PITO

5 11 2007

Dahil sa na-tag ako ni Kiko at Kengkay nung isang linggo kailangan kong ihayag ang 7 katotohanan tungkol sa aking masaya, magulo at makulit na buhay…

Nung ipinagbubuntis ako ng aking mamsy, sobrang peborit niya si Michael Jackson at ipinagakong ipapangalan niya ang kanyang anak dito ngunit dahil ako’y lumabas na isang babae ginawa niya itong MICHELLE.

Pinaglihi daw ako sa Pancit Bihon kaya medyo kakulay ko siya (nasobrahan siguro ng toyo nakain ng nanay ko, hehe!) at hanggang ngayon nababali ko pa din ang aking thumb hanggang madikit ito sa aking balat.

Mahilig akong makinig ng musika, mula sa aking paggising hanggang sa pagtulog. Isa ito sa nagpapasaya ng aking araw.

Iyakin si Ako kahit sa anong bagay, kapag masaya or malungkot madali akong maiyak at maging kapag ako’y galit. Hmmp, yan ang ‘di ko maalis sa sarili ko, ang hindi umiyak kapag nagagalit ng sobra!

Pito ang naging boypren ko ng seryoso pero ni-isa ngayon wala ako niyan! Hekhek!

Napakatakaw kong tao. Kapag sa kainan talo ko mga pinsan ko kasi kung sa kanila kain, sa akin naman lamon!😀

Hindi ako naniniwala sa kasabihang, “kapag ang tao may balat sa puwet malas!” Bakit kaya? Nyahaha!


Mga Tugon

Information

12 responses

6 11 2007
Leah

Agree ako sa lahat niyan…it is so true! Siguro yun # 7, true talaga..applicable sa yo.

Kakainis, bat ikaw di tumataba, miski mahilig kumain (este lumamon?) hi!hi!hi! (tawa ala Piolo ha)

Misyel: Dahil yan siguro ate sa may kahati akong sawa sa aking paglamon, ihihihi (tawa ala Piolo din).

6 11 2007
kneeko

1. michelle jackstone dapat name mo hehehe
2. patingin ng ang thumb mo? san naddikit na balat?
3. naks naman ok yan music lover… ang music ba love ka rin? jokeee😛
4. pede ka na sa drama… iyakin pala hehehe galitin kaya kita hahaha
5. w8 ka ulit after 7 years para magka-bf ka ulit hehehe aabutin naman pito-pito hehe
6. nakupo, ayaw kitang ilibre baka mamulubi ako lamonista ka pala hehe
7. kasabihan lang yan, wag ka maniwala…
pssst para bat 3+3 = pito? hehehe

Misyel: Buti na lang pare kinorek mo ako, di ko napansin yun ahh! Ibig ba sabihin engot ako sa math? hehehe… Yan iba na title, nyahahaha! Salamat po!

6 11 2007
Rhapsody

may balat ka sa pwet noh? mweheheheh

Misyel: Sshhhh………😀

6 11 2007
ris

samakatuwid ay meron ka nga? hehehe

Misyel: No comment! hahahha!!!

6 11 2007
S3lv0

Naku Misyel baka si Michael ang naiinggit sa pangalan mo hehehe baka sya ang gustong maging Michelle. By the way saan exactly ang balat mo?

Misyel: EH kung palit na lang kaya kami?😀 Hmmm, sikreto!

6 11 2007
kengkay

pang apat at pang anim, pareho tayong dalawa. minsan nga sa galit ko talagang di na ako makapag salita iiyakan ko na lang.. hahaha… at sa kainan, lamunan din ako, sarap yata.

6 11 2007
Kiko Matsing

Hahaha! Ngayon ko lang nalaman yung tungkol sa pangalan mo ah! Kaya pala si Kengkeng, Michael na ang ipinangalan sa kanya. Kaya lang sumablay pa rin sila, mas gusto na niyang pangalan ngayon, La Toya! Nyahahaha!

Misyel: Yan ang ikawalong katotohanan about me, 2 girls kami sa family at isang guy kaso ngayon GAY na sya hehe… Kaya dalawa na kaming Misyel sa pamilya, hahaha!😀

6 11 2007
manilenya

mwahehehe siguro kasi me balat ka sa pwet ano? uyyy heheheh revelation yan misyel lol!

ei punta pala ako ng Toronto next next sat, kami pala kasi sasama lang ako sa mga tyuhin ko e🙂 punta sila tutorial ng mga bata sa morning tapos sa gabi e bday ng anak ng isang kaibigan nila, wala lang sinabi ko lang hehehehe!

Misyel: Talaga punta ka ng Toronto? Saan dito? Sama ako sa bertdey! hehe… Kita tayo!🙂

7 11 2007
manilenya

ewan ko labas yata ng toronto yun e pero malapit lang siguro dun sige message kita kapag nakauwi ako sa bahay ask ko kung saan yun🙂

8 11 2007
kengkay

ay, ang saya naman sa pamilya nyo, dalawang misyel😀

15 11 2007
chuvaness

lol @ 7 hahahahhahaa

15 11 2007
chuvaness

na tag pala kita

Misyel: Uyy thanks for that… I’ll do that sometime dis week🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: