CRUSH

10 01 2007
Anong mararamdaman mo kung malaman mo na may nagkakagusto sayo?
Ehem, syempre pa kikiligin ka… Matutuwa na meron din palang nakakapansin sa mga tindig mo, ayos ng buhok mo kung paano mo iunat o kulutin ito sa pamamagitan ng hair iron, gel o pomade na ginagamit mo, sa mga damit na sinusuot mo, sa deodorant at sa pabangong ginagamit mo (hahaha!), sa galaw at pakikipagusap mo… Hmmmm, sa madaling salita eh may nagkagusto sa porma mo at may sex appeal ka pala.

Naalala ko nung medyo bata pa si Sabel, yay si Misyel pala! May ilan-ilan din may nagkamaling nagkacrush sa akin, syempre pa nikilig naman si ako at panay ang pacute ko, hehe.. Yun bang lalo kang tatagal sa salamin bago ka pumasok ng iskul at ilang beses ka ding mag me-may i go out sa titser mo para pumunta ng banyo at magretouch ng hair at powder sa mukha tapos kapag break time eh rarampa rampa ka sa campus para magpacute pa din.. Hay, kakatuwang isipin ang noon. Sa ngayon ewan ko lang kung may magkamali pang magkacrush sa akin (baka si fafa ko di lang ako love kundi crush din, hehe).

May mga naging crushes din pala ako noon, pero wa epek si ako sa kanila, ewan ko ba mahina hatak ng pabango ko siguro nung mga panahon na yun (ahihi), kapag may gusto ka ayaw sayo pero yung ayaw mo may gusto sayo, hmmm bakit kaya ganun? Yun ang tinatawag na layp pero kung swertehin ka naman at napusuan ka din ni crush mo wow sarap nun sa pakiramdam, parang nanalo sa bingo.

Bakit nga ba ito naisipan kong i-blog sa ngayon? Wala naman crush si Misyel kundi, ehem lab hehe… Ahh alam ko na para pala ‘to sa isa kong kaibigan, di ko pwede banggitin ang pangalan baka mabuko at ako’y ma-bingo pero sana kapag nalaman ng crush nya na type sya nito eh maging sila na, hmm abangan ang susunod kong entry tungkol dito kung magkaganun nga pero that time syempre ang title na eh CRUSH NA NAGING LOVE, okay ba? Baka may idea pa kayo na mas magandang title, share naman dyan. Tenk yu po😀


Mga Tugon

Information

20 responses

11 01 2007
pauL

hhhmmm… sino kaya yung maswerteng lalaki na iyon… *ehem *lol

11 01 2007
M I C H E L L E

secret paul eh, hehe… pero kung ikaw syempre bubulong ko sayo😀

11 01 2007
bea

ang mararamdaman ko? depende sa may crush sa akin hehehe. baka po kasi stalker. eh hehehe. kakatakot yun hehehe

12 01 2007
cruise

haha oks to, may aabangan kami sa susunod na entry kung ang may crush at may type ay magkakatuluyan🙂

12 01 2007
jhenny

hi misyel! yeah nakakatuwa talaga kapag nalalaman mo na may nakaka-crush sayo.. wala lang, basta lang nakakakilig nga haha.. hay girl nakaka-relate ako🙂

takecare.

12 01 2007
mousey

sige baka sa susunod wedding pics niyo na nandito ng crush mo. hay kagilig!

12 01 2007
Daisy

ang cute naman ng post na ‘to =)

12 01 2007
Wengskie

depende tlga kung eligible ung may crush s kin, naks! cguradong kilig 2 d bones! =P

12 01 2007
Leah

yun crush ko nun nasa grade school ako, kinindatan ako…kininditan ko rin..kilig talaga..ha!ha!ha!
ngayon, yun mga nag-kaka-crush sa akin, hanggang fantasy na lang sila sa beauty ko. kasi taken na ako eh.
yun crush ko – secret..

sana magkatuluyan naman si ano at si kuwan..abangan ko, cge.

12 01 2007
Anonymous

hay naku ! nakakarelate ata ako ! of course kikiligin ako misyel lalo na kung guzto din ako ay este guzto ko din ! wait ko susunod na kabanata…….

12 01 2007
Isaiah

hahaha. Nakakaflatter sobra pagmay- nagkakacrush sayo. Parang silent flattery! Kinikilig ako habang binabasa ko ang entry mo at truelaloo nga na nung h.s. eh lalo ka nagpapaganda at rumarampa sa harap ng crush mo yiheeee! Kinikilig tuloy ako!^_^

13 01 2007
cool_78

I really miss the feeling of being in high school and talk about crushes hehe. vey nice post

13 01 2007
Lazarus

not a single soul knew kung sino-sino mga crush ko nung HS and College. he he.

But alam ko kung sino ang may crush sa akin, coz some friends told me. At no epek daw kasi wala akong reaction.

Hahay! those days…

14 01 2007
niceheart

I remember feeling awkward around that guy who had a crush on me.🙂 Matagal na yun. Nun pang kabataan ko.🙂

14 01 2007
sherma

pag nalalaman ko na may taong nagkakamali, naiilang ako… ang drama ko pa, “wag kang lumapit sa kin!” hehehe…

15 01 2007
Ferdz

Dati nung nalaman kong me nagka crush sa akin syempre medyo ego boost hehe pati medyo naging conscious sa sarili.😛

15 01 2007
Debie

hehe d pa ngyayari sakin na ngkcrush din saakin ang crush ko, usually kasi ung taong ayaw ko ang ngkkcrush sakin.

Pero kung mangyayari sakin un, aba ok.

15 01 2007
kneeko

crush? ano un hehehe

title? hmmm “Got a Crush on You” hehehe kanta ata un ah

15 01 2007
cruise

itago nalan natin sya sa pangalang luv, hehe. sana magkatuluyan nga sila mga friend mo.

kapag may nag ka crush sa akin, tska ko nalang kwento kapag meron na, di ko pa alam ano feeling kasi walang nag ka kacrush sa akin, hehe

19 01 2007
Dos Ocampo

buti pa kayo ako di ko alam sino may crush sa akin kasi di naman ako appealing to their prying eyes hehe…

Sino kaya yun? grabe, ang tagal ko di nakapunta dito hehe…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: