Katakawan

19 11 2007

Bakit kasi naimbento pa ang mga pagkain? EH pano kung hindi, di sana wala tayo dito hano?!?

Napansin ko simula nung mapunta ako dito sa bansa na nagi-isnow sumobra na ang katakawan ko. Kilalang-kilala na nga ako dito bilang babaeng malakas lumamon. Nasasabayan ko ang mga asawa ng pinsan ko sa pagkain, lalo na kapag handaan nakow hataw talaga si ako!

Noong sabado nagpunta kami sa Vietnamese Restaurant para i-celebrate ang bertdey ng isa kong pamangkin, syempre pa nasayahan na naman si ako dahil madami na naman akong makakain pero sa pagkakataong ito napigilan kong kumain ng kanin dahil sa vietnamese rest masarap ang soup kaya yung house special nila ang inorder ko. After the bertdey celebration nagmalling kami ng mga pinsan ko tapos bago umuwi bumili kami ng ice cream cake para kainin after dinner.

So dinner time…ang yummy ng hinanda ng pinsan ko, roast beef and salad. At dahil sa di ako nakakain ng kanin for lunch dinedma ko ang salad, mega dami subra uber ang nakain ko for dinner.

ice-cream-cake.jpgPagtapos ng aming masarap na hapunan niyaya ako ng pinsan ko uminom ng isang bottle of vodka drink, pumayag naman aketch at after that drink eh nilabas ang nakalimutang ice cream cake, hmm yummy ang kain at para malaglag ang kinain nag tea kami after.

Hayun dun na nagsimula ang regodon sa tiyan ko, para bang may mga tao sa loob nito na nagre-wrestling… Hanggang sa itulog ko na lang siya para sa paggising ko wala na yung sakit pero huhuhu, mali ako! Paggising ko ang uber talaga sa ouch pero di pa din ako nagpatalo sa anumang sakit na yun, kumain pa din ako ng uber upang paghandaan ang pamamasyal namin para makita si Santa, every year kasi may Santa Claus Parade dito.

Nagtake ako ng antacid bago kami umalis baka sakaling mawala ang nararamdaman ko at para makuhanan ko din sana ng litrato yung parade para maibahagi sa inyo pero natapos na ang parada ni anino man ni Santa di ko nakita dahil sa sakit ng tyan ko. Kahiya-hiyang pagsusuka (pasensya na sa word) ang nagawa ko sa kalsada habang papunta kami ng kainan kaya nung nasa restaurant na kami mega inggit ako sa sarap ng kain ng mga pinsan ko habang ako halos mapaiyak sa sakit ng tiyan.

Anak ng patis! Umabot hanggang kaninang madaling-araw ang sobrang labanan sa tyan ko, tae suka ang nangyari sa akin at halos ubusin ang lakas ko. Hanggang 3am pinakiramdaman ko sarili ko kung maaalis pa yung sakit kundi padadala na ko ng ospital pero salamat sa Diyos nawala din yung sakit pagkagising ko ng umaga. Yun nga lang nanghina talaga ako sa nangyari sa akin.😦

Lesson: Wag kakain ng sobra at tigilan na ang pag-inom ng vodka!


Mga Tugon

Information

14 responses

20 11 2007
jojie

nasisira ang ulo ko pag umiinom ng vodka sister.πŸ˜† hays.. ansarap naman kasi kumain e.πŸ˜‰

20 11 2007
repah

kapatid salamat sa komento! advance maligayang pasko! hehehe… tsalap tsalap kumain… di ako mabubuhay pag ala pagkain.. pwede n rin pang uyam ang vodka ..hihihi!

20 11 2007
becky

wow sarap ng food… ^^

20 11 2007
bruhilda

sarap naman ng fud. pag nag-iinuman kami ng opismayte ko vodka din yung may cherries at sprite di ko kasi alam ang tawag dun basta taga inom lang ako. πŸ™‚

20 11 2007
ann

Sa susunod alam mo na nyan kung alin yung pagkain na hindi dapat pagsabayin.

20 11 2007
Lavern

ganyan din ako hehehe. di lang vodka, kahit beer pa. kaya ako natuto na. everytime i drink, i don’t eat too much. in the morning masama na tyan mo. kaya be careful next time.πŸ™‚

20 11 2007
iskoo

grabe sa mga bansang malamig no? lalo na kung tayo yung tipong magana sa pagkain. kasi sa lamig kahit mag jogging ay di papawisan tapos di naman nawaalan ng gana, hehehe. hirap.

21 11 2007
angelbert

masama talaga pagsamahin ang alak at matatamis. number 1 rule ko yan pag-iinom ako. next time tama na yung alak na lang.πŸ˜€

21 11 2007
cdy173

ginutom ako sa mga nabanggit mong fud sarap sarap naman…πŸ™‚
nauhaw din ako sa vodkaπŸ™‚ pero ayoko magsuka at magtae😦

21 11 2007
BURAOT

hokey lang yan. kain lang ng kain. ihinto mo lang pag busog ka na. bahala na si batman.πŸ˜‰

21 11 2007
mousey

mabuti at ok ka na. musta na!

23 11 2007
Salve

ay, nag-away-away ang mga kinain mo! at nag-vodka pa. yun ang matinding kalaban.

28 11 2007
Lenggai

huwaw!!!! livin the life, dude! livin the life!!πŸ˜‰

4 12 2007
Snowy Sunday « MissyMisyel

[…] napigilan ko ang sarili na wag makisabay sa kanila sa inuman, talagang pinaninindigan ko na yung pag-ayaw ko sa vodka. Kaya naman ako lang ang walang sakit sa ulo kinabukasan at syempre pa walang naging […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: