Demi the doggy

13 11 2007

 

demi-medium.jpg

Yan ang aming asong si Demi!

 

Cute, sweet, malandi, maharot at pasaway! Kanina lang nakachat ko si sisteret at binalita niya na nakagat ang aming papsy ng asong maharot. Mahigit 2 months pa lang si doggy sa amin, nung umuwi ako kamakailan eh nakita ko pa siya, hay sarap niyang kargahin at laruin kaso nakitaan ko na sya ng panganib. Ibang klaseng aso, gusto palagi eh makipaglaro at kumagat ng kumagat, aba ang tingin ata sa lahat mapatao man o bagay eh pagkain… Tsk, tsk dyaskeng hayop! Kaya naman nung maglaon isa na din ako sa nataas ang paa sa sofa kapag nandyan na si Demi.

Lately lang siyang pinavaccine para sa rabies. Nung makagat ang aming papsy ika-14 days pa lang ng vaccine ni Demi, ang sabi ng vet ang effectivity daw nung vaccination pang 21 days pa… Kaya ayun under treatment ngayon ang dad namin for anti-rabies. Hayy, pasaway na aso! Kaya ngayon takot na daw lahat sa kanyang lumapit…. Eh tignan mo naman kasi….

 

Yay, katakot na si Deming harot!


Mga Tugon

Information

12 responses

14 11 2007
tim ang

kapangalan ng aso mo yung babaeng kinaiinisan ko talaga.

Misyel: Buti na lang di ko kapangalan si Demi, yay!

14 11 2007
kengkay

si demi naging aso, sya ba si demi dooorrre, hehehe.. waaawww

Misyel: Ate Kengks, siya si Demi Mura! nyehehe..

15 11 2007
Rhapsody

ang cute cute nya… akin na lang siya kung magsawa na kayo sa knya hihihihi…

ang mga asong mahaharot tlga. ako nga lagi din akong nakakagat ng mga aso nmin nuon.. kung makulit kasi sil mas makulit ako sa knila.. kaya ayun kagat ang panglaban nila sa akin hahaha..

Misyel: hahaha… tapang ng lola!

15 11 2007
Kiko Matsing

Nyay! Nakakatakot naman pumunta sa inyo! Baka makagat si lana pag pumunta kami sa inyo, sabihin mo isoli na lang sa nagbigay!๐Ÿ™‚

Misyel: Don’t wori kuya nakakadena na si doggy๐Ÿ˜€

15 11 2007
Maldito

ang cute ng aso…..ahehhee.na miss ko na tuloy mga aso ko sa bahay..:)///add kita sa blogroll ko.

Misyel: Salamat po! Ni-add na din kita at nauna pa ko sayo, hehehe๐Ÿ˜›

15 11 2007
chuvaness

takot ako sa aso..in fact may phobia ako jan…kaya nun nag alaga ang mother ko ng doggie, ako lang ang di close sa kanya. hehehe

Misyel: Ako din takot pero kapag nakita kong wala sa mood makipagkagatan yang si Demi nabubuhat ko din
๐Ÿ˜€ .

15 11 2007
Leah

Uy, ang cute naman. Kelangan, disiplinahin. Sabihin mo kay Uncle Lito, kelangan eh i-train nya.

Misyel: Naku kahit na anong train ata gawin ke Demi eh wala pa din, pinapalo na nga para magtino kaso ganun pa din. Maharot kasi talaga, sabi nga ni papa ang sarap laruin kaso nga nangangagat. Miss ko na yan si doggy๐Ÿ˜ฆ

15 11 2007
A Z R A E L

kyut ng puppy๐Ÿ˜€

Misyel: Mana sa may-ari๐Ÿ˜€

15 11 2007
BartSiazon

nakapangalan niya yung classmate ko… haha… nakakatawa yung two pics, parang “before ang after”… Haha…

Misyel: Abangan mo yung after ng after, hehehe.. Meron ba nun?๐Ÿ˜€

15 11 2007
jojie

ang cute…. ko! hahahaha! cute ng puppy, naalala ko noon nakakailang tsinelas ako kasi pag may tuta kami nginangatngat.

Misyel: Hay, cute ka naman talaga!
๐Ÿ™‚

16 11 2007
gasti

cute nga yung doggy kaya kelangan alagaan yan..kung nangangat bigyan mo ng laruang buto๐Ÿ˜€ o kaya naman ay bunutan mo ng ngipin.

Misyel: Naku, ilang laruang buto na meron yang si doggy pero yung bunutan ng ngipin di pa ata nila nagawa sa kanya, hmmm nice suggestion.

16 11 2007
taroogs

wehehehe… angkyut! wag kalimutang turukan ng anti-rabies pag kaya na niya at purgahin (wanlatigo… olbulatigo!)๐Ÿ™‚

Misyel: Ayy, naalala ko nung pinurga yan my golay ang daming alaga sa tiyan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: