsan at tinalo ko kayo! Nyahahaha!πŸ˜›

Misyel: Waaaahh! Ang yabang! Kaka miss talaga yung bonding moments natin na yun kuya, tiyak akong mauulit yun mamaya lang pagtulog ko, wehehe!

29 11 2007
kengkay

mahirap dito mag scraaaa kasi daming alpabetong di katatuk taruk eh, heheh

Misyel: OO nga ate, kakabaliw siguro makipaglaban sa mga aleman… hehehe

29 11 2007
ris

ay naku wala akong tiyaga sa mga larong ginagamitan ng upuan, table, at utak lang. hehehe.

misyel, may tag ako sayo ha!

Misyel: Ako din naman, napipilitan lang hehe. Salamat sa tag, may nagawa na ko nyan before entitled PITO. But i’ll try to make another one pag may naisip pa ako, hehe.

29 11 2007
BartSiazon

let’s play scrabble… haha… gusto ko rin ang larong yan… kahit na pinagloloko nila akong nerd… haha…

Misyel: Sige, when and where?πŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: