Ex chat

31 10 2007

chat.jpg

Kaninang umaga nakatanggap ako ng text mula sa dati kong bf, kung pwede daw ba na magchat kami…. Aba aba aba, ang lola mo syempre medyo naalarma ng mabasa ito. Biruin mo pagkalipas ng maraming taon magkakausap ulit kami ng ex ko, wtf! hehehe….

Matagal din kaming naging mag-ON ni ex, mga 5 years din. Sa kanya ko naranasan ang lahat (huy ano ba yang iniisip mo?!), ang magmahal at masaktan ng sobra. Pero masasabi kong super bait niya and sa lahat ng naging boyfriend ko siya ang pinakagalante, supah! Kapag may gusto akong bagay at siya ang kasama ko, mageemote ako niyan na para bang kailangan ko talaga yun at presto paguwi ko or pagkita namin ulit nasa akin na yung like ko. Maginoo din si ex, lahat naman ata sila pero isa siya sa pinaka (bakit ganun parang ang daming naging bf ni Misyel? nyahaha!), magalang at maabilidad siyang maituturing kaya sa mga bagay na yan wala akong masasabi sa kanya. Naging makulay ang relasyon namin, para bang roller coaster maraming ups and downs. Hayy, ibang klase love story naming dalawa… Biruin mo yung aking unang bf pilit na hiniwalay sa akin ng dad and mom ko para lang sa kanya, wala akong nagawa dahil sa takot ako lumaban that time and besides may gusto na din naman ako sa kanya bago ko pa nakilala si 1st bf, nawala nga lang siya ng matagal kaya ayun naunahan pero nagwagi pa din, hehe. Parang naging anak na din siya ng parents ko and kapatid sa mga siblings ko, maging sa mga relatives ko tanggap siya. Kaya tumagal kami ng ilang taon, dahil okay si ex sa kanilang lahat. At mantakin mo ako ang pers lab ni ex, ok ano? Hanggang ngayon nasasabi niya yan sa akin, di niya daw makakalimutan ang kanyang unang pag-ibig.

Ngunit, subalit, datapuwat may downs ang naging pagsasama namin kaya nga ex ko na lang siya ngayon. Siguro dahil sa may itsura siya, talagang habulin ng mga chikas. Mapatabi niya sa upuan ng bus eh nakikipagkilala sa kanya, pero dahil sa may tiwala ako sa kanya balewala yun sa akin. Kaso dumating sa point na nagsawa na din ang lola mo na magtiwala, biruin mo naman itext ka ng girl na buntis daw siya or inaagaw ko daw si ex , etsetera etsetera… Hindi ko na nakayanan sa huli kundi ako yung sumuko kahit na ano pang paliwanag ni ex, hayun nakipagcool off si ako hanggang mapunta na nga sa hiwalayan. So after 5 years na hindi kami nagusap at nagkita eto kami ngayon naguusap muli sa chat… dami ko kinwento ahhh!

Ano nga ba ang pakiramdam na makipagusap muli sa ex mo na matagal ng walang komunikasyon?

Oh well, iba pala ang feeling kasi parang ang haba ng hair ko talaga hehehe… Nagvoice chat kami at nagwebcam kanina, madami kaming napagusapan, kamustahan hanggang mapagkwentuhan ang nakaraan. Kakatuwa pala makausap muli ang ex after so many years, pwede niyo balikan ang nakaraan masaya man or masaklap pero nakangiti pa din kayong dalawa, so ibig sabihin wala ng nakatagong galit sa mga puso. Pero to be honest may kilig pa din huh, hehe… Ewan ko ba pero siguro natural feeling lang yun. Ayoko patulan, baka sa huli masaktan na naman aketch. Alam niyo bang pareho kaming loveless ngayon? Yung mga pinalit namin sa isa’t-isa eh ‘di din nagkatuluyan, pareho naming sinasabi “maybe she/he’s not meant for you”… Hmmm, ano kaya ito?! Tinanong ko siya kung bakit di pa siya nagaasawa ang sagot niya sa akin kasi wala siya dito, ehehe sino kaya yung wala doon?

Hindi kami nagkita nung umuwi ako sa Pinas last August kaya super hinayang siya, well ako naman ok lang ang pakiramdam marami pa namang next time. Pero masaya siya na makita ako maski sa webcam lang, positive naman yung nasabi niya about me (dapat lang kasi kung hindi minumura ko na siya dito!) and he’s happy na makita din sa pix ang family and relatives ko. Medyo nagmature na din mukha niya pero same pa din si fafa ayy si ex pala, may itsura pa din. Dunno kung habulin pa din ng babae pero looks like busy siya sa trabaho ngayon, kaya wala daw siya time for that. Pansin ko yung mga ngiti niya habang nakatingin sa pc, siguro nikilig din si ex ano? Well, siguro nga kasi bago kami matapos magusap he asked me na magchat ulit this Saturday.

Hmmm, abangan ang susunod na kabanata…..😉


Mga Tugon

Information

7 responses

1 11 2007
MARU

hmmmmn parang may naaamoy akong balikan a. hehehe! love is lovelier daw the 2nd time around. aruuuu! nways, abangan na nga lang natin ang susunod na kabanata.

salamat misyel sa dalaw sa blog ko. welkam to WPP nga pala. di na ako nakapasyal sa forum a.😀

MIsyel: Pano kung pang 3rd time na? lovely pa din kaya? ehehe… Salamat sa pagwelkam, I appreciate it a lot!🙂

1 11 2007
ann

Malay mo, kayo rin pala in the end. Baka yan na ulit ang simula ng bagong kabanata sa buhay ni Misyel.

Misyel: Hahayy, tignan natin ate Ann. Thanks for dropping by!

1 11 2007
Kiko Matsing

Di kaya nung tinanong mo siya kung bakit di pa nag-aasawa ang sabi ” wala kasi siya dito” yung fafa niya rin ‘yon? Nyahaha! Badingdong na pala! Joke lang ‘syel!

Tama, mabait nga si ex-bf mo kesa dun sa isang ungas na naging bf mo na niloko ka lang talaga!

Misyel: Talagang tinira yung isa kong ex oh! Dati dun ka boto ah, hahaha!

1 11 2007
kengkay

naks naman, narinig mo ba ang musik sa air, hehe…ako dami ko ring dramang ganyan. gwaping si pers lab ko (ups baka kilala pa ni kiko yun) at talaga namang playboy ang kumag. daming girls na nagcalling calling pa sa telepono namin, friendly ekek; may nakikipagkita pa sa akin — hay, nabwiset ang kengkay, pinamigay ko nga. hanggang makabuntis ang mokong, daming panganay, mga tatlo yata, ahahah… e balik ng balik kay kengkay. kaya ayun, yung legit na panganay nya ang ninang si ako.

Misyel: May musik talaga kengks kaso ang lakas masyado kaya di ko naintindihan ang tono, hehe… Dami talaga playboy sa mundo, akalain mong maging ninang ka pa ng anak ni ex mo whoah!

1 11 2007
manilenya

hehehe parang me naamoy akong balikan ha🙂

opppsss may asaynment ka pala sa kin🙂

Misyel: Meron nga kaya? hehe… Ni-tag mo pala aketch, tenk yu Nalen ha. Sige susubukan kong sagutan ang asignaturang bigay mo🙂

1 11 2007
S3lv0

hehehe aba parang may kumukutikutitap at kumikinangkinang na mata habang nagsusulat ng post na ito. halata na tumatalon-talon ang puso na parang palakang di mapakali habang inaalala ang mga naganap. uyyyyyy! hi misyel😀 salamat pala for visiting my blog. add kita sa blogroll ko mamu ha para masundan ko itong namumuong balikan blues.

Misyel: Kumukutitap po kasi kulang sa tulog, hahaha! Actually, isa ka sa magaling na blogistang nirekomend ni Kiko para pasyalan. Salamat po sa pag-add, sinama na din kita sa blogroll ko para makatambay dun ng madalas🙂

2 11 2007
chuvaness

uyyyy…muling ibalik ang tamis ng pag ibeg….hahahhaha…God bless sa lab lyf dear…kung kayo…kayo talaga!!! destiny without effort is dead. Hokey?

Misyel: Thanks for dropping by Malen! Tama ka kung kami nga kami pero kung hindi, siguro “siya” nga hehehe! Ang gulo nun ahh!😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: