Buhay Blagista

16 11 2007

 

bloggingkeys.jpg

Una kong tanong sa sarili ko, bakit ba ako nagbablog? Simple lang sagot ko dyan, kasi masaya sa pakiramdam.

Kagabi may nakachat akong isang kaibigan mula sa Kolehiyo, actually si classmate nasa ibang bansa din at masasabi ko na pareho kami ng nararamdaman minsan dahil sa sobrang homesick dinadatnan kami ng kalungkutan. Kaya kagabi habang nagkukwento siya ng tungkol sa naging araw niya naramdaman ko yung lungkot niya at pangungulila sa pamilya. Kung anu-ano napag-usapan namin hanggang mapunta kami sa pagbablog…

Sabi ko para mawala yung kung ano man nararamdaman niya sa ngayon kailangan gumawa siya ng bagay na ikalilibang niya. Hinalimbawa ko yung pagbablog ko, nagshare din ako sa kanya ng mga ilang kwento ng blagistang magagaling at nasiyahan naman siya. Nasabi pa nga niya na nakaka-aliw pala ito at parang ‘di niya na mafeel magwork kundi magbablog na lang daw siya. Pero siguro kung wala talaga sa’yo ang passion para sa ganitong bagay sa huli mawawalan ka din ng gana….

Bigla nasabi niya sa akin na nakakatamad din pala Mitch, inaantok na ako. Sabay banat ng, ano ba ang blog? Ha??? (tanong sa isip ko) Imagine that binahagian ko na nga ng ilang mga blog posts, sabay tanong ng ano daw ang blog. Oh well, syempre medyo nairita si ako at sinabi ko, “ito yung tunog kapag nalaglag ka!” Pero syempre pagtapos ko makapag hunusdili inexplain ko kung ano nga ba ang blog, sinabi ko na isa itong online journal, web diary ng isang tao base sa kanyang karanasan, nakikita o ginagawa.

Kaso siguro wala na sa tino ang kausap ko kaya nagawa na niya mang-asar. Sabi niya siguro kasi yung mga nagbablog daw eh mga taong may sariling mundo, walang mga prends at walang itsura kaya sa blog na lang sila nagpapakaganda at nagpapagwapo. Hayyysst! Medyo uminit na ang ulo ko pero bago pa man ako makapagsalita ng di kanais-nais, sinabi niyang inaasar niya lang ako at sabay paalam.

What a chat! Pero alam mo sa pag-uusap naming yun, ‘ di pa din ako nadiscourage na ipagpatuloy ang ginagawa kong ‘to at patuloy pa din akong manghihikayat ng kaibigan na masarap itong libangan.

Ikaw ba bakit ka nagbablog?


Mga Tugon

Information

30 responses

16 11 2007
jojie

nayari ka shofatid.. hahaha! ang blog kamo isang isang uri ng exercise para sa brain.πŸ˜‰

16 11 2007
KUROKURO

salamat sa pagdaan sa aking blog.πŸ™‚

bakit ako nagba-blog? outlet. for catharsis. para mag-rant. at kung ano-ano pa.

17 11 2007
rHo

yaaaayyy… ma bago ka na palang blog pero don’t worry nai-link na ulit sya! hehehehe! yung isa e gagamitin mo pa ba yun?

hmmm… ako? bakit nagba-blag? pampatanggal ng homesick… dati kasi mag-isa lang ako dito kaya laging emo pero ngayon meron na akong makulit na kasama dito ngayon! hehehe!

musta ka na pala?! sana lagi ka lang oks! ingatz! God bless!

Misyel: Rho, namiss ko mga entries mo. Buti nakabalik kana at kasama na si hubby, weeeh! Yung isa kong blog pinag-iisipan ko pa kung ano gagawin ko dun, for the mean time ganun muna siguro. Ingat din. God bless you too!

17 11 2007
myglitch

sa umpisa, outlet lang ng nkakastress na buhay until maging blog addict na.πŸ˜€

17 11 2007
BartSiazon

bakit ako nagbablog? … … hmmm… kasi nakakalibang. para siyang alak, nakakalasing. Haha. Jowk. Hindi ako nangogopya a, outlet talaga ang blog. Kung tulog na lahat ng makakausap ko o kaya tinatamad kumausap pero gusto kong ilabas ang nararamdaman ko, nagbablog ako. Iba rin kasi ang relief pagkatapos magblog. Haha.πŸ˜€

17 11 2007
kengkay

kasi walang gustong kumakausap sa akin, waaahhhh – ng tagalog at english, hehehe… masarap, parang may kakwentuhan ka parati.

17 11 2007
Lenggai

sabihin mo jan sa kaibigan mo, hindi lang siya marunong magsulat kaya nasasabi niyang walang mga social life o hitsura ang mga nagba-blog… magbasa kamo siya ng dyaryo, o kahit makinig ng radyo… kahit artista nagba-blog!!!

haaaayyyyzzzz…. naimbyerna ako sa prend mo ha!

papalamig na nga lang muna ako. =)

17 11 2007
angel

bakit nagboblog? outlet! Mahirap sarilihin ang problema, at least dito mas okay magshare ng problems dahil wala namang nakakakilala sakin..

17 11 2007
Trinity* (codename)

Totoo po ang sinabi mo.. lalo na kapag nasa ibang bansa, masarap magblog dahil nakakatanggal ng homesick kahit papano, at nakakapagshare ka ng mga nararamdaman mo.

Ako, dalawa talaga ang blog ko… at magkaiba ang dahilan sa dalawa kong blog. Hehe. Si Trinity ay ang aking Tagalog version, isang parte ng pagkatao ko na ngayon ko lang (siguro) natuklasan…

Yung isa kong blog, English version.πŸ™‚ Dun ako nasanay at minsan, gusto ko din takasan. Hehehe.

Dun sa kaibigan mo, hehehe, wala lang siguro syang hilig sa ganitong bagay saka kung tutuusin, madami ding totoong tao sa blogosphere, because sometimes, people choose to show everything in the net rather than in the world because here, they are more comfortable.. because there are no eyes that scrutinize them and judge them.πŸ™‚ Yun lang masasabi ko sa kanya :]

17 11 2007
Banana

hays.. yaan mo na frend mo.. basta tayo nageenjoy magblog. kahit nga ako may mga iba akong friends na matatalino talaga pero walang hilig mag blog. kanya kanyang hilig lang siguro ito.
πŸ˜€

17 11 2007
ann

Ako nagblog kasi binantayan ko si kd, dami kasing ka chat…hahaha!

Wala kasi akong magawa sa bahay noon, naiinip ako maghapon. Dati lurker lang ako pero enjoy kahit nagbabasa lang. So, homesickness din ang reason why I blog.

18 11 2007
BURAOT

gudlak sa iyong pagba-blag. natawa lang ako kase yung quote mong anik-anik dun sa itaas bandang kanan, kapareho nung ginamit ko dun sa antisocial blog ko. hehehe. einstein type ka rin ba?

yun laang naman po. pasyal pasyal ulit.

18 11 2007
Rhapsody

naku inggit lang un noh kasi di siya makaisip ng iba-blog… sinong pangit na nagba-blog..? ang gaganda natin dito noh hahahaha… at ang mga guys puro gwapings dibah…

ako? im blogging para mawala ang pagka-bored at homesickness… kesa naman magmukmok at tumunganga sa harap ng PC. actually madaming pwedeng makausap dibah, noon sobrang hotline ang extension ko pero ngayon dibah anytime pwedeng tawagan pero busy sa blogging…

18 11 2007
prawnaccident

hmmm.. eto yung “bilang ganti…”

bakit ako nagba-blog??? kasi para maipamahagi ko ang mga feelings ko deep inside… pero habang tumatagal… parang gusto kong random post na lang… isa pa… parang may kausap ako… di ako nag-iisa… kahit madilim sa bahay at sa aking paligid…

yun.. hehe… and may bagong post po ako… pwedeng bumisita kahit na sino…πŸ˜€

18 11 2007
Jon Cabron

nagba blog ako dahil may mga salitang kailangang sumingaw sa pagkatao ko na pag sa personal ko inilabas, mauubusan ako ng kaibigan at mga nagmamahal sakin..

.. sabihin mo sa prend mo, kung mabibigyan ako ng pagkakataon gusto ko syang suntukin sa lalamunan.. sa blog ko’ lawls..

18 11 2007
bechay

blog? my getaway… dito ko nsasabi mga bagay n nde ko masabi s isang tao.. my diary? basically, it for my own hahaha.. bonus nlang ung mga taong nagkakatime to read and be with me s mga emochuchu ko s life..

tell to your friend.. get a life hahaha joke!! ^^

actually thru blog din nakakameet k ng mga online friends.. ^^ and i did have two of them ^^ kakatuwa..

btw, naksali ne me s wordpress pinoy ^^ and uv been tag gurly.. wmaaahh ^^

Misyel: Hi Bechay! Welkam sa WPP and thanks for accepting my invitation! Dun sa tag I’ll do that soon, salamat!

19 11 2007
Laarni

pero may nabasa akong study about people na nagbblog. most of the time, ang mga taong nagbblog ay mga taong ‘di masyadong sikat or loner sa offline life.

Anyway, I blog because it’s fun.πŸ™‚

19 11 2007
Nika Catbagan

ano ba yun. pero di na din ako magtataka kasi madami din sa mga kakilala ko hindi maintindihan bat ako may pagka-addict sa blog. ilang blog na nga ang hawak ko ngaun eh. -phew- masarap mag-blog kasi sa blog pwede ka magsalita ng nde mo naman normal na nasasabi offline. saka isa pa, dito nakakakita ka ng mga bagong kaibigan na naiintindihan ka kasi kilala ka nila mula sa blog mo.

19 11 2007
joy

Hi Mitch! Hope you are well today. Why not join us this Saturday at 3pm Greenwich Mean Time on Usapang Pinoy, the first and only Pinoy radio show in the UK? Just go to http://www.futureradio.co.uk, click on LISTEN ONLINE and voila! You will be able to hear the discussion live, request songs (if I have them) and send comments which I can read instantly on air by clicking on INSTANT MESSENGER on the home page of Future Radio.

By the way, please go to http://www.thegoddessinyou.co.uk/ and read the TWELVE MONTHS post. I have tagged you and that’s where you will find the rules. I look forward to reading your response to that meme. Do let me know please when you’ve done it. Have a good week!

joy
The Goddess In You

Misyel: Hi Joy! Thanks for the visit. I’m sorry I wasn’t able to go online last sat, I had engagement that time but maybe one of this weekend I might catch your show and hear you online. BTW, thanks for the tagged, I will do that soonπŸ™‚

19 11 2007
eden

HELLO MISYEL,
kmsta na ba? ok ka ha at nadagdagan pa ang bahay mo?paano yung luma wala na ba yun? o sya enjoy at tama brain excercise kamo ang blog,nakaka alis pa ng boredom.

have a great week ahead kapatid!

Misyel: Hi Eden! Thanks sa visit, yung dating blog ko siguro ganun lang muna sya for the mean time. Iniisip ko pa kasi kung iiwanan ko na ba siya talaga. Have a great week too!πŸ™‚

19 11 2007
Gina

Medyo maaasar din ako sa kanya seguro.
Pero, it is kind of difficult to explain to non-bloggers things like these.
Sabi nga ng isa kong kakilala- why would people want other people to read about their lives?
Ay, ewan, di ako matiyagang mag-explain.

19 11 2007
Kiko Matsing

Hehe! Alaskador din ang friend mo ah!πŸ™‚
Baka kunyari lang yun, tapos meron na rin pala siyang blog na ginawa iba lang ang pangalan! Hehehe!

19 11 2007
Leah

We all have our own reasons and most of them similar with one another. Yes, tayo lang mga blagista ang nakakintindi sa isa’t isa.

Sabihin mo dun sa ka-chat mo, mangunsumi sya ng iba. lol.

19 11 2007
MisyeL

Sa lahat po ng nag-iwan ng komento maraming maraming salamat! Pinatunayan niyo lang na masarap talaga ang mag-blog. Kaya patuloy pa din akong magra-rak-en-rol online, yahuuuu!πŸ˜‰

20 11 2007
chuvaness

missy!

ako nakiuso lang ako kaya ako nagb-blog eh…hahhahaha

20 11 2007
gasti

masaya magbasa ng blog..nakakaubos rin ng oras..epektib kapag bored ka.

dito lang sa blog ako madalas makisalamuha sa mga babae para walang huli.

23 11 2007
Tulak « Ang Saging ni Kiko Matsing

[…] ko kagabi yung pinsan ko sa ym. Sinisisi ako dahil wala na daw siyang nagawa sa bahay nila kundi humarap sa computer at […]

24 11 2007
mhel

hi sis! kaya pala ang tanong mo sken sa chat.. bakit ako nag-blog ha… now i knowπŸ˜€

ako nman ay may tanong sa sarili ko… bakit wala akong picture pag ngko-comment ako sa posts nyo, samantalang kayo meron… huhuhu aguy aguy…

28 01 2008
dodong flores

Hi, Misyel. I read your post about your 5 favorite entries (https://missymisyel.wordpress.com/2008/01/25/ang-aking-5-paboritong-kwento/) pero dito na lang ako mag-comment.
I admire your honest reason of why you resorted to blog. I probably must have the same reason as you are. Well, I can’t just tell you to please blog on…
Blog no, Misyel!

9 05 2008
Why do people blog?, a crawler finds out « amitGupta

[…] missymisyel […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: