MAKARELATE KA KAYA???

9 06 2006



Nakakatawa talaga ang love. Isa siyangnapakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mongmasabisa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo di ba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason.Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo parin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Teka, anoba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi cum laude angstanding niya, pero dumating ang panahon,na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga nasiya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng lovenagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ngmalalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam,nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ngsagot.Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,lumalambot.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siyasa mga taong ayaw na talaga magmahal.Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko nama-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya.Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero ‘pagproblema mo na yung pinag-uusapan parangnawawalanng saysay lahat ng ipinayo mo dun sanamomroblemang tao? Naiisip mong wala namangmalidun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taongtinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayonkolang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh! “Angsarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ngmga taong alam naman nilang masasaktan langsilaeh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyemprehindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sapaderyon, at pagbabagsak ng pinto.
Ang labo talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ngmgabagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na angpinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siyanakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.
Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay angkatotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahilsiguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.

Mga Tugon

Information

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




%d bloggers like this: